Chapter 60: Phoenix

22K 810 76
                                    

INSTAGRAM: jeymiiibluu

JamieeeBlue<3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sunny's POV

Liningon ko ito na may gulat na ekspresyon.

Ano? Linoloko ba ako ng lalaking 'to? Anong ibig niyang sabihin? Na hindi pa tapos ang deal ganon ba?

At dahil ayaw kong mag-assume ay tinanong ko ito.

"What do you mean?" Kunot-noong tanong ko sa kanya na ikinangisi niya lamang.

"Pretending to be slow, are we?" Mapang-asar na sambit nito na ikinataas ko ng kilay.

"Wag kang pabebe. Hindi mo bagay." Masungit kong saad na ikinasama niya ng tingin sa akin.

What? Hindi na lang kaya sabihin ng diretso. Nagpapaliguy-ligoy pa eh 'yun rin naman yung sasabihin niya. Tsk.

"Why honey? As far as I know, I didn't say anything about ending our deal. So that means the deal is still on." 

Napakuyom ako ng kamao sa sinabi niya. Loko 'to ah. Ang lakas ng loob na sabihin 'yan eh samantalang todo tanggol naman siya sa lintang 'yon.

"Then kung gusto mong matuloy pa rin ang deal natin, act like a real boyfriend hindi yung mas pinapakita mong boyfriend ka ng iba." Seryoso kong sinabi ngunit wala man lang itong reaksyon. Ano pa bang inaasahan ko sa katulad niya?

"You don't make the rules here. Tandaan mo na nakasalalay ang scholarship mo dito sa deal natin. I may not be the current president here in this academy but I still have the right to do what I want even if it's within the school premises 'cause I will be the future president of this academy. In fact, I will also be the one who will manage all of that old man's properties. So whether you like it or not, I make the rules here not you. I will be the one who will say if the deal is over or not. Kaya kapag sinabi kong hindi pa tapos ang deal natin, then it's not yet over and you can't do anything about it pwera na lang kung tanggap mo nang mawawala na sayo ang pinakaiingatan mong scholarship." Malamig nitong saad na ikinatulala ko. Tumunog ang cellphone nito at kaagad niya namang sinagot.

"What? That asshole is here? Damn it. I'll be there." Walang emosyon nitong sagot bago niya pinatay ang tawag at muling tumingin sa akin.

"Think carefully of what I just said, Ms. Villegas. As much as I wanted to talk to you about our deal, I have some other things to do so for now, excuse me." Paalam nito bago ito umalis sa kanyang opisina at iniwan akong tulala dahil sa mga pinagsasabi niya.

Ang sama niya. Ang sama-sama niya.


Third Person POV


"Hoy ibon! Ang lakas pa talaga ng loob mong magpakita sa amin ah. Nasaan na ang mga alipores mong mukhang mga kulugo?" Taas-kilay na tanong ni Green kay Phoenix habang nakahalukipkip.

Tinawanan lamang ito ni Phoenix na para bang nagbiro ito.

"Ang lakas ng loob mong tawanan ang kakambal ko ah. Kahit gagong panget lang 'to, walang sino man ang may karapatan na pagtawanan siya kung 'di ako lang at mga kaibigan namin. Hindi ka naman namin kaibigan diba?" Masungit na tanong ni Blue na ikinatawa ulit ni Phoenix.

"Loko 'to ah. Ang lakas ng loob pagtawanan tayo. Ano? Upakan na natin?" Tanong ni Green kay Blue habang pinapatunog ang kanyang leeg.

"Sige ba? Ano? Lumpuhin na rin natin?" Tanong naman ni Blue sa kakambal niya habang pinapatunog ang kanyang mga daliri sa kanyang mga kamay.

Magsasang-ayon na rin dapat si Green nang magsalita si Phoenix.

"Damn. Hindi pa rin kayo nagbabago. You're both still the idiot twins that I know." Nakangising sinabi ni Phoenix na ikinasama ng tingin sa kanya ng magkambal.

"Gago 'tong ibon na 'to ah. Okay sana kung si Asul lang ang sinabihan niyang bobo. Pucha. Pati ba naman ako idamay?" Asar na tanong ni Green sa kanyang isip.

"Siya ata yung bobo eh. Hindi niya ba alam na si Green lang ang bobo sa aming dalawa?" Pigil na tanong naman ni Blue sa kanyang isip.

Akmang magsasalita na rin sila nang may biglang nagsalita sa likod nila.

"And you're still the same asshole that I know." Malamig na sambit ni Steven na ikinalingon sa kanya ng tatlo habang si Demon ay tahimik na nakatayo sa tabi ni Steven na para bang wala itong pakialam sa nangyayari.

"Hey Ice! I haven't seen you for a long time. How's life?" Nakangising tanong ni Phoenix kay Steven.

"It's still life." Pilosopong sagot ni Steven na muntik nang ikatawa ng kambal.

"Serves him right/Bagay nga sa kaniya." Sabay na sambit ng magkambal sa kanilang isip.

Sarkastikong tumawa si Phoenix bago ito nagsalita.

"Ice, Ice, Ice... You're still the same Mr. Pilosopo na palagi kong ikinaiirita at ikinaiinis. Well, hindi naman nagbago sa akin 'yon so it's no big deal for me."

Tinignan lamang siya ng walang emosyon ni Steven bago ito nagsalita.

"Can you just shut up? Your mouth still doesn't know how to shut the fuck up."

"Oh I'm sorry... Am I annoying you already, Ice?" Mapang-asar na tanong ni Phoenix kay Ice subalit inirapan lamang siya nito.

Unti-unting napangisi muli si Phoenix nang may maalala siya.

"Hey Ice, I heard something about you." Sambit nito ngunit hindi siya pinansin ni Steven.

"Meron na daw naglakas ng loob na kalabanin ka. And what's even more interesting is that person is a girl. Damn, I just can't wait to meet that mysterious girl that suddenly caught my interest. Hey Ice, will you kindly introduce her to me?" Pagpapatuloy ni Phoenix na ikinakuyom ng kamao ni Steven na mabilis rin itong nakita ni Phoenix kaya mas lalo itong ngumiti.

"Holy shit. Don't tell me that girl is important to you? Unlucky bitch." Nakangising sinabi ni Phoenix at akmang susugurin na siya ng magkambal nang mabilis silang pinigilan ni Steven.

"Stop. Let him fucking speak. It's also been a long time since we had our little chat." Utos ni Steven na ikinasunod naman ng dalawa.

"What are you doing in my property, Walker? No one needs you here." Walang emosyon na wika ni Steven.

"Ice, don't you miss me? I came all the way here to see you even if I still have my jet lag tapos ni hindi mo man lang ako papasalamatan at kakamustahin?" Madramang tanong ni Phoenix habang nakahawak ito sa dibdib niya na tila ba'y nasasaktan ito ngunit balewala lamang 'yon kay Steven.

"I didn't tell you to come here, Walker." Malamig na sagot ni Steven subalit nginisian lamang siya ni Phoenix.

"Oh well, let's assume that you don't want to see me and you don't even miss me but don't worry, you're not the only reason that I came here." Wika nito habang unti-unting lumalapit kay Steven at nang nasa harap niya na ito ay bigla itong bumulong sa kaniya.

"I came here to see your girl or if it's really your girl 'cause as far as I know, your ex is already here in this campus, Ice." Nakangising sambit ni Phoenix ngunit nagulat ito nang biglang hinawakan ni Steven ang kwelyo niya at walang emosyon siyang tinignan.

"You listen here very well, asshole. I'm not doing anything to you so if I were you, better shut the fuck up and behave like a fucking dog as long as I still have my patience. Wag mong sagarin ang pasensya ko Walker or else, I'll let you meet hell again, asshole." Seryosong saad ni Steven sa kanya bago siya padabog na binitawan.

"Now that's what I'm talking about. Sige, papabayaan muna kita Ice.  I promise that I won't do anything as of now but I can't promise that I won't do anything next time. Enjoy your day, Ice. Till we meet again." Phoenix said in an amused voice before walking away from them.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoKde žijí příběhy. Začni objevovat