Chapter 33: Hustisya

29.5K 954 41
                                    

Kiana's POV


Pagkatapos ng meeting kanina ay pinaglunch na kami ng mga advisers.

Putang ina naman talaga oh!

Sa dinarami-dami naming mga taga-hetero sections, ako pa talaga ang naisipan nilang maging leader?!

Ni hindi nga ako sumasali sa mga activities na ganyan lalo na ang pagiging leader, 'yan pa kaya na handle ko ang buong hetero sections?!

Jusko lord, nasaan na po ba ang kanina ko pang hinahanap na hustisya sa parte ko?

Bakit hindi na lang kaya nila binoto yung babaeng tumayo kanina na naka-ipit ng hello kitty? Eh mukhang mas may kakayahan siyang maging leader kaysa sa akin lalo na kanina nung kinausap niya ako. Para bang isa siyang strict na nanay tapos ako yung anak na nahuling late na umuwi ng bahay.

"Ate Kiana mauna na akong pumunta sa canteen ha. Hihintayin na lang kita doon." Paalam ng kapatid kong si Keanne.

Hindi ko kakambal 'yan dahil in the first place wala naman talaga akong kakambal.

Umulit ako ng pag-aaral nung Grade 8 kaya naging magkayear level kami. 'Yun nga lang ay hindi kami naging magkaklase noon pero ngayon ay classmate ko na siya. Ewan ko nga ba kung bakit. Kung kailan huli na ay doon pa lang kami naging magkaklase. Siguro nga sabi nila, 'save the best for last.'

Well, totoo namang hindi ako matalino kaya nga nasa hetero section ako pero hindi ibig sabihin n'on ay nagpapatalo na ako sa mga physical activities. Hindi man ako gusto ng academics kahit matagal ko nang pinipilit ang sarili ko sa kanila ay pilit pa rin nila akong tinutulak palayo ngunit pagdating naman sa sports at talents ay mahal na mahal talaga nila ako. How ironic life is.

"Sige. Sandali lang naman ako sa gym para hanapin ang phone ko at pupuntahan rin kita kaagad sa canteen. Pangsave mo ako ng upuan ah!" Sagot ko sa kapatid ko.

Tinignan niya ako kung seryoso ba ako sa sinabi ko.

Problema nito?

"Ate naman. Kailangan mo pa ba talagang sabihin 'yan? Malamang oo! Paano ka kakain doon kung wala kang upuan?" Sarcastic nitong tanong.

Kinurot ko siya sa magkabilang pisngi kaya napahiyaw siya sa sakit.

Ito talagang kapatid ko, napakacute! Kaya lang minsan talaga sinusumpong ng topak sa utak eh pero wag kayo! Mahal ko 'to kahit wala kaming kaibigan. Kaming dalawa lang sapat na.

Inalis niya ang dalawang kamay ko sa pisngi niya at tinignan ako ng masama.

"Alam mo ate, minsan talaga may toyo ka sa utak." Sambit niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ano?!" Tanong ko at bago ko pa siya makuha ay tumakbo na palayo ang bruha.

"Wala! Sige ate! Hihintayin na lang kita doon!" Sigaw niya at kumaway pa.

Napailing na lang ako sa kabaliwan ng kapatid ko bago ako tumalikod at naglakad paalis.

Nang makarating na ako doon ay may nakita akong lalakeng nakasuot ng jersey at naglalaro ng basketball.

Hindi ko na lamang ito pinansin at dumiretso na papuntang bleachers.

Huminto muna ako para makita kung nasaan na ang phone ko.

Nang makita ko na kung nasaan ito ay tumakbo ako papunta doon.

Ilang hakbang na lang sana bago ko ito makuha nang may biglang lumitaw na bola ng basktetball at para bang slow mo ang nangyari dahil walang awa nitong dinaganan ang cell phone ko.

Ang kulay itim kong samsung galaxy na phone ay ngayon warak na.

Napatigil ako sa krimen na nasaksihan ko.

Nakatulala lang ako na para bang paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko kung paano nawasak ng ganun kadali ang inosente kong cellphone.

"Damn! Where's that fucking ball?"

Tinignan ko kung sino ang nagsalita at bigla na lamang kumulo ang dugo ko nang mapagtanto kong siya ang salarin sa pagkawasak ng cellphone ko.

Punyeta. At talagang hinahanap niya pa ang tanginang bola niyang sumira sa phone ko.

Hinanap ko kung nasaan ang bola at nang makita ko na ito ay kaagad ko itong kinuha at hinawakan ng mahigpit.

Nakatalikod siya sa akin kaya walang pagdadalawang-isip na binato sa kanya ng malakas ang bola.

At dahil magaling talaga ako lalo na kapag galit na galit ako ay sumakto ito sa ulo niya.

"Fuck!" Sigaw nito at muntikan pang madapa dahil sa lakas ng pagkatama nito sa ulo niya.

Bagay nga sayo gago! Umalog sana ang utak mo!

"Who the hell did that?!" Galit nitong tanong pero wala akong pake dahil ako dapat ang mas may karapatan na magalit ngayon.

"Tanga ka ba? Bakit hindi ka kaya humarap nang makita mo kung sino ang nagbato sayo?" Sarkastiko kong sinabi sa kaniya. Tanga eh.

Galit siyang humarap sa akin at tinignan ako na para bang handa na siyang sakalin ako ng ano mang oras.

"You!" Sigaw niya at tinuro pa talaga ako.

Siyempre kunyare ay nagulat ako sa ginawa niya.

"Me? Or is there someone whom you can see that I can't see?" Inosente kong tanong kahit kanina pa ako nanggigigil na sipain siya.

"Bitch!"

"Asshole!"

"Don't you know who I am?" Iritado niyang tanong.

"Is it a must to know you? Oh wait! You're Mr. Fucking Playboy of the Poseidon section, right? You're also one of the presidents of the first sections, am I correct, Mr. Green Fucking Fuentabella?" Sarcastic kong tanong kahit quotang-quota na ako sa pagiging sarkastiko.

Kung nakakamatay lang ang tingin ay siguro kanina pa ako pinaglalamayan pero wala akong pake dahil mas kailangan kong ipaglaban ang hustisya sa nasira kong cellphone at sisimulan ko 'to sa tarantadong lalaking 'to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3


Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now