Chapter 16: Expression

39.2K 1.3K 57
                                    

Third Person POV


"Master Ice, the car is ready." Sabi ng isa niyang bodyguard.

"Good." Maikling sagot naman ng isang lalaking nakasuot ng jacket na walang hood at nakasports short ito.

Papunta sila ngayon sa private park nila upang doon niya gawin ang kanyang daily exercise.

Napatingin siya sa bintana ng sinasakyan niyang sasakyan at nakita niya doon ang mga tao sa isang public park.

"Tch." Ang tanging nasabi niya at inalis ang kanyang tingin sa bintana.

Nang makarating na ito sa private park nila ay pinagbuksan siya ng pinto ng isa sa mga bodyguards niya.

Pagkalabas niya ay sumunod ang lima niya pang mga bodyguards sa likuran niya.

"Good morning Master Ice." Bati sa kaniya ng mga tauhan ng pamilya niya sa park. Sila ang mga tagapagbantay ng private park nila.

Hindi niya man pinansin ang mga ito at nagdiretso lamang sa paglalakad.

Napatigil ang kanyang mga bodyguards sa pagsusunod sa kanya nang tumigil siya sa paglalakad.

May lumapit na isang bodyguard niya sa kanya upang alisin ang jacket niya kaya nakasuot ng black muscle shirt na lang siya ngayon at ibinigay naman ng katabi niyang bodyguard ang towel niya.

Hindi na siya napagsama pa ng mga butlers dahil may mga bodygurads naman siyang kasama.

Inilagay niya ang towel sa likod ng leeg niya at isinuot na ang kanyang earphone para may pangmusic ito habang siya'y nagjajogging.

Sinimulan na muna niya ang warm-up exercise niya bago siya magjogging.

Maya-maya lamang ay napatigil siya sa pagtatakbo at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa tuhod niya habang hinahabol niya ang kanyang paghinga.

Mapapansin rito na hindi talaga siya tumigil sa pagtatakbo hanggang sa hindi niya na nakayanan pa.

Ang kanyang buhok na basang-basa sa pawis at ang kaniyang black muscle shirt at towel ay basang-basa na rin sa pawis.

Kinuha ng isang bodyguard niya ang towel niyang basang-basa sa kaniyang leeg.

Nang makahinga na siya ng maayos ay inalis niya ang muscle shirt niyang basang-basa sa pawis kaya lumantad naman ang kaniyang six pack abs at ang maputi niyang balat na parang hindi man lang nasisinagan ng araw. Medyo litaw rin ang v line niya kaya kapag may napatingin na babae sa kanya ay siguradong maglalaway ito sa kanyang katawan na parang isang main course lang.

Kinuha niya ang bagong towel sa bodyguard niya upang punasan ang kaniyang basang buhok at katawan atsaka isinabit na ang towel sa balikat niya.

Kinuha niya rin ang water bottle sports niya sa isa pa niyang bodyguard at uminom rito.

Umupo siya sa isang bench at iniyuko ang ulo habang nakapatong naman ang dalawa niyang kamay sa magkabilang hita niya.

"Selvester." Mahina niyang tawag sa isang bodyguard niya.

"Yes, Master Ice?" Tugon naman ng bodyguard niya.

"Phone." Utos niya rito habang nakalahad ang isa niyang kamay.

"Here, Master Ice." Sabay bigay ng bodyguard niya ang iphone niya sa kanya.

Kinuha niya ito at binuksan.

Maya-maya lang ay napailing na lamang siya atsaka sumandal sa bench at tinignan ang pagtaas ng araw.


Louise POV


Nandito ngayon si Kitty sa bahay namin. Nakauwi na kami ng pamilya ko galing Japan kahapon. Dala-dala ko rin ang mga Hello Kitty Collections na pinapabili ni Kitty pero nang ibigay ko sa kanya ang mga ito kanina ay ngumiti lamang siya sakin ng peke at nagpasalamat.

Nagulat ako sa ipinakita niyang ekspresyon kaya nagmala-espiritista ako ng 'di oras at pilit na inaalis ang masamang espiritu na sumanib sa kanya.

Natawa siya sa ginawa ko pero alam ko namang pilit lang 'yon.

Tinanong ko siya kung okay lang ba siya at tumango naman siya na nakangiting pilit na may kasamang okay sign pa. Pero alam kong hindi siya okay dahil kung okay lang siya ay dapat kanina pa siya nagtatalon-talon at yinayakap ako ng mahigpit dahil sa mga binigay kong Hello Kitty Collections niya.

"Milky naman, ang kulit-kulit mo. Okay naman si Kitty eh. Tignan mo nga oh, wala akong sakit kaya I'm fine, milky." Nakangiting-pilit nanaman niyang sinabi.

"Sandali lang nga. Ikaw dapat ang tinatanong ko eh. Okay ka lang ba, milky?" nag-aalala niyang tanong.

Napakunot-noo naman ako sa tanong niya.

"Ha? Oo naman. Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Kung okay ka, eh bakit ang tahimik mo nung hindi pa kayo pumupuntang Japan?"

Dahil sa tanong niya ay parang nalagutan ako ng hininga.

Patay. Nahalata niya rin pala ang pagiging tahimik ko noon.

"Ahh... Ehh..."

"Ihh... Ohh... Uhh...?" Tanong niya

"Uhmm.. Kasi Kitty..."

"Milky, wag kang magsisinungaling kay Kitty. Alam mo namang ayaw ni Kitty na may pinoproblema ka diba?" Nag-aalala niyang tanong.

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ako naging tahimik noon.

Nang marinig niya na ang rason ko ay bigla akong kinilabutan sa pagbabago ng ekspresyon niya.

Alam na alam ko ang ekspresyon na 'yan.

Ang malamig at walang emosyon niyang ekspresyon.

Kapag naging ganyan na ang expression niya ay kilabutan at magtago ka na dahil 'yan ang ekspresyon ng isa sa mga katauhan niya na pinakaayaw niyang ipakita sa iba.

The expression of a Ms. Pambara.

"Pinagbigyan ko na sila sa mga ginawa nila sakin. Hinayaan ko sila sa mga gusto nilang gawin pero ang malaman kong pati ikaw ay dinadamay pa ng mga gagong 'yon, aba, hindi na tama 'yon. Sumosobra na sila. Sinasagad na nila ang pasensya ko lalo na yung yelong 'yon. They're bored with their lives? Then I will entertain them with my own game. They don't know who they're messing with." Sabi niya na walang emosyon.

Napakagat na lamang ako sa ibaba ng labi ko dahil sa sinabi niya.

What the heck really happened while I was gone?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now