Chapter 61: Ice

22.8K 824 146
                                    

Milky's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang sagutan nina Kitty at Brattina. Pagkatapos rin ng kaganapan na 'yon ay parang nagbago na si Kitty.

Madalas na siyang nagiging tahimik at seryoso. Minsan naman ay bigla na lang siyang matutulala. Tapos hindi na rin siya katulad ng dati na slow pagdating sa mga ibang bagay na sinasabi sa kanya at ang pag-aakto niya na parang bata. Minsan rin ay kapag tinatawag namin siyang Kitty ay hindi niya kami pinapansin as in parang hindi na Kitty ang tawag sa kanya pero kapag naman Sunny ang tawag namin sa kanya ay doon niya lang kami papansinin ngunit hindi na rin katulad ng dati na masaya niya kaming papansinin. Blanko na ang tingin niya sa amin at dahil hindi kami sanay ay nakakaramdam na kami ng takot sa kanya na para bang nararamdaman na rin namin kung ano ang nararamdaman ng mga taong tinitignan niya ng ganoon pwera na lang kay Steven dahil parehas lang naman sila ng ekspresyon minsan. Hindi ko lang alam kay Demon kung ganon din.

Wala na ang dating masayang Kitty na kilala namin. One time nga binigyan namin siya ng isang Hello Kitty stuff toy dahil akala namin ay babalik na rin siya sa dati subalit nabigo nanaman kami dahil imbes na magsaya siya ng sobra-sobra tulad ng mga ginagawa niya dati ay nginitian niya na lang kami ngayon na hindi nanakalabas ang mga ngipin at magpapasalamat. Pagkasabi niyang 'yon sa amin ay tumalikod na siya upang ipagpatuloy ang kanyang pagbabasa. Kusa nang tumulo ang mga luha ko dahil nasasakatan ako para sa kanya at sa mga inaakto niya sa harap namin. Alam kong nasasaktan na siya pero pilit niya pa rin kinikimkim ang nararamdaman niya.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang Sunny na kilala ko dati noong hindi pa kami lumipat dito sa Willford Academy. Ang Sunny na masiyahin ngunit linulugar ang pagiging isip bata niya minsan. Ang Sunny na madalang lamang magseryoso subalit kapag nagseryoso ito ay hindi ka naman makakaramdam ng takot sa kanya. Ang Sunny na hindi mahilig mambara at ang Sunny na kung magmahal ay sobra-sobra yung tipong konti na lamang ang natitirang pagmamahal para sa sarili niya.

Ganoon siya dati ngunit simula nang makilala niya ang lalaking 'yon ay bigla na lamang siyang nagbago. Kaya hanggang ngayon ay wala akong ibang sinisisi kung 'di ang lalaking 'yon kasi kung hindi dahil sa kanya ay hindi naman magiging ganito si Sunny. Kaya sinusumpa ko na makita ko lamang siya ay isang malutong na mag-asawang sampal ang ibibigay ko sa kanya para kay Sunny at para na rin sa katarantaduhan na ginawa niya sa best friend ko.

"Oy gago! Wala na akong pakialam sa biglaan niyong pagsusungit dati dahil ang mas kailangan kong alamin ngayon ay kung bakit tinatawag na Ice si Steven. Dati na kaming student dito ni Keanne pero kailanman ay hindi pa namin narinig na tinawag na Ice si Steven." Pagpipigil ni Kiana sa kanyang galit. Nasa harapan namin ngayon ang magkambal dahil hindi na namin kayang manghula pa sa mga nangyayari ngayon kaya ginawa namin ang lahat para makausap namin ang kambal.

"At ano naman sa tingin mo ang mangyayari kapag nalaman mo kung bakit? May magbabago ba? Wala naman diba? Kaya mas maganda nang wag niyo nang alamin dahil sinasayang niyo lang ang oras niyo." Malamig na sinabi ni Green na nakakapanibago rin pero hindi na lang namin 'yon pinansin dahil ang mas importante sa amin ngayon ay ang masagot ang tanong namin sa kanila.

Lumapit ako sa kanila at tinignan sila na ng malungkot at may halong pagod.

"Oo. Tama ka. Wala ng magbabago kung sasabihin mo sa amin ang dahilan pero gusto lang namin malaman ang dahilan hindi para sa amin kung 'di para kay Sunny. Gusto lang namin malaman dahil nakakapagod na ring manghula ng mga bagay na alam naman namin na walang kasiguraduhan. Gusto lang namin malaman dahil nahihirapan at nasasaktan rin kami para sa kaibigan namin. Kung kayo, hindi niyo man siya tinuring na kaibigan pwes ibahin niyo kami dahil kahit hindi kami kasama sa isyu niyo, para sa amin ay kasama na kami lalo na't damay ang best friend namin diyan. Kaya please lang, sabihin niyo na sa amin." Pagmamakaawa ko sa kanila at nakita kong tinignan rin nila ako ng malungkot bago sila napabuntong hininga.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now