Chapter 13: First Kiss

41.5K 1.4K 105
                                    

Louise POV


Kitty nasaan ka na?

Nakaupo ako ngayon sa bench habang hinihingal. Nagpapahinga muna ako pagkatapos kong ikutan ang buong academy ng dalawang beses.

Grabe! Naiiyak na ako. Nasaan ka na ba talaga Kitty? Inikutan ko na nga ang buong academy ng dalawang beses pero hindi pa rin kita makita. Alam mo bang kinakabahan na ako sa pag-aalala sayo?

Nagsimula na akong umiyak. Wala akong pakialam kung malakas man ang hagulgol ko dahil wala namang tao dito sa garden kundi ako lang. Nagsisimula na kasi ang klase pero dahil nag-aalala ako ay Kitty ay nagditch ako para lang hanapin siya.

Kumuha ako ng bato sa baba at ibabato na sana sa punong nakita ko nang may biglang nagsalita.

"Try to throw that fucking stone on this tree and I'll assure you that your damn life will become miserable." Banta niya na may nakakatakot na tono.

Ha? Bakit may biglang nagsalita? Akala ko ba ako lang ang nag-iisang tao dito? Bakit may ibang tao dito? Nagditch rin ba siya?

"Of course I ditched stupid. Tch." Masungit niyang sinabi.

Teka nga lang, sino ba 'tong masungit na 'to at kung makapagsalita feeling close kami.

"Sino ka ba ha? Bakit ang sungit-sungit mo sa akin eh hindi naman kita kilala atsaka hindi ko pa nakikita yung mukha mo." Reklamo ko sa kaniya.

Kung may ibang tao lang dito na nakakakita sa akin, sigurado akong pagkakamalan na nila akong baliw dahil nagsasalita akong mag-isa dito.

"You don't have to see my face."

"Ahh... Siguro kaya ayaw mong makita ko ang mukha mo dahil mukha kang unggoy 'no?" Mapang-asar kong tanong.

"Shut up." Mahinahon niyang sinabi.

"Wala... Kamukha mo talaga yung unggoy. Unggoy, unggoy, unggoㅡ"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil may taong tumalon mula sa punong tatapunan ko sana ng bato.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya.

Waaah! Siya yung president ng Hades diba?

Huhu... Kung nakakamatay lang ang tingin, siguradong dinadamayan na ako ngayon.

Napalunok ako ng malalim dahil ang sama ng tingin niya sa akin habang papalapit siya sa kinatatayuan ko.

"What did you just say? Me? A monkey?" He seriously asked.

Jusko po! May sinabi ba akong unggoy? Wala akong naaalala na sinabi ko 'yon sa kaniya ah.

"Answer me stupid woman." He said while giving me death glares.

Sasagot na sana ako kaya lang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Totoo ba 'to?

Hindi ba ako nagmamalikmata o nanaginip?

Nang makalapit na siya sa akin ay bigla na lang niyang sinunggaban ang aking labi.

This man infront of me just stole my first kiss.


Demon's POV


This girl is fucking mine. Mine alone. If someone will try to take her away from me, I'll make sure that he'll live in hell.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now