Chapter 26: Twins

35.4K 1.2K 163
                                    

Park Chanyeol as Blue and Green Fuentabella.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Third Person POV


Ngiting tagumpay ang pinapakita ni Sofia at ng mga alipores niya habang naglalakad sila sa hallway at nakakasalubong ang mga estudyante na nagtatakang tinitignan sila.

"Finally, our plan succeeded." Nakangiting sinabi ni Kenny.

"Grabe, ang saya ko nung tinulak ko siya. Sa wakas, nakaganti rin ako sa pagsampal at sa pagpapahiya niya sa akin. Take that, bitch! Hahahaha!" Natutuwang sinabi naman ni Beatrice.

"Kung may mas masaya man sa ating lahat, ako 'yon. Pagkatapos niya akong pahiyain sa buong Willford students. Sigurado na akong wala nang magtatangka pang kalabanin ako dahil sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay nila tulad ng ginawa ko sa famewhore na 'yon." Nakangising sinabi naman ni Sofia.

Habang masayang naglalakad ang tatlo ay bigla na lamang silang napatigil nang may biglang umakbay sa kanila.

Nang lumingon ang tatlo sa taong umakbay sa kanila ay bigla na lamang nagmala-tarsier ang kanilang mga mata.

Dahil ang taong 'yon or mas magadang sabihin na ang dalawang taong 'yon ay walang iba kung 'di ang magkambal na presidente ng 12-Poseidon.

"Blue Fuentabella?!" Gulat na sinabi ni Sofia.

"Green Fuentabella?!" Gulat ring sinabi nina Kenny at Beatrice.

"Hi girls." Nakangiting bati ng dalawa sabay kindat sa kanila.

"Oh my God! Is this true?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Sofia.

"It's not true, babe. It's real." Sagot ni Blue gamit ang husky niyang boses at mapang-akit na ngumiti kay Sofia.

"Green, i-ikaw ba talaga 'yan?" Nauutal na tanong ni Beatrice sabay hawak sa pisngi ni Green.

"Hi-hindi ba kami nananaginip?" Tulad ni Beatrice ay nauutal na nagtanong rin si Kenny.

"Yup! It's me, President Green Fuentabella of 12-Poseidon at your service, darlings." Paos na sinabi ni Green at mapang-akit na ngumiti sa dalawa at pasimpleng inalis ang pagkahawak ni Beatrice sa kaniyang pisngi at muli silang inakbayan

At dahil sobrang natuwa ang tatlong babae ay napayakap silang mahigpit sa bewang ng magkambal na Presidente.

Habang naglalakad sila ay napapanganga at lumalaki ang mga mata ng mga estudyante na nadadaanan nila.

Tila bang hindi sila makapaniwala na pinatulan sila ng dalawang presidente ng 12-Poseidon.

"Kyaahhh! Oh my God! Sa wakas! Napansin rin ni Green my loves ang beauty ko!" Tili ni Kenny sa kaniyang isipan.

"Green, you're my dream come true! Yiiihh! Hihi..." Malanding tili naman ni Beatrice sa kanyang isip.

"OMG... I can't still believe that this is really happening right now. Inaakbayan ako ni Blue Fuentabella na isa sa famous heartthrob twins. Shit, Sofia! Ikaw na talaga ang pinakamagandang Queen Bee."  Nakangiti na sinabi ni Sofia sa kanyang isip at mas lalong hinigpitan ang pagkayakap kay Blue.

Hindi mapaliwanag ang sayang nararamdaman ng tatlong babae ngunit hindi naman mapakali ang nararamdaman ng dalawang lalake.

"Waaahh! MAY DALAWANG DAMBUHALANG MALANDING LINTA NA NAKADIKIT SA KATAWAN KO! Anak ng shokoy! Pagka-uwi ko talaga sa bahay uubusin ko ang safeguard na sabon sa katawan ko! FUCKING GERMS ARE NEAR MEAy mali. THE BITCHES GERMS ARE HUGGING ME TIGHT! HELP!" Nababaliw na sinabi ni Green sa kaniyang isip.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now