Chapter 58: Face Off

24.5K 825 176
                                    

Keanne's POV


Dalawang araw na ang nakalipas simula nang bumalik dito si Brattina ang dating Queen Bee namin.

Dalawang araw na rin naming hindi nakakasama ang mga boys. Namimiss ko na si Blue lalo na ang mala boy next door niyang look. Hay... Ang hirap palang hindi makita si crush kahit isang araw lang. Oo. Crush ko ang good boy president ng Poseidon section. Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa lalaking 'yon? Eh siya na nga yung tinuturing ideal boyfriend ng mga kababaihan dahil sa pagiging gentleman niya, mabait, hindi manyak at higit sa lahat ang napakagwapo niyang mukha plus his gifted body.

'Yon nga lang naduduwag akong umamin sa kanya dahil ayoko namang magbago ang pakikisama niya sa akin and I'm also scared of rejection lalo na't hindi ko pa nararanasan ang mareject dahil wala pa akong nagugustuhang lalaki dati. Actually, matagal ko nang alam na ibang-iba siya sa kakambal niya according to the rumors pero hindi ko na masyadong pinansin dahil pagkatapos ng ginawa sa akin ni Brattina ay lumayo-layo na muna ako sa mga dumadaang first sections na students dati pero nagbago ang lahat ng 'yon simula nang makilala namin sina Kitty at Milky.

Speaking of Kitty, nagsisimula na kaming mag-alala sa kaniya.

Dalawang araw na siyang tahimik which is very unusual of her. Kung ngingiti at tatawa man siya ay halatang peke dahil sa tuwing tinitignan namin ang kanyang mga mata ay parang may nakikita kaming lungkot rito na para bang may kulang sa buhay niya.

Minsan naman kapag nagkukwentuhan kaming magkakaibigan ay hindi siya umiimik na parang may malalim siyang iniisip. Kaya ang ginagawa namin ay bigla na lamang namin babanggitin si Hello Kitty at 'yon na ang pagkukwentuhan namin dahil kaagad siyang may kwento kapag si Hello Kitty na ang topic.

Minsan rin ay nakita na lang namin siyang nakatingin ng malungkot sa ibang lugar kaya tinignan rin namin ang tinitignan niya at doon lang namin napagalaman na sina Steven at Brattina ang tinitignan niya na masayang nag-uusap at naka-akbay pa si Steven kay Brattina habang sila'y naglalakad. Hindi rin tumagal ang titig ni Kitty sa kanila dahil mabilis niya ring iniwas ang kanyang tingin sa kanila at naglakad na paalis.

We tried making her laugh but she just always ends up smiling at us which we knew that it was only a fake smile.

Sumasaya lang siya kapag binibigyan namin siya ng Hello Kitty but after that, balik nanaman sa dati. Tahimik nanaman siya.

Nag-aalala na kaming dalawa ni Milky sa nangyayari sa kaniya pero ang kapatid ko naman ay naiinis na kaya since dismissal na namin ngayon ay mabilis siyang naglakad para hanapin ang magkambal at komprontahin sila tungkol sa captain nilang magulo ang puso. Kaming dalawa lang ni Milky ang sumama sa kanya dahil may pinautos pa ang Filipino teacher nila Milky kay Kitty.

Nagtanong si ate sa dalawang lalake na taga-first section kung nakita ba nila ang magkambal. Sumagot ang isang lalake at sinabing nasa first section building daw sila. Pagkasagot ng lalake ay nagpasalamat si ate atsaka kaagad na tumakbo papunta sa building ng mga first sections kaya wala na rin kaming nagawa pa kung 'di ang tumakbo.

Nang makarating na kami sa building ay huminto na kami sa pagtakbo at hinabol ang aming hininga.

Nang makahinga na ako ng maayos ay iginala ko ang aking paningin hanggang sa nakita ko si crush este si Blue na naiinip na sa kakahintay sa kanyang kakambal na nakangiting nakikipag-usap sa isang babaeng pulang-pula na ang mukha dahil sa sobrang kilig.

Mabilis na naglakad si ate papunta sa direksyon nila at kaagad na piningot ang tenga ni Green na ikinagulat at aray nito sabay hatak ni ate sa kanya papunta sa amin. Mukhang nagulat rin si crush este si Blue pala dahil hindi ito makapaniwalang tumingin kay ate Kiana na ngayon ay walang emosyon ang mukha habang pingot-pingot nito ang tenga ni Green na ngayo'y nagmamakaawa nang bitawan ang tenga niya dahil masakit na daw ito.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now