Chapter 43: Slave

25.7K 910 58
                                    

Sunny's POV


"Dear slave, where's my food?" Tanong ng isang yelo na malapit ko nang i-oven ng buhay para matunaw na siya at wala nang pepeste sa araw ko.

Napa-ikot lamang ako ng mata sa kanyang tanong at itinuloy ang paglalagay ng kanin sa plato.

"Ito na po, prinsipe yelo!" Sigaw ko at binitbit ang wooden tray na naglalaman ng isang platong kanin, isang mangkok na puno ng kaldereta, kutsara't tinidor at isang basong puno ng iced tea.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang utos niya na ito sa akin dahil kanina pa niya ako inuutusan na para bang personal maid niya ako.

Pero sa bagay, hindi rin naman masyadong nalalayo ang mga ginagawa n'on sa isang slave.

Magmula kanina ay wala siyang ibang pinautos sa akin kung 'di ang ipakuha 'yon at maglinis doon, dito, at diyan. Halos buong private room ata nila ay nalinisan ko na.

Meron isang beses, habang nagwawalis ako ay bigla niyang nahulog ang binabasa niyang libro.

Parehas kaming napatingin sa librong nahulog hanggang sa napatingin kami sa isa't-isa.

Pababayaan ko na lang sana siya at yung libro dahil busy ako sa pagwawalis at kasalanan niya naman kung bakit nahulog 'yon nang bigla siyang umungol sa sakit kaya kaagad akong napatingin sa kaniya.

Nakita ko siyang nasasaktan habang nakahawak ang kanang kamay niya sa likod niya at ang kaliwang kamay niya naman ay pinipilit na abutin ang librong nahulog niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago itinabi ang walis at kinuha ang librong nahulog.

Tinulungan ko siyang umupo ng maayos habang nakahawak ito sa magkabilang braso ko.

Feeling ko naging instant nurse naman ako ngayon.

Pagkatapos ko siyang tulungan ay ibinigay ko naman sa kanya ang libro.

Kinuha niya ang libro sa aking kamay at muli nanamang nagbasa.

Napailing na lamang ako at bumalik na ulit sa pagwawalis.

Naku naman Kitty, anong aasahan mo sa yelong 'yan? Magsabi ng thank you? Tsk.

Pagkatapos kong magwalis ay bumalik ulit ako sa sala upang magpahinga sa sofa kahit sandali lang.

Paupo na sana ako nang bigla nanaman akong tawagin nito.

"Slave! I'm hungry! Could you please cook Beef Caldereta? I haven't had my lunch yet." Utos nanaman nito.

Napa-facepalm na lang ako dahil sa utos niya.

Jusko Lord, ginawa na talaga akong yaya ng lalaking 'to. Pasalamat siya marunong akong magluto dahil kay mommy kung 'di, naku po! Papatulugin ko na siya ng 'di oras.

Pumunta na ako sa kusina at nagsimula nang magluto.

"What took you so long?" Tanong nito habang nakatingin pa rin sa pinapanuod niya. Mukhang natapos niya nang basahin ang libro niya.

Ayba naman, prinsipe yelo. Alangan naman bilisan ko eh halos kalahati na ng energy ko ay naubos na dahil lang sa paglilinis ko dito.

Hindi ko na lamang siya pinansin at inilagay ang mga laman ng tray sa bed table niya.

Nang malagay ko na ang mga ito ay dinala ko naman ang bed table niya sa gitna ng hita niya upang madali siyang makakain ng maayos.

Napakunot-noo na lamang ako nang hindi ito kumain at nagpatuloy lamang sa panunuod.

Uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya pero kahit na labag sa loob ko ay kailangan ko pa ring kumalma.

Okay, Kitty. Tandaan mo na slave ka ng yelong 'yan at iniligtas ka niya sa lumilipad na raketa kanina kaya siya nagkainjury sa likod.

Ngumiti ako ng matamis sa kanya kahit na pilit lang ngunit hindi niya pa rin inaalis ang kanyang tingin sa tv.

Kapag ako nainis, papatayin ko ang tv na 'yan.

"Prinsipe yelo, may balak ka po bang galawin ang pagkain mo?" Nagtitimpi kong tanong ngunit hindi pa rin ako nito pinapansin.

Patience, Kitty. PATIENCE.

"Ayaw mo na ba ng Kaldereta?"

"Ayaw mo ba ng juice mo?"

"Gusto mo ng tubig?"

"Gusto mo bang kumain na lang sa kusina?"

"Masyado bang marami ang linagay kong kanin o kulang pa 'yan sayo?"

Damn it! I'm starting to lose my patience here!

"Gusto mo bang subuan pa kita?" Pagod kong tanong na ikinatango niya.

Sa mga oras na ito ang pinakagusto ko na lamang gawin ay ang sabunutan ang buhok ko yung tipong matatanggal na ang mga ito sa anit ko. Ang sarap magfacepalm yung tipong babakat na ang buong kamay ko sa pagmumukha ko. Ang sarap kong ilibing ng buhay para wala na akong dahilan pang makita siya at sundin lahat ng mga utos niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako at sumampa sa kabilang side ng kama niya para makatabi ko siya.

Inilapit ko ang bed table sa akin at kinuha ang kutsara't tinidor.

Linagyan ko ng ulam at kanin ang kutsara at inilapit ito sa bibig niya.

Napakunot-noo ako nang hindi nito ibinuka ang bibig.

Ano nanamang gusto ng damuhong 'to?

Doon ko lamang napansin na mainit pa pala ang ulam at kanin dahil umuusok pa ito.

Hinipan ko ito at ibinalik ko ulit sa tapat ng bibig niya.

Ibinuka niya ang kanyang bibig at kinain ito.

Salamat naman at napakain ko rin ang lalaking 'to. Jusko, daig ko pa ang nagbabantay ng isang bata sa sobrang hirap pakainin. Hindi ko akalain na may ganitong side pala si yelo, nakakasakit ng ulo at bait, promise!

Buong magdamag ay wala siyang ibang ginawa kung 'di ang manuod lamang ng movie sa tv habang sinusubuan ko siya.

Humirit pa siya ng isang round pagkatapos niyang ubusin ang pagkain na hinanda ko sa kanya.

Nang maubos niya na ang pagkain niya ay sunod naman nitong inubos ang isang basong juice niya na linagyan ko ulit ng iced tea.

Kinuha ko naman ang tissue at ipinunas ito sa basang bibig niya dahil sa pag-inom niya ng juice.

Habang pinupunasan ko siya ay bigla na lamang siyang humarap sa akin kaya ang ilong namin ay nagkadikit na dahil sa sobrang lapit ng pagmumukha nito sa akin na isang maling galaw lang namin ay maaaring maglapat ang aming labi sa isa't-isa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now