Chapter 30: Tiwala

31.5K 1.1K 111
                                    

Third Person POV


Nasa loob ng president's office ang mag-amang Willford at ang nagpapanggap na girlfriend ni Steven na si Sunny.

Nakaupo ang nagpapanggap na magsyota sa isang mahabang itim na sofa habang nakaupo naman sa itim na swivel chair si Mr. Willford.

Masamang nakatingin si Steven sa kanyang ama habang si Mr. Willford naman ay masayang nakangiti sa kanila. At si Sunny naman ay patuloy pa rin sa pag kain ng cookies 'n cream cheesecake at tila wala itong pakialam sa dalawang taong kasama niya.

"So anak may balak ka bang ipakilala sakin ang girlfriend mo?" Nakangiting tanong ni Mr. Willford sa kanyang anak.

Kahit iritang-irita na si Steven sa kaniyang ama ay nginisian niya ito at dali-daling inakbayan si Sunny na akmang isusubo na ang cheesecake na nakalagay sa tinidor nito ngunit dahil bigla siyang inakbayan ni Steven ay nahulog ito.

"Old man, meet my lovely girl, Sunny Villegas. Honey, meet my old man who is unfortunately my dad." Pakilala ni Steven kay Sunny at sa tatay niya ngunit imbes na pansinin siya ni Sunny ay tumingin ito ng nakakamatay na tingin sa kanya at pinagalitan ito.

"Bastos kang lalaki ka! Hinulog mo ang cheesecake ko! Bwisit ka! Alam mo ba kung gaano kasarap 'yon tapos bigla na lang mahuhulog dahil sayo?!" Galit na tanong ni Sunny na ikinakunot-noo ni Steven at ikinatuwa ni Mr. Willford.

Lumapit si Steven sa kaliwang tenga ni Sunny at mariing bumulong rito.

"What the hell do you think you're doing, woman? Damn it! You're embarrassing me in front of my old man."

Ngunit imbes na matakot at tumahimik si Sunny ay mas lalo pa itong nagalit sa kanya.

"Letse kang lalaki ka! Hinulog mo na nga yung cheesecake ko, ikaw pa 'tong may ganang murahin ako! Gago ka ba?!" Galit na sinabi ni Sunny sa kaniya na para bang wala man sa kaniya na nasa harapan nila ang tatay ni Steven na ngayo'y nag-eenjoy sa nakikita niya.

Kahit inis na inis na si Steven dahil sa pagmumukha ng ama niya at ang pagtatantrums ni Sunny ay mas pinili niya pa ring kumalma na lang at muli itong binulungan.

"Honey, if you'll be a nice girlfriend today and show that old man how you love me so much, then I will give you as many cheesecakes as you want. But if you'll be a bad girlfriend, then there will be no cheesecakes for you. Do we make ourselves a deal?" Malambing nitong tanong na ikinaningning ng mga mata ni Sunny.

"Bakit hindi mo pa sinabi 'yon kanina pa? Madali lang naman akong kausap eh." Sagot ni Sunny at kaagad na tumayo para lapitin si Mr. Willford na nakangiti pa rin sa kanila ngayon.

"Good afternoon po, President! It's a pleasure to meet you in person. I'm Sunny Villegas, the girlfriend of yelo." Pakilala ni Sunny sa kaniyang sarili.

"It's a pleasure to meet you too, Ms. Villegas. You can call me tito since you're my son's girlfriend. If I may ask, why did you call my son, yelo?" Tila amused nitong tanong kay Sunny.

"Because he's annoying and he has a cold heart, tito." Diretsong sagot na ikinatawa ni Mr. Willford ng malakas at ikinakuyom ng kamao ni Steven.

'Damn this woman. What the hell is she saying?!' Iritang tanong ni Steven sa kanyang sarili.

"You know what, I like you for my brat son." Nakangiting sagot ni Mr. Willford.

Tumayo ito mula sa pagkaupo at yinakap si Sunny.

"Welcome to the family, Sunny or should I say, my future daughter-in-law." Masaya nitong sinabi.

~>~>>~>~>>~>

Pagkatapos ng pag-uusap nila sa loob ng president's office ay naglalakad na pabalik ang dalawa sa kaniya-kaniya nilang mga classrooms.

"Yelo yung Hello Kitty cookies 'n cream cheesecake ko ha." Pagpapaalala ni Sunny kay Steven na ikinakunot-noo naman nito.

"What? Hello Kitty cookies 'n cream? Where the hell will I get that damn cheesecake?" Tanong ni Steven nang tumigil ito sa paglalakad.

Napangisi si Sunny sa tanong nito at muli itong binalingan.

"Ikaw ang gumawa ng deal at tinupad ko 'yon ng maayos kaya gumawa ka ng paraan para matupad ang pinangako mo sa akin." Sagot nito at muling naglakad ngunit napatigil rin ito sa biglaang pagtanong ni Steven sa kanya.

"Don't you know that promises are meant to be broken?" Malamig nitong tanong.

Katahimikan ang bumalot sa kanila nang biglang sumagot si Sunny na hindi man lang liningon si Steven.

"Alam ko 'yon pero hindi ako sang-ayon sa kasabihan na 'yon dahil bakit kailangan mo pang mangako kung mapapako rin pala ito sa huli? Kung ganon rin naman pala ang mangyayari mas maganda nang masaktan ka na lang na hindi ka umaasa sa kahit anong pangako na wala naman kasiguraduhan na matutupad nga ito sa huli rather than to be hurt just because of believing a shitty promise that will not come true in the end. You're just making a fool out of yourself." Seryoso nitong sagot at muling tinignan si Steven na may kasamang malungkot na ngiti.

"Kaya ikaw, wag na wag kang mangangako kung mapapako rin pala 'to lalong-lalo na kung pinagkakatiwalaan ka ng buong puso ng taong 'yon dahil mahirap ibalik ang tiwala ng isang tao, yelo. Promises are worse than lies. You don't just make them believe, you also make them hope." Malungkot nitong sagot atsaka muling naglakad leaving Steven speechless.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now