Chapter 5: Help me!

56.1K 1.7K 49
                                    

Sunny's POV


"Waaahh! Milky! I'm so sorry!" Naiiyak kong sinabi sa kaniya nang makaalis na kami sa canteen.

"Ano ka ba Kitty. Okay lang 'yun noh." Nakangiti niyang sagot sa akin subalit wala pa ring tigila ang aking pag-iyak.

"Pe-pero natakot nanaman kita!"

"Ahh... Hehe... O-okay lang 'yon Kitty atsaka diba ako nga dapat ang humihingi ng tawad sayo eh. Nang dahil sa katangahan ko, naipakita mo nanaman sa kanila ang other side mo. Imbes na ako dapat ang magpigil sayo na gawin mo 'yon, ako pa ang naging dahilan para gawin mo 'yon. I'm really very sorry Kitty." Nakayukong wika nito habang nakahawak ang kanang kamay niya sa batok niya.

"Waaahh! Wag kang ganyan Milky! Paano mo ako mapapatawad kung pati ikaw humihingi rin ng tawad. Nagtatangahan lang ba tayo dito Milky?" Nakanguso kong tanong sa kaniya habang pinupunasan ko ang mga luha ko at pagpunas ng tumutulo kong sipon gamit ang tissue na hawak ko.

"Ahh... Ano... Sa-sabi ko nga pinapatawad na rin kita." Ngumiti ito sa akin ng matipid na ikinangiti ko ng malaki.

"Ahh... Ganun ba? Eh di pinapatawad na rin kita Milky."

"Ba-bakit mo ako pinapatawad Kitty?" Tanong niya.

"Baliw ka ba Milky? Diba humihingi ka ng tawad kanina sa akin? Eh di patatawarin na rin kita dahil pinatawad mo na ako atsaka hindi ko kayang magalit sa akin ang Milky ng buhay ko 'no!" Masayang sambit ko sa kaniya na ikinabigla niya hanggang sa may unti-unting namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"Huhu... Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na tulad ni Kitty? Kung ano man po ang nagawa kong kabutihan ay handa po akong gawin ulit 'yon kung ganito naman po ang kapalit." Naiiyak niyang saad habang nakatingin lang sa taas.

"Milky nakadroga ka ba?" Inosenteng tanong ko sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niyang tumingin sa akin.

"A-ano? Bakit mo naman natanong 'yan Kitty?"

"Eh kasi naman ngayon lang ako nakakita na taong kinakausap ang kisame. O di kaya naman..." Bigla akong napahawak sa aking magkabilang pisngi nang may na-realize ako.

Omg! I kenat!

"Waaahh! Nasaan ang Milky ko?! Saan mo siya tinago?! Hindi ikaw ang BFF ko! Isa kang impostor! Nasaan na siya?! Nasaan na ang Milky ko, impostor ni Milky?!" Sigaw ko sa kaniya habang niyuyugyog ang kaniyang magkabilang balikat.

"A-ano bang pinagsasabi mo Kitty? Hindi ako impostor. Ako 'to si Milky ang pinakamamahal mong BFF." Nakangiting sagot nito sa akin na ikinatigil ko sa pagyugyog sa kaniyang mga balikat.

"Eh kung ikaw 'yon bakit mo kinakausap ang kisame ha? Hindi baliw ang BFF ko!"

Oo nga pala. Nandito kami ngayon sa C.R ng girls. Nakapagpalit na rin siya ng school uniform niya. Buti na lang at may dala siyang extra na school uniform sa locker niya.

"Hindi ako baliw best friend! Ahh... Eh... Hayst! Nevermind. Tara na nga." Sabi niya sabay kaladkad sa akin palabas ng C.R.

"Waahh! Saan mo ako dadalhin impostor ni Milky? Somebody, anybody, anyone, would someone please help me?! Waaahh! Layuan mo ako baliw na babae! Ipapakain kita sa alaga kong crocodile!" Sabi ko habang nagpupumiglas sa hawak niya.

"At kailan ka pa nagkaroon ng pet na Crocodile, Kitty?" Tanong nito sa akin nang bigla itong tumigil sa paglalakad.

