Chapter 77: Her Birthday

20.3K 823 246
                                    

Phoenix POV

She looks lovelier tonight. I mean, natural na ang taglay niyang kagandahan dati pa mas lalo lang lumitaw 'yon ngayong gabi. I can't take my eyes off her dahil para sa akin, siya ang pinakamagandang nakita ko ngayon.

Wala pa ring kupas ang pagiging inosente niya pero hindi 'yon naging dahilan para mabawasan ang pagkagusto ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ko ang mga kagaguhang ginawa ko sa kaniya dati na lubos kong pinagsisisihan ngayon.

~Flashback~

Nang malaman ni mom na may umiyak nanamang babae sa school namin dahil sa akin ay hindi na siya nagdalawang-isip na ipadala ako sa Pilipinas.

"Ilang beses ko pa bang kailangan balitaan na may pinaiyak ka nanamang babae sa school niyo? Nakakasawa na Phoenix. When will you ever learn?" Pagod nitong tanong sa akin ngunit hindi na lamang ako sumagot.

Kasalanan ko bang gwapo ako at nagugustuhan nila ako? Ni hindi ko man nga sila pinapaasa pero sila naman ang kusang umaasa kaya bandang huli umiiyak sila dahil sa pagkabigo. Tapos ngayon ako pa ang may kasalanan nanaman? Argh...

"Bakit hindi mo tularan si Ice? He's a good kid at hindi namomroblema sa kaniya ang parents niya." Ayan nanaman po siya. Ice nanaman. Ice. Fucking. Ice. Kailan niya ba ako kakausapin na hindi niya sinasabat ang pangalan ng papansin na 'yon?

Napakuyom na lang ako ng kamao dahil kahit na gusto kong sumbatan si mom at ilabas sa kaniya ang nararamdaman ko sa tuwing binabanggit at kinukumpara niya ako sa lalaking 'yon ay hindi ko magawa. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si mom dahil lang sa mga sinabi ko. Mas maganda nang ako na lang ang masaktan sa mga pinagsasabi niya sa akin.

Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating si dad na nakasuot ng corporate attire na halatang galing lang siya sa kumpanya namin.

Hinalikan niya sa pisngi si mom bago siya nagsalita.

"What's going on here?" Tanong nito na ikinaturo sa akin ni mom.

"'Yan. Tanungin mo ang anak mong 'yan kung anong meron ngayon."

Tinignan lang ako ni dad at itinaas ko lamang ang dalawa kong kamay na ikinailing niya. Ibig sabihin ay alam niya na kung ano ang sinesermon nanaman ni mom sa akin. Paulit-ulit na lang kaya nangyayari 'to.

"Hon, pabayaan mo na ang anak mo. Parte na 'yan ng pagbibinata niya." Pageexplain ni dad ngunit imbes na kumalma si mom ay mas lalo itong nagalit.

"Anong parte?! Sinasabi ko na nga ba! Kaya lumalaking spoiled brat ang anak mo dahil kinukuntsaba mo ang lahat ng gusto niya. That's it. Hindi ko na kaya pang i-tolerate ang pagiging pasaway mo Phoenix. Simula next week ay itutuloy mo na ang pag-aaral mo sa Pilipinas. Hindi ka makakabalik dito sa Amerika hanggat hindi ka tumitino." Seryoso nitong sinabi bago siya naglakad paalis.

Nagkatinginan kami ni dad ngunit nagkibit-balikat na lamang ako na para bang wala man sa akin ang sinabi ni mom.

She wants me to live in the Philippines? So be it. I don't mind at all.

~>~>>~>

Mabilis ring lumipas ang panahon at ngayon ay nasa Pilipinas na ako. Actually magta-tatlong na buwan na akong nakatira dito.

Maayos naman ang pagtira ko dito. Parang wala mang pinagkaiba nung nakatira pa ako sa Amerika except sa klima dito. Mas mararamdaman mo ang init ng panahon kaya hindi na ako magtataka kung iitim man ang kulay ng balat ko.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now