Chapter 62: The Trios

19.9K 819 123
                                    

Wind's POV

"Baby girl bakit ka umiiyak? Eh mga zombies pa lang yung pinapakita sa Train to Busan." Nag-aalalang tanong ko sa nag-iisang prinsesa ng Villegas Family na ngayo'y nakatulala lamang sa pinapanood namin.

Awtomatikong napadapo ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang pisngi na para bang hindi niya alam na may luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

Mabilis niyang pinunasan ang magkabilaan niyang pisngi bago lumingon sa akin at ngumiti.

"Kasi Kuya Wind inaadvance ko na yung pag-iyak ko para sa nakakaiyak na scene mamaya ng Train to Busan. Ano Kuya... Medyo inaantok na ako kasi nga diba umiyak ako kaya parang napapapikit na yung mga mata ko. Kwento niyo na lang sa akin bukas pagka-uwi ko galing school yung movie. Good night mga Kuya." Paalam nito atsaka isa-isa kaming hinalikan sa pisngi bago ito umakyat at pumasok na sa kaniyang kwarto.

Ilang minuto ang nakalipas ay walang umiimik sa aming tatlo. Naputol lamang ang katahimikang 'yon nang biglang magmura si Kuya Cloud.

"Bullshit. Ano bang nangyayari sa kaniya ha? Hindi naman siya ganyan dati. What the hell just happened to her?" Galit na tanong ni Kuya Cloud habang nakakuyom ang kaniyang dalawang kamao.

"Hindi ako sanay na ganito si baby girl. Nakakabaliw yung biglang pagtahimik niya tapos minsan magugulat ka na lang na umiiyak na pala siya ng tahimik. Once na malaman ko kung sino ang walang hiyang tao na nagpalungkot kay baby girl, I swear, he might not be able to see the sunshine again." Nanggigil ko ring saad.

It's true na kahit hindi man ipakita ni Sunny sa amin ang pagiging emosyonal niya ay nahahalata na namin 'yon sa kaniya ngunit naisipan na lang namin na wag na lang pansinin dahil baka may period lang siya kaya ganon and kampante kami masyado na walang mang-aaway sa kaniya. Kung meron man ay alam na namin na kayang-kaya silang labanan ni Sunny. Pero nang mapansin na namin na nagiging madalas na ang pagiging emosyonal niya ay doon na kami naalarma.

One time, Kuya Cloud gave her a Hello Kitty keychain. Akala namin ay matutuwa siya dahil dati naman pagbinibigyan namin siya ng kahit na anong bagay basta may Hello Kitty ay natutuwa siya ng sobra-sobra but we thought wrong. Dahil pagkabigay ni Kuya n'on sa kaniya ay ngumiti lang it okay Kuya atsaka nagpasalamat bago niya ito hinalikan sa kaniyang pisngi. Hindi talaga kami sanay na ganoon ang inaakto niya kaya naisip namin na kami ang may dahil kung bakit ganon siya. Dahil siguro hindi na kami masyadong nakikipagbonding sa kaniya dahil na rin sa maraming school works. Medyo nawawalan na kami ng oras para sa kaniya. That's why we decided to watch the movie Train to Busan, today with her since wala sa bahay sina mommy at daddy dahil bumisita sila sa bahay nina tito at tita at mga three days pa silang magsestay doon kaya kami na muna ang naiwan sa bahay. Pero nang maging ganon pa rin ang inaakto niya ay doon na ako nag conclude na hindi kami ang dahilan kung bakit siya palaging malungkot ngayon. It may be an asshole or a bitch pero kahit sino man siya. We'll make sure that fucking person will pay for what he or she had done to our only baby girl.

Cloud's POV

Damn it. Makita ko lang na malungkot o tahimik si baby girl namin ay nasasaktan na ako. Paano pa kaya kung makita ko siyang umiiyak?

Napakuyom ako ng kamao sa tuwing naaalala ko ang pagbabago ni Sunny. Malaman ko lang talaga kung sino ang hayop na 'yon ay makakatikim siya sa akin. I don't care if it's a girl or a boy. As long as sinaktan niya ang nag-iisang prinsesa namin ay hinding-hindi na siya makakatakas pa 'cause we won't let that fucking person go without getting our revenge for our princess.

Gustong-gusto ko na talagang komprontahin ang kapatid ko at tanungin kung anong problema niya at kung sino ang taong nanakit sa kaniya pero hindi ko na ginawa 'yon. Instead we decided to go to her school without telling her. Be ready, motherfucker.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now