Chapter 79: Devastate

22.5K 835 288
                                    

Blue's POV

Kanina pa kami nandito sa loob ng hospital room ni Steven. Si tita na nakaupo sa upuang nasa tabi ng kama niya habang tahimik na umiiyak at hawak-hawak nito ang kamay ng anak niyang nakadextrose. Si tito naman ay tahimik na nakaupo sa kabilang upuan na nasa tabi rin ng kama ni Steven habang kami namang tatlo ay tahimik na nakaupo sa sofa. Walang umiimik sa amin dahil ang tanging nasa isip lang namin ngayon ay ang magising si Steven.

"Uhmm... I'll just buy us some coffee." Wika ng kakambal ko bago siya tumayo at naglakad palabas ng kwarto.

"I'll help him." Sambit ko sa kanila bago ko sinundan ang kakambal ko.

Nang maabutan ko ito ay kaagad ko siyang inakbayan na ikinatingin niya sa akin at muling tumingin sa harap.

Itinulak nito ang aking mukha palayo kaya naalis ko ang pagkaakbay ko sa kaniya. Muli akong lumapit sa kaniya hindi para akbayin siya ulit kundi para suntukin ang tagiliran niya.

"Shit!" Mura nito dahil sa sakit at gulat habang nakahawak ito sa tagiliran niyang sinuntok ko.

Ipinakita niya sa akin ang middle finger niya habang namimilipit siya sa sakit subalit nginitian ko lamang siya at binigyan siya ng isang flying kiss na ikinalukot naman ng mukha niya dahil sa pandidiri.

Ganyan kaming magkapatid. Hindi kami masyadong sanay na magseryoso ng ganoong katagal. Para bang hindi kumpleto ang araw naming kung wala kaming ginawang kalokohan sa isa't-isa.

Pagkahimatay ni Steven kanina ay mabilis siyang nahawak ni Demon kaya hindi siya tuluyang natumba. Kaagad namin siyang inalalayan papasok sa ambulansya na nasa labas na ng airport. Habang papunta kami sa hospital ay tinawagan na ni Demon sila tito at tita upang sabihin na papunta na kami ng hospital dahil sa malubhang kalagayan ni Steven. Hindi rin namin inaasahan ang pagsumbong sa amin ng isang babaeng nurse na nasa loob nang ambulansya.

Sinabi nito na tumakas si Steven kanina bago pa sila makapunta ng hospital. Marami pa itong sinabi pero hindi naka-iwas sa aming kaalaman na kinikilig ito sa amin dahil halata ang pamumula ng pisngi nito at ang minsang pagpapabebe ng kaniyang mga salita. Ngunit hindi na namin 'yon masyadong pinansin pa dahil si Steven ang kailangan naming pagtuunan ng pansin ngayon.

Noong naghihintay pa si Steven kay Sunny sa rooftop ay doon lang rin namin nalaman na aalis na pala siya papuntang Seattle, Washington USA kasama ang pamilya niya. Nalaman lang namin dahil kay Demon. Hindi namin alam kung paano niya nalaman. Basta sinabi niya na lang sa amin na aalis na ngayon si Sunny kasama ang pamilya niya. Kaya kaagad kong tinawagan si Steven upang sabihin 'yon.

Naabutan pa namin si Sunny bago sila umalis. Lalapitan sana namin ito dahil mukhang matatagalan pa ang pagdating ni Steven dito. Akmang kakausapin na namin si Sunny nang makita naming tumingin rin siya sa amin subalit nakangiting umiling lamang ito na para bang sinasabi nito na wag na namin siyang pigilan pa dahil buo na ang desisyon niya at hindi na 'yon magbabago pa. Kumaway ito sa amin bago siya tuluyang nawala sa aming paningin.

Bumagsak ang mga balikat namin dahil hindi na namin nagawa pang pigilan si Sunny sa kaniyang pag-alis. Paalis na sana kami nang maabutan namin ang CEO ng airport na 'yon. Hindi ko siya masyadong kilala pero alam ko ay isa siya sa mga ka-business transaction ni dad kaya kilala niya kami.

Kinausap niya kami subalit naputol rin 'yon nang may biglang tumawag sa kaniya.

Sumunod kami sa kaniya hanggang sa naabutan na lang namin si Steven na may benda sa ulo ngunit mas lalong kumakalat ang dugo nito sa benda niya habang patuloy pa rin siyang nagpupumiglas sa mga security guard na nakahawak sa kaniya upang pigilan siya.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now