Chapter 40: Badminton

25K 990 147
                                    

Third Person POV


"Ito na ang pera. Gawin mo ng maayos ang pinapagawa ni boss kung 'di malalagot ka. Nasa sayo na kung magpapahuli ka o hindi basta wag na wag mo kaming idadamay sa katangahan mo kung 'di ang pamilya mo ang magbabayad sa kapalpakan mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Maawtoridad na tanong ng lalake sa taong nakangisi habang patuloy na binibilang ang mga pera na binigay sa kanya.

"Yes. Just leave it to me." Mala-demonyong nakangisi nitong sagot.

"Good." Maikling sambit nito bago umalis.


Sunny's POV


Wow! Ang daming tao!

Punong-puno ng mga tao sa badminton arena, mostly girls.

"Tangina. Sinong artista ang dumating? Kung makatili parang wala nang bukas. Bwiset." Inis na sinabi ni Kiana.

"Oo nga. Ang sakit nila sa tenga. Ni hindi pa man nga nagsisimula ang laban." Naiirita ring sinabi ni Babob habang tinatakpan ang dalawa nitong tenga.

Maya-maya lang ay mas lalong lumakas ang tilian.

"Puta naman! May mas ilalakas pa pala doon. Milky, ba't nakatulala ka?" Tanong ni Kiana kay milky nang mapansin niyang nakatulala ito.

"I think I know the reason why." Mahinang saad nito at tinuro kung saan siya nakatingin.

Napakunot-noo kami sa ginawa niya kaya tinignan namin ang tinuturo nito.

"Motherfucker."

"Uy siㅡ"

"Yelo." Mahinang banggit ko sa lalakeng naglalakad ng walang emosyon at nakasuot itong pangbadminton attire at may hawak ring itim na raketa.

Lahat ng mga babaeng nadadaanan niya ay binibigyan siya ng mga boteng tubig at towel ngunit linalagpasan niya lamang ang mga ito.

Kaya ba hindi siya sumali sa basketball dahil maglalaro siyang badminton?

Dahil sa aking pagkatulala ay hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala siya.

Tinignan ko ito at para bang may something sa mata niya na nakakahipnotismo.

Is it just me or did he just look handsome?

Bigla akong napailing sa aking naisip.

"Hey, are you okay?" Tanong nito sa akin.

Tinignan ko ulit ito and once again, I was lost in his cold eyes.

This is now getting creepy. What the hell is happening to me?

"You know, I can just give you my picture if you still want to gaze at me."

Once a hambog, always a hambog.

"I'd rather burn that picture than to gaze at it. It's not worth of my time, you know." Nakangisi kong sinabi sa kanya.

"What do you want?" I asked, then crossed my arms.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang kanyang malamig na tingin ngunit mabilis rin itong naglaho nang bigla siyang ngumisi.

Biglang natahimik ang buong arena na maski ako ay parang nawalan na rin ng boses upang magsalita.

D-did he just...

"A good luck kiss from me, honey. See you later." Nakangisi nitong sinabi at kumindat pa bago ito umalis.

Nakanga-nga pa rin ako kahit wala na siya sa aking harapan.

"Damn!"

"Hokage!"

"K-kitty..."

Hindi makapaniwalang sambit ng tatlo kong kaibigan.

Napahawak ako sa aking kaliwang pisngi.

My left cheek is not pure anymore.


Louise POV


Parehas na pinapawisan.

Parehas na hinihingal.

Parehas na nakatingin sa isa't-isa.

Ngunit ni isa sa kanila ay walang may gustong sumuko dahil pareho silang determinadong manalo.

"Damn. Hindi lang pala pambara at pilosopo ang pinag-aawayan nila pati pala badminton. Walang 'ya! Perfect match." Nakangising sinabi ni Babob.

Simula nang halikan ni Steven si Kitty sa pisngi ay hindi na umimik ang kaibigan namin. Sa bagay, hindi na ako magtataka pa. Parehas sila ng psycho niyang kaibigan na magnanakaw rin ng halik. Kaasar.

Ngunit nang tinawag ang pangalan niya at ang pangalan ni Steven na pumunta sa court ay biglang nawalan ng emosyon ang mga mata ni Kitty.

"Twenty nine. Twenty nine. Point by Sunny Villegas. Last one point for both singles." Pag-announce ng scorer.

Parehas nang tie ang score nila na mas lalong nagpa-init sa laban.

Sinerve na ni Kitty ang shuttle cock at pinalo naman ito ni Steven pataas.

What the heck? Nagbigay ng mataas na tira si Steven? Nagpapatalo na ba siya? Mas madali at malakas ang pagsasmash ni Kitty niyan.

Napangisi si Kitty sa ginawang pagtira ni Steven at hinanda ang kanyang sarili upang maismash ang shuttle cock ng malakas.

Nang mai-smash niya na ito ay nagulat ang lahat sa sumunod na nangyari.

May lumipad na raketa papunta sa direksyon ni Kitty ngunit mabilis na binitawan ni Steven ang kanyang raketa at dali-daling pumunta sa pwesto ni Kitty at yinakap niya ito sa likod.


Sunny's POV


Nang mai-smash ko na ang shuttle cock ay napapikit na lamang ako dahil tapos na ang laban.

Uupo na sana ako dahil sa sobrang pagod nang may biglang yumakap sa aking likod na nagpamulat sa aking mga mata.

The person hugging me suddenly moaned in pain.

Hinarap ko ito at nagulat na lamang ako nang makita ko si yelo ang nakayakap sa akin.

Pa-paano siya nakapunta dito? A-anong nangyari?

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pilit na ngumiti kahit na may masakit sa kanya.

"Thank God you're okay." Mahinang sambit nito bago napaupo na ikinasinghap ng lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3




Ms. Pambara meets Mr. PilosopoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum