Love at first sight? Nah... Too common. How about HATE at first sight? Hmm... Meet girl-tibo, ang babaeng mala-lalake kung umasta at parang baboy kung kumain. Pero wag kayo! Kahit matakaw siya ay hindi tumataba ang katawan niya. Mala-armelite ang bibig kung magsalita. Para sa kanya, kung may man-hater, mayroon ding lalaking walang bayag-hater. Ibig sabihin ay ang mga lalakeng hindi kayang panindigan ang mga responsibilidad at pangako nila lalo na ang mga lalakeng binabangga ang mga babaeng tulad niya. In short, ang mga lalakeng pumapatol sa babae. Meet boy-suplado, ang lalakeng hindi mo kayang pangitiin kahit anong gawin mo. At kung ngumiti man ito ay dapat may dala kang camera para mapicturan mo dahil parang once-in-a-lifetime lang ang ngiti niya. Siya ang lalakeng kapag binadtrip mo ay talagang papatulan ka niya kahit babae ka pa. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng madaldal at parang hindi babae kung kumilos. In short, ayaw niya sa mga babaeng walang modo/manners. Parehas silang may ayaw na katangian sa babae at lalake. Ngunit paano kung magkita sila sa hindi inaasahang pangyayari? Ano ang mangyayari? Paano kung hindi lang isang beses sila magkita? Anong gagawin nila? Pero paano naman kung sadyang makulit at malaro si tadhana to the point na may nangyaring hindi inaasahan kaya ang resulta ay hindi lang isa, dalawa o tatlong beses silang magkikita kung 'di araw-araw na? Makakasurvive pa ba silang dalawa na magkasama? Ito na ba ang tinatawag nilang UNEXPECTED DESTINY? ~>~>>~> Original Story by: JamieeeBlue Cover by: iceunnie_wp 03/15/2015 Enjoy Reading! ^^