Chapter 71: Argument

25.7K 961 257
                                    

Kiana's POV

Parang kailan lang nagcelebrate kami ng pasko, ngayon naman magbabagong taon na bukas. Haay... Kapag talaga nageenjoy ka sa buhay mo, hindi mo napapansin na mabilis na palang lumilipas ang mga araw. Yung tipong parang natulog ka lang nung magsimula ang klase tapos pagkagising mo nasa huling buwan ka na pala ng taon. Amazing, right?

Since magbabagong taon na rin bukas, naisipan naming mga girls na mamasyal sa Baguio. Gusto naming i-celebrate ang new year namin doon na kami-kami lang at pinayagan naman kami ng mga parents namin and siyempre, yung driver namin ni Keanne ang nagmamaneho sa ginagamit naming sasakyan.

Nung una gusting sumama ng mga hot na kuya ni Sunny sa amin since wala rin naman silang ginagawa at gusto nilang mabantayan si Sunny and they also said that they won't celebrate their new year without their little sister. But of course, pumayag kaming dalawa ni Keanne. Ulam at kanin na tatanggihan mo pa kung gutom na gutom ka na? Hindi diba? Chibugan na dapat eh yun nga lang hindi makukumpleto ang buhay mo kung walang kontrabida. Sino pa ba ang mga kontrabida? Kung 'di sina Milky at Sunny. Sabi daw nila it's girls bonding time and makakagulo lang daw sila sa trip namin.

We were about to oppose them yet they only gave us a death glare that once we disagree with them, they'll do something that we won't really like it. So we just kept our mouth shut even though deep inside, there are many things that we wanted to say. It sucks having a KJ best friend especially when there are two of them 'ya know?

Kaya ngayon parehas kaming nakabusangot ni Keanne habang nakatingin sa may bintana ng sasakyan samantalang ang dalawang bruha naman mukhang may sariling mundo.

Nakasalumbaba akong nakatingin sa kanila at napangiti na lamang ako nang mapansin kong medyo bumabalik na ang dating Kitty na kilala namin. Sana magtagal 'yan para masaya na ulit.

"Mga ma'am nandito na po tayo sa Lion's Head." Sambit ni manong kaloy ang nagsisilbing driver namin nang mahinto niya na ang sasakyan.

Kaagad kaming nagpasalamat sa kaniya at excited na lumabas ng sasakyan.

Unang bumungad sa aming paningin ang malaking ulo ng leon ngunit mas may nakakuha ng atensyon namin na ikinagulat namin.

"Waaahh! Kawawa ka naman leo! Bakit nila kailangan pang putulin ang ulo mo para lang makipagpicture sayo ang mga turista?! Huhu... Leo sumalangit nawa ang iyong katawan. Huhu..." Umiiyak na sambit ni Kitty habang hinahaplos ang bibig ng lion's head.

Dali-dali kaming lumapit sa kaniya at luminga-linga sa paligid upang malaman kung may mga kasama pa ba kami dito na nakakita ng kadramahan niya.

Kaagad naming siyang inilayo sa lion's head bago kami nagsalita.

"Kitty bakit mo iniiyakan ang statue na 'yon?" Tanong ni Milky.

"It's not even a real lion." Sagot naman ng kapatid ko samantalang ang sinabi ko naman ay "For goodness sake! What you did is embarrassing and magpasalamat ka na lang na tayo lang ang nandito. Kung 'di baka magiging YouTube sensation ka ng di oras." Ngunit nginusuan niya lamang kami habang nakatingin ito sa amin na para bang hindi nito naiintindihan ang mga pinagsasabi namin sa kaniya.

Napaface palm na lang ako samantalang sina Keanne at Milky naman ay napatawa na lamang sa reaksyon ni Kitty.

Bumalik na ulit kami sa sasakyan at akmang papasok na kami nang may marinig kaming sunod-sunod na tunog ng mga sports car. Liningon namin ito at may nakita kaming apat na sports car na papunta sa kinaroroonan namin.

Nang makarating na sila ay pinatay naman nila ang mga makina ng kanilang mga sasakyan bago lumabas.

Napasinghap kami nang unang lumabas ang dalawang lalake na nakasuot ng Ray-ban aviator. Sabay nilang inalis ang Ray-ban na suot nila sabay tumingin sa amin ng nakangiti na para bang may nasa photoshoot lang sila.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now