Chapter 55: Questions

23.1K 753 75
                                    

Sunny's POV


Ang bilis naman lumipas ng mga araw. Yung mga araw na wala ka mang ibang inisip kundi ang mag enjoy kasama ang mga kaibigan mo. Last day na lang namin ngayon sa Willford Resort pero kahit na ganon ay sulit naman lahat ng mga ginawa namin.

Nagpabilisan silang lumangoy except sa aming dalawa ni yelo. Pagandahan at palakihan ng paggawa ng mga sand castles with your partner. Pabilisan ng pagtabon ng buhangin sa buong katawan ng mga kanya-kanya naming kapartner na lalake. Padamihan ng paghuli ng mga maliliit na crab sa buhangin at marami pang iba.

Sa ngayon ay nakaupo kaming dalawa ni yelo sa buhangin habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at linalaro niya naman ang mga daliri ko . Nakatingin lang kami sa sunset na papalubog na ngunit walang umiimik sa amin.

Kakatapos lang kasi namin kumain at nauna na muna akong umalis doon sa bahay kubo para pumunta sa dagat ngunit pagkaupo ko sa buhangin ay nagulat na lamang ako nang umupo rin si yelo sa tabi ko. Kaya kami lamang dalawa ang nandito habang ang mga kaibigan namin ay busy na kumakain at nagtatawanan.

"Nag enjoy talaga ako." Nakangiti kong sambit.

"Good for you then." Mahina nitong sagot habang patuloy pa ring linalaro ang mga daliri ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at tinanong ang isang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan ko.

"Yelo?" Tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" Tugon naman nito.

"Lahat ba ng mga pinapakita mo sa akin..." Hindi ko na muna itinuloy dahil kinakabahan ako.

"What? Continue it." He said while looking at me curiously.

Tinignan ko muna siya bago ko tinuloy ang sasabihin ko.

"Parte pa rin ba 'to ng laro mo?"

Hinihintay ko siyang sumagot ng "hindi na" or "nawala na sa isip ko ang larong 'yon". Pero ni isa sa mga ineexpect kong isasagot niya ay wala man akong narinig. Dahil hindi man siya nagsalita kahit ni isang salita lamang. Bagkus ay iniwas niya ang kanyang tingin at tumingin na lamang sa mga daliri kong linalaro niya.

I just ignored my silly question at tahimik na pinanood ang paglubog ng araw.

Ngunit nang tuluyan nang lumubog ang araw ay siya ring paghinto ni yelo sa paglalaro sa aking mga daliri.

Hindi ko alam kung totoo ba o guni-guni ko lang dahil para bang nakaramdam ako ng konting kirot sa aking puso.

~>~>>~>

Isang linggo na ang nakalipas nang makauwi na kami galing sa Willford Resort. Back to normal nanaman ang lahat ngunit ang nag-iba lang ay ang pakikitungo ng mga first sections sa mga hetero sections ng grade twelve. Medyo hindi na nila kami sinusungitan at minamaliit ngayon.

Si bruha naman at ang kaniyang mga alipores ay medyo lumalayo na rin sa amin pero masama pa rin ang tingin ng mga ito sa amin sa tuwing nagkakasalubong kami kaya lang pagkatapos n'on ay wala na. Sabi daw kasi ng iba na last warning na lang daw nila bruha 'to at pagnaoffice nanaman daw sila ay kick out na daw ang parusa sa kanila.

Si yelo naman ay tatlong araw ko nang hindi nakikita. Simula kasi nang tinanong ko sa kaniya 'yon ay hindi man nagbago ang pakikitungo niya sa kain. Ganoon pa rin katulad ng dati na para bang wala man akong tinanong sa kaniya. Pero hindi ko alam kung bakit tatlong araw na siyang hindi nagpapakita sa school.

Tinanong ko siya sa mga kaibgan niya pero kahit sila ay wala man daw silang alam kung nasaan daw siya.

Nandito kami ngayon nina Milky, Babob at Kiana sa canteen. Habang kumakain kami ay biglang nagkaroon ng mga bulung-bulungan sa kabilang table namin.

"Nabalitaan niyo na ba? Babalik na daw dito ang dating Queen Bee natin!"

"Si Brattina De Vera?! OMG! I can't wait to see her na! Idol na idol ko talaga siya."

"Ako rin! Ang galing niya kayang mag acting tapos ang ganda niya pa! 'Yun nga lang, break na daw sila ni fafa Leo."

"Ano ka ba girl? Dapat lang 'no! Mas bet ko kaya si Steven babes sa kanya. Sana magkabalikan na sila. Namimiss ko na tuloy ang pagkasweet nila sa isa't-isa. Ang cute nila!"

"Oo nga. Ibalik ang perfect couple! Naku! Hindi na tuloy ako makapaghintay sa pagbabalik niya."

"Pero buti pinayagan pa siyang makapag-aral dito?"

"Duh, tanga lang girl? Of course it's because of her connection to the President or her soon-to-be father-in-law."

"Si Mr. Willford?"

"Sino pa ba?"

Hindi ko na natapos pang pakinggan ang mga sinasabi nila dahil biglang kumulo ang tiyan ko at parang gusto kong umutot. Kaagad akong tumayo pagkatapos kong kumain at nagpaalam na muna ako sa mga kasama ko na pupunta muna ako sa C.R.

Pagkalabas ko sa canteen ay hindi ko naiwasang isipin ang mga narinig ko kanina.

So babalik na pala and unang Queen Bee dito?

Alam na kaya 'to ni yelo?

Ha! Malamang Kitty. Siya pa? Wala pa atang balita na hindi pa nakakarating sa kaniya.

Pero ano kayang magiging reaksyon niya tungkol sa balita na 'yon?

Habang naglalakad ako ay hindi nakaiwas sa aking pandinig ang tawa ng isang lalake sa may garden. Ba't parang ang sarap namang pakinggan ang tawa ng lalakeng 'yon?

Nagtago ako sa isang puno at bahagyang sumilip para makita ko kung sino ang lalakeng tumatawa.

Nanlaki ang aking dalawang mata nang makita ko kung sino ito.

"Tina. Yeah... Don't worry, I will." Nakangiti nitong sagot sa taong kausap niya sa phone.

Naglakad na ako paalis sa lugar na 'yon dahil bigla na lang akong hindi makahinga ng maayos.

Hindi ba dapat kapag mas maraming puno at halaman ay mas maraming oxygen rin yung linalabas ng mga 'to? Pero bakit hindi ako makahinga ng maayos? Mali ba yung mga pinagtuturo sa akin nila teacher?

Pero di bale na dahil at least nagpakita na rin siya at mukhang alam ko na ngayon kung anong naging reaksyon niya sa balitang 'yon.

Paano pa kaya kung nandito na talaga ang unang Queen Bee?

Babalik na ba ulit ang lahat sa dati?

Yung tipong wala akong kilalang Steven Willford at wala rin siyang kilalang Sunny Villegas?

Paano na yung pagpapanggap namin? Hindi na ba matutuloy 'yon?

Maraming mga katanungan ang pumapasok sa aking isipan ngunit pagkapasok ko sa C.R ay kinalimutan ko muna ang lahat ng 'yon kahit na pansamantala lamang dahil hindi ko na talaga kayang tiisin pa. Kanina pa ako tinatawag ni mother nature. Huhu...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

INSTAGRAM: jeymiiibluu

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon