Chapter 64: Their Exes

24.1K 773 61
                                    

Milky's POV

Nandito kami ngayon sa mall at kitang-kita namin ang nakabusangot na mukha ni Green at ang inaantok na mukha ni Blue. Parehas silang nakasalumbaba sa mesa at nakatingin sa amin.

"Kayo... " inis na sambit ni Green habang nakaturo ito sa amin. "Alam niyo bang ang sarap-sarap ng tulog namin dahil ginabi na kami sa training ng Basketball tapos bigla-bigla na lang kayong tatawag para lang papuntahin niyo kami dito ng nine o'clock. Ang oras na saktong pagbubukas ng mall na 'to. Then the worse part is pumunta kami dito ng saktong nine o'clock because we thought that you're already waiting for us. But unfortunately, kami ang naghintay para sa inyo. But what's more worst is that just came here at exactly, eleven o'clock. Two hours. We've been waiting for you for two damn hours." Gustong-gusto na naming tumawa sa sinabi niya ngunit pinipigilan lang namin dahil sabi nga nila, pagtripan mo na ang lasing, wag lang ang taong busangot makatingin.

"Mga bes, nasaan ang hustisya doon sa ginawa niyo sa amin? Mahirap magising pero mas mahirap matulog sa mall na alam mong maraming nakatingin sayo, alam niyo ba 'yon?" Inaantok na tanong ni Blue bago ito humikab na para bang antok-antok pa ito.

Tuluyan na kaming napatawa dahil hindi na talaga naming kaya pang pigilan. Makita mo ba naman ang presidents ng Poseidon section sa ganitong sitwasyon sinong hindi matatawa sa kanila?

Napatigil ako sa pagtawa at ngumiti na lamang habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko.

Haay... Sana ganito na lang palagi. 'Yung tipong hindi mo naiisip na may away na namamagitan sa inyo at ineenjoy mo lang ang moment na magkasama kayo ng masaya.

"Asul, posible bang magkaroon ng red days ng sabay-sabay ang magkakaibigan? Kasi tignan mo oh. Nasisiraan nanaman sila ng bait." Wika ni Green na ikinasama ng tingin ni Blue sa kanya.

"Gago ka ba? Bakit sa akin mo tatanungin eh hindi naman ako babae. Bakit hindi sila ang tanungin mo?" Masungit na sagot ni Blue na ikinairap lamang sa kaniya ni Green.

Pero siyempre hindi ang saya o bonding ng mga magkakaibigan ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon.

Seryoso ko na silang tinignan bago nagsalita na ikinatigil nila sa pagtawa at pag-uusap.

"There's a reason why we're here. We're going to talk about Sunny and Steven o mas magandang sabihin ang mga past relationship nila sa ibang tao."

Napakunot-noo ang magkambal sa sinabi ko bago nagtanong sa akin si Green.

"What? Their past relationships? Ibig mo bang sabihin pati si Ms. Cutie nagkaroon ng relasyon dati?"

"Not really, well, kinda? It's a bit hard to explain pero pag-uusapan natin 'yon mamaya." Sambit ko sa kanya.

"Bakit ba natin kailangan pang pag-usapan ang dating relasyon nila sa ibang tao?" Tanong naman ni Blue.

"Para masagot na ang ibang tanong na bumabagabag sa ating isipan. I mean, hindi ba curious sa mga dating nakarelasyon nila?" Tanong ko sa kanila na ikinasagot naman nila ng sabay ng "Siyempre curious rin kami."

"At sa tingin ko, isa sa mga dahilan kung bakit bumalik nanaman sila sa dati nilang pakikitunguhan sa isa't-isa ay dahil na rin pati ang mga ex nila ay bumalik nanaman sa buhay nila para manggulo." Muli kong saad sa kanila. Sila Babob at Kiana naman ay tahimik lamang na nakikinig sa usapan naming dahil pati sila ay hindi rin nila alam ang tungkol sa nakaraan na relasyon ni Sunny.

Naglakad na kami papasok ng Starbucks dahil mas maganda ang ambiance doon kapag mag-uusap kami atsaka kanina pa naghahanap ng kape ang magkambal para naman daw magising ang diwa nila habang nag-uusap kami.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