Chapter 15: Weak Side

47.1K 1.3K 73
                                    

Lumipas ang mga ilang araw ay biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ng mga schoolmates ko.

Madalas ay palagi nila akong pinag-uusapan ng mga bagay na nakakasakit. Hindi ko nga rin alam kung bakit nila ginagawa 'to sa akin. What did I do wrong? Mabait naman si Kitty ah. 

~Flashback~

Papunta ako ngayon sa canteen para bumili ng Chuckie, my favorite choco drink! 

Hindi ko kasama si Milky kasi nasa Japan sila ngayon nila tita at tito. Parang may napansin nga ako kay Milky ngayong mga araw na 'to eh. Simula ng mangyari ang pag-uusap namin ni yelo ay parang naging tahimik na rin si Milky. Tinanong ko nga siya kung may problema siya pero ngingitian niya lang ako ng peke. Hay naku, ang bata-bata niya pa para magkaroon ng problema. Bakit 'di niya na lang kaya ako gayahin? Ang problema ko lang ay kung papaano ako makakabalik ulit sa Hello Kitty dreamland ko. Miss ko na kasi sila Hello Kitty and friends.

Well, okay lang naman sa akin na umalis siya kasi may dala naman daw siyang mga pasalubong sakin. And guess what? Maraming Hello Kitty Collections ang pasalubong niya daw sakin para makabawi naman daw siya sa mga araw na hindi kami nakakapagbonding. O diba, ang swerte ko talaga kay Milky. 

Pabili na sana ako ng Chuckie nang may biglang nagparinig nanaman.

"Oh, look who's here, if it isn't the slutty bitch. Playing innocent again, bitch?" Sabi ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang tinuturiang bagong Queen Bee ng Willford Academy na si Sofia Mendez. Ang sabi daw nila ay nagmigrate na daw sa America ang unang Queen Bee na kasing batch lang namin. May issue daw noon dito ang unang Queen Bee at si yelo. Hindi ko na masyadong pinakinggan pa ang chismis tungkol sa kanila. Bakit, kapag ba pinakinggan ko ang chismis nila ay bibigyan ba nila akong Hello Kitty? Hindi naman diba? Pakikinggan ko lang sila kapag bibigyan nila akong Hello Kitty collection.

Hindi ko na lang siya pinakinggan at itinuloy ang pagbibili ng Chuckie ko.

Aba, malay ko bang ibang tao pala ang tinutukoy ni ate.

"Ate ganda, pabili pong isang Chu"


"Don't you dare ignore the hell out of me, bitch!" Galit niyang sigaw at sapilitan akong iniharap sa kanya.

Medyo napangiwi ako sa sakit dahil napadiin niya ang kanyang mga mahahabang kuko sa aking balikat.

"Ha! Your face disgust me, pathetic bitch." Nandidiri niyang sinabi.

Aba! Problema nito sa mukha ko? Pinapakealam ko ba yung sa kaniya?

Sasagutin ko na sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Kailangan kong maging kalmado ngayon lalo na't wala si Milky para pigilan ako.

"Uhmm... Ako po ba ang tinutukoy niyo ate?" Magalang kong tanong sabay turo pa sa sarili ko.

Ngumisi siya sa tanong ko at tumingin sa side niya tapos ibinalik niya ulit ang kanyang tingin sa akin.

"Are you really that stupid, bitch? Oh wait! I heard that you're a scholar here, am I right?" Nakangisi niyang tanong.

"Yup! Ang talino ko po, 'no?" Masaya kong sambit.

Pagkasabi kong 'yon ay bigla siyang tumawa ng malakas.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now