Chapter 72: Leaving

21.4K 789 191
                                    

Louise POV

Habang busy kami sa paghahanap kay Kitty ay hindi namin napansin na ang pagkacount down ng mga tao na nasa paligid namin.

"Ten, nine, eight..."

Napatingin kami nina Kiana at Babob sa isa't-isa nang marealize namin kung bakit nagbibilang na ang mga tao.

"seven, six, five..."

Mas lalo naming binilisan ang paghahanap kay Kitty dahil malapit nang magbagong taon.

"four, three..."

Kitty asan ka na? Please lang magpakita ka na.

"two, one!"

Pagkabanggit nila sa huling number ay nagsimula nang magkaroon ng mga ingay sa may kalangitan.

Bago pa ako makatingin sa taas ay may humablot sa akin na ikinagulat ko ngunit mas nagulat ako sa ginawa nito.

Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa lalaking nakapikit habang nakalapat ang labi nito sa labi ko.

W-what?

Makalipas ang ilang mga segundo ay inilayo na nito ang kaniyang mukha sa akin.

Ngumisi ito sa akin samantalang ako ay nakatulala pa rin sa kaniya o mas magandang sabihin sa hindi ko inaasahang ginawa niya sa akin.

Muli nitong inilapit ang kaniyang makinis na mukha sa akin at akala ko ay muli niya akong hahalikan ngunit bumulong lamang ito sa may kaliwa kong tenga.

"Happy New Year, sweety..." malambing nitong wika na ikinapula ko.

A-ang se-second k-kiss ko... siya nanaman ang nakakuha...

Kiana's POV

Habang naglalakad ako ay nagsimula nang pumutok ang mga fireworks.  Ang mga iba't-ibang kulay na nakakabighani sa aking mga mata. Ang mga kulay na tila ba'y nagpapahiwatig ng kasiyahan. Ngunit sadya talagang hindi ko ma-appreciate ng buo ang ganda ng tanawin sa may kalangitan dahil sa gagong manyak na may masamang balak.

Akmang hahalikan niya na ako nang bigla ko siyang sinampal gamit ang pamalo para sa mga langaw na may hugs ng kamay. Kabibili ko lang nito kanina bago namin hanapin si Kitty. Bakit ko binili? Dahil imbes na sa langaw ko ito ipapalo ay sa kaniya ko na lang ipapalo 'to para mag tanda. Aba, pasalamat siya kulay berde yung binili kong pamalo. At least alam niya na para sa kaniya lang talaga ang pamalo na binili ko.

Gulat nitong hinawakan ang pisnging sinampal ko gamit ang pamalo at tinignan ako ng masama.

"Ang daya mo! Nung ikaw yung humalik sa akin, hindi naman kita sinaktan at pinigilan! Pero kapag ako na yung hahalik sayo, palagi mo na lang ako sinasaktan. Ano? Gusto mo ikaw palagi yung gumagawa ng first move? And bakit mo sinampal sa akin yung pamalo ng langaw? Mukha ba akong langaw sayo?" Pagrereklamo ng manyak na 'to sa akin.

"Hoy! Isang beses lang nangyari 'yon at kailanman ay ayaw ko nang maulit pa 'yon. Ginawa ko lamang 'yon para tumigil ka sa pagsaskandalo mo n'on. At oo! Isa kang malaking langaw sa paningin ko." Namumulang sagot ko na ikinangisi niya.

"Ang sama-sama mo sa akin. Bagong taon na pero ganyan pa rin ang trato mo sa akin. All I just wanted to do is to greet you a happy new year." Malungkot nitong saad habang nakatingin sa baba na para bang batang walang magawa kung 'di ang makinig sa sermon ni nanay.

Ulul! Maggigreet lang daw ng happy new year eh ang haba ng nguso niyang nakatutok sa akin kanina.

Imbes na makipagtalo pa ako sa kaniya ay napabuntong hininga na lamang ako at inilahad sa kaniyang ang kamay ko na ikinagulat niya kaya muli siyang tumingin sa akin.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon