Chapter 56: Worthy

19.8K 735 99
                                    

Sunny's POV


Sabay kaming pumasok ni Milky sa school dahil nagpahatid na lang kami kay daddy.

Ngunit pagkapasok namin ay may narinig na kaming mga bulung-bulungan.

"Totoo bang ngayon na papasok si Brattina?"

"Oo. Nagulat nga rin ako nang marinig kong pinag-uusapan siya nina Mr. President at Ma'am Valdez."

"So ano na? Babalik na ba ang perfect couple?"

"Of course! OMG! I can't wait to have a picture with her na and an autograph too!"

"Ako rin!"

Hindi na namin napakinggan pa ang mga pinagsasabi nila dahil biglang dumating sina Babob at Kiana.

"Hi!" Nakangiting bati ko sa kanila ngunit hindi man sila sumagot. Bagkus ay tinignan lamang nila ako ng malungkot at may halong pag-aalala.

Unti-unting napawi ang aking ngiti at napakunot-noo na lamang.

"May problema ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanila.

Umiling lamang sila bilang pagsagot bago nagsalita si Babob.

"Sa tingin ko alam mo na yung balita."

"Anong balita? Tungkol ba sa pagkapanalo natin laban sa China? Tungkol ba sa napunit na dress ng babae nung magtutwerk sana siya? Alam mo ba? Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang magtwerk eh sa liit at sikip ba naman ng damit niya na parang nagmukha siyang medyo dulok na suman tapos ang laki pa ng pweㅡ" Bigla akong napatigil sa pagkwento nang magsalita si Kiana.

"Kitty, she's talking about the new student. Brattina De Vera."

Napabuntong-hininga ako bago sumagot.

"Yeah. Alam ko na. What about her?" Naguguluhan kong tanong.

"Alam mo na kung sino siya dito?" Tanong naman ni Babob.

"Not exactly but I do know that she's the Ex-Queen Bee and she had a thing with yelo according to the rumors."

"Kitty, si Brattina ang pinaka ayaw mong makasalubong. She's different." Sagot ni Babob.

"She's an alien?" Gulat kong tanong na muntik na nilang ikatawa bago muling nagsalita si Babob.

"No. Well, yeah. Somehow. Maybe? Kinda. Anyways, kilala na namin siya dahil old student na kami dito. 'Yun nga lang, hindi kami masyadong nakikisama sa iba kaya medyo hindi rin kami kilala dito."

"When you will first look at her, she looks so sophisticated na para bang wala sa hitsura at ayos niya ang nakikipag-away. But if you will see her true colors mas malala pa siya kay Sofa este Sofia." Sambit naman ni Kiana.

"So? Ano namang problema n'on sa akin?"

"It's her relationship with Steven." Seryosong sagot ni Babob.

"You mean, ex relationship?"

"We're not sure about that. Simula kasi nung umalis si Brattina dito, ang sabi nila cool off muna daw silang dalawa ni Steven. But as weeks passed by, break na daw sila. Well, those are just rumors so we don't even know if those are true." Sagot ni Kiana.

"Eh kung sila pa ni Brattina, bakit kailangan niya pang gawing girlfriend si Kitty?" Tanong naman ni Milky.

Akmang sasagot na si Babob nang magkaroon ng ingay sa likod namin.

Lumingon kami at bumungad sa amin ang mga taong nagkukumpulan.

Anong meron?

Pinuntahan ni Kiana ang isang babae na nakatalikod sa amin at tumitili. Kinalbit niya ito kaya lumingon ang babae sa kaniya.

"Anong meron? Bakit nagkukumpulan at tumitili kayo?"

Tinaasan lamang siya ng kilay ng babae bago sumagot.

"Duh, girl. Nandito na kaya ang perfect couple." Maarteng sagot ng babae.

Nanlaki ang mga mata ni Kiana bago muling nagsalita.

"Si Braㅡ"

"OMG! BRATTINA AND STEVEN FOREVER! MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG!" Sigaw ng babae nang talikuran niya si Kiana.

Sa inis ni Kiana ay nakabusangot itong naglakad pabalik sa amin.

"Tanga ba sila? Alam naman siguro nilang girlfriend ka ni Steven tapos kung maka asta sila parang walang girlfriend yung tao. Respeto naman oh!" Inis na sambit ni Kiana.

Muli akong tumingin sa mga taong nagkukumpulan hanggang sa nagbigay sila ng daan para sa dalawang taong naglalakad.

Ang babaeng nakangiti ngunit nasa ayos at hitsura nito ang pagiging sopistikada tulad ng kinwento ni Kiana. Nakahawak ito sa braso ng lalaking dating walang emosyon kung makatingin ngunit ngayon ay parang may nakikita akong kasiyahan sa kaniyang mga mata.

Parang may biglang pumisil sa aking puso nang magtama ang aming paningin nung lalake subalit hindi rin nagtagal ay para bang kumirot ang aking puso nang umiwas ito ng tingin na para bang hindi niya man ako nakita at nagpatuloy sa paglalakad kasama ang babaeng matagal niya nang mahal.

Perfect couple. Brattina De Vera and Steven Willford.

Nice. So I guess wala na akong papel ngayon sa buhay niya since dumating na rin ang totoo niyang girlfriend.

Sino ba naman ako para magreklamo, eh isa lang naman akong fake girlfriend niya. Na pwede niyang iwan kahit kailan niya gusto dahil sa simula pa lang ay walang kami.

Kitty, Kitty, Kitty. I think you just lost the game. Yehey!

Oh well, at least I got my scholarship back and I don't want to do that same mistake again. As long as I can still avoid it, I'll do it.

"Let's go, guys." Pagyayaya ko sa knaila ngunit tinignan lang nila ako ng nakakunot-noo.

"So 'yun lang 'yon? Hahayaan mo lang na ipaglandakan nila na siya ang girlfriend at hindi ikaw? Hindi mo man lang ba ipaglalaban ang karapatan mo bilang girlfriend ni Steven?" Nagtitimping tanong ni Kiana.

Tinalikuran ko na lamang sila bago ako muling nagsalita.

"Let them be and my right is not even worth fighting for."

"What?!" Gulat nilang sigaw.

Hinayaan ko na lamang sila at nagsimula nang maglakad.

That's right, Sunny. It's not worth it.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

INSTAGRAM: jeymiiibluu

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now