"Waaahh! Hindi talaga ikaw ang Milky ko! Binubuking mo ako! Hindi ganyan ang milky ko! Bitawan mo ako impostor!" Pagpupumiglas ko sa hawak niya subalit kahit anong gawin ko ay ayaw niya pa ring bitawan ang kamay ko.

Nakatitig lamang ito sa akin hanggang sa bigla siyang napa-face palm.

"Tch." Maikling saad nito bago niya ako kinaladkad ulit.

"Waaahh! Hindi marunong magsungit si Milky! MILKY HELP ME!"

Nagwawala na ako pero tuloy pa rin siya sa pagkakaladkad sa akin papuntang classroom. Waaah! Hello Kitty! Help me!


Green's POV


Nandito kami ngayon sa private room namin. Lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa except kay Demonyo dahil wala siya dito ngayon. Diba nga inutusan siya ni captain.

Si Blue ay naglalaro sa PSP niya habang si captain naman ay nakasandal sa sofa at nagbabasa ng libro with matching eye glass pa. Ganyan talaga 'yan kapag nagbabasa ng libro, palaging naka-eye glass.

Curious ba kayo kung anong ginagawa ko?

Hihi... Shh.... Secret lang natin 'to ah.

Nandito kasi ako ngayon sa kama at nagbabasa or more like tumitingin ng mga sexing babae sa magazine habang nakatalukbong ng kumot. Mahirap na at baka makita pa ako ni captain. Takot ko lang sa kanya.

Maya-maya lang ay may naririnig akong nagsasalita sa labas.

"Ito na ba lahat?" Tanong ni captain.

"Yes." Sagot naman ni Demonyo.

"Hmm... Interesting. Oh! She's a scholar here. Hindi naman halata."

"Agreed."

"Hmm... Sunny Villegas... Everyone, proceed to the President's room. I have a plan to discuss with all of you and also, BERDE!"

O-ow! Shet! Tinatawag na ako ni captain! Patay ako nito.

Dali-dali akong bumangon at tumakbo na kinamuntikan ko na rin ikadapa papunta sa kanya. Shet! Muntikan na 'yon ah. Mababawasan ang mga gwapong nilalang tulad ko kapag nasira ang feyz ko. Huhu...

Nang makarating na ako sa harap niya ay magsasalita pa lang sana ako nang bigla niya na akong inunahan.

"100 push-ups and 50 sit-ups." Maawtoridad niyang utos na ikinagulat ko.

"Pe"

"100 push-ups and 100 sit-ups now! Or do you want me to add more of your push-ups and sit-ups?" Walang emosyon niyang tanong na ikinamutla ko.

"No captain! Sabi ko nga po hindi na ako magrereklamo."

"Oh yeah, I almost forgot to tell you that you will do that at the PR now!"

"Yes captain!" Saludo ko sa kaniya at dali-daling pumuntang PR o tinatawag na President's room. Narinig ko pang sumigaw ang aking kapatid kaya liningon ko ito.

"Good luck my brother!" Mapang-asar na nakangiti ito sa akin.

"F you!" Sigaw ko sabay na ipinakita ang magkabilaang middle finger ko sa kaniya.

"Berde!" Sigaw ni captain na ikinatakbo ko ulit papunta sa PR.

Yikes! Nakalimutan ko na nandyan lang pala si captain. 'Yan ang dahilan kung bakit ako nagtatago kapag tumitingin ako ng mga sexing magazines. Dahil sigurado akong matinding parusa nanaman ang ipapagawa sa akin ni captain. Bawal naman akong sumuway dahil baka ako'y mabocha sa kanya.

Kawawa naman ang gwapo kong face. Mahal ko pa ang face este buhay ko para ma-double dead ako kay captain. Sabi ko na sa inyo takot ko lang sa kaniya eh.

"Berde! Don't let me be the one to enter the PR first because I assure you that you won't really like my next punishment." Pagbabanta sa akin ni captain na ikinalunok ko ng malalim.

"Y-yes Captain!" Nauutal kong sagot sa kaniya at mas lalong binilisan pa ang pagtakbo. Would someone please help me?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon