Chapter 66: Ex-Relationshit

23.4K 865 169
                                    

Third Person POV

Nang maka-alis na si Sunny ay wala pa ring nagsasalita sa kanila. Tila ba'y hindi pa rin sila makapaniwala sa ginawa at sinabi ni Sunny. Nabasag lamang ang katahimikan nang biglang magsalita si Dylan.

"Shit. Si Sunny 'yon diba? What the fuck?" Mabilis na lumingon sa kaniya ang magkambal dahil nagulat sila sa kanilang narinig.

"Ano? Paano niyo nakilala si Sunny?" Tanong ni Blue ngunit nginisian lamang siya ni Dylan.

"Sikretong malufet." Mapang-asar na sagot ni Dylan bago niya binelatan.

"Damn. Gayshit." Nandidiring saad naman ni Green habang nakatingin kay Dylan. Bago pa makapagsalita si Dylan ay inunahan na siya ng kakambal niya.

"Someone's envious." Nakangising wika naman ni Landon habang nakatingin kay Green.

Tinignan lamang siya ni Green ng masama at sasagot na sana ito nang biglang magsalita si Phoenix.

"Well, well, well, what do we have here... so she's the one." Sambit nito na walang halong pang-aasar.

Tinignan lamang siya ng malamig ni Steven bago nito ipinagpatuloy ang kaniyang sasabihin.

"I didn't see this coming." Wala sa sarili nitong sinabi.

"Bullshit. You're not blind." Walang emosyon na sagot ni Steven na ikinakunot-noo ni Phoenix subalit hindi rin 'yon nagtagal nang bigla itong ngumisi.

"I guess I ruined your mood and I think I should congratulate myself cause you're now back from being Mr. Fucking Pilosopo."

"Well then, let me congratulate you too. What kind of a reward do you want? A punch or a kick? Or I can just give you both if you want." Wika naman ni Steven sa kaniya.

"Neither. Isa lang naman ang gusto ko Ice at si Sunny Villegas 'yon." Mas lalong tumalim ang tingin ni Steven sa kaniya nang sabihin ni Phoenix 'yon.

"You will never have her." Malamig na sagot ni Steven ngunit nginisian lamang siya ni Phoenix.

"And why is that? 'Cause she's yours? How cliche. What if I tell you that I once owned her heart?" Taas-kilay na tanong ni Phoenix na ikinalito ni Steven.

"Bullshit." Mariin nitong sagot na ikinangisi lalo ni Phoenix.

"Maniwala ka man o sa hindi, minahal namin ang isa't-isa." Pagmamalaking wika nito ngunit imbes na magalit si Steven ay siya naman ngayon ang ngumisi sa kaniya ng mapang-asar.

"Fine. Let's just say that you did love each other but it's already in the past. Try to move on sometimes, Walker."

"So you don't see me as a threat do you?"

"Why should I? She's mine anyway and I don't see you as a threat 'cause as far as I know, I still see you as a human." Pilosopong sagot nito na ikinasama ng tingin ni phoenix sa kaniya.

"Magseryoso ka nga."

"Seryoso ako hindi mo lang alam." Balik na sagot ni Steven sa kaniya.

"Sige, hahayaan muna kita sa gusto mo ngayon since madalang lang kita marinig mag-Tagalog but remember this, she was once mine, and it's not impossible na maging akin siya ulit. Good bye for now, Ice." Paalam nito bago ito tumalikod at naglakad paalis kasama ang kaniyang mga kaibigan ngunit hindi pa man sila lumalayo nang mapatigil sila sa sinabi ni Steven.

"And always remember this, Walker. There are some people who do not wish to repeat their same mistakes and tend not to accept their leftovers."

Napakuyom ng kamao si Phoenix sa sinabi nito at akmang susugrin ito ni Zander at ang kambal ngunit pinigilan niya na lamang ito at muling naglakad paalis.

Nang maka-alis na ang grupo ni Phoenix ay doon lamang napakuyom ng kamao si Steven na tila ba'y gigil na gigil itong manuntok ng tao.

"At ano pang ginagawa niyo dito mga chismosa't chismoso? Shoo! Get the fuck out of here at wala dapat akong maririnig o mababalitaan na isa man sa inyo ay pag-uusapan ang mga naganap dito dahil once na malaman ko 'yon, then be ready to face the consequence." Pagbabanta ni Green sa mga estudyanteng nasa parking lot pa rin at mukhang natakot naman ang mga ito sa banta ni Green kaya dali-dali silang umalis at naglakad palayo sa kanila.

Nang maka-alis na ang lahat at sila na lamang ang natira ay wala munang nagtangkang magsalita sa kanila lalo na't ito ang pinaka-iniiwasan nilang ugali ni Steven. Dahil iba itong magalit sa kanila. Wala itong sinasanto kapag galit na galit na ito. Lahat ay damay sa galit niya at walang sino man ang makakapagpigil sa galit niya. Ika nga nila, "Silent but deadly."

Subalit hindi rin nagtagal ang katahimikan na iyon dahil bigla na lamang tumaas ang kanilang mga balahibo nang marinig nilang magsalita si Steven ngunit hindi lamang dahil sa tono ng boses niya kundi pati na rin sa sinabi niya.

"Sagarin niya pa ang pasensya ko at ipapakita ko muli sa kaniya kung ano ang impyerno at kung paano gumalaw ang isang satanas. She's already mine and anyone who will try to steal her away from me shall seek his or her death."

"Bakit pati babae?" Wala sa sariling tanong ni Green ngunit kaagad nitong itinaas ang kaniyang dalawang kamay nang mabilis siyang tinutukan ng baril ni Steven.

"Gusto mong mauna?" Malamig na tanong ni Steven sa kaniya kaya kaagad itong umiling habang napalunok ito ng malalim.

Ibinaba rin ni Steven ang baril niya at muli itong ibinalik sa lalagyan.

"The three of you, better keep an eye on Sunny and that son of a bitch. Walang balikan ang magaganap dahil ako mismo ang pipigil doon and I will never let that happen. I will investigate their ex-relationshit while you all do your job, understand?" Walang emosyon na utos ni Steven sa kanila.

"Copy that boss." Sabay na sagot ng kambal samantalang tumango lamang si Demon bago sila umalis at iniwang mag-isa si Steven sa parking lot. Kinuha nito ang kaniyang phone at binuksan ito. May lumitaw na picture ng isang babae sa screen nito at tinignan niya lamang ito ng matagal na para bang minememorize nito ang perpekto nitong pagmumukha.

"So you're once a bad kitty after all. Having a connection with that bastard is a wrong choice, honey. Kapag napatunayan kong meron o wala man kayong relasyon ng hayop na 'yon ay hinding-hindi ka pa rin niya pwedeng kunin sa akin because I will never allow it. But first, I need to solve my problem and then, I will come back to you wholeheartedly." He sincerely said before locking his phone.

Sunny's POV

Destiny really knows how to play a game. Akalain mo nga ba naman na magkakilala pala ang dalawang 'yon. And I think they're rivals based on their expressions and aura. Tapos may connection pa ako sa kanila. See? I hate how fucking ironic life is. Ngayon anong gagawin niyan nila? This is making me frustrated that's why sometimes napapa-isip na lang ako kung what if hindi ko sila nakilala? Magiging ganito pa rin kaya ang mangyayari sa buhay ko? Maraming mga What Ifs ang pumapasok sa isip ko ngayon but then, I know that I can't do anything about it. And the only thing that I need to do now is to wait on what will happen next and be prepared on the unexpected things that will occur someday.

Oh God, please help me.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

INSTAGRAM: jeymiiibluu

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now