Chapter 75: Selfish Wish

18.4K 702 124
                                    

Brattina's POV

"Papa you know that I love Ice, right?" Nakangiting tanong ko kay papa na ikinatango niya.

"I want to be engaged with him after our graduation." Walang pag-aalinlangan kong sinabi at akala ko ay magugulat siya sa hiniling ko ngunit nanatiling walang emosyon ang kaniyang mukha. Muli nitong ininom ang kaniyang wine bago siya nagsalita.

"Is that what you really want? Sigurado ka na ba talaga diyan sa hinihiling mo? Alam mong hindi isang biro ang hinihiling mo sa akin." Wika niya sa akin na kaagad ko namang sinagot.

"I'm dead serious about it, papa. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal simula noong bata pa lang kami. He's the only guy that I see patiently waiting for me on the altar while I'm walking with you down the aisle towards him." Seryoso kong sagot sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

At nang mapansin niyang hindi talaga ako nagbibiro ay unti-unti siyang ngumiti sa akin.

"You've already grown up, princess. You made the right choice of choosing your soon-to-be-husband. I like that young man for you. I'm sure that he can take care of you and love you kung sakaling mawala man ako. At least mapapanatag na ang loob ko na iwan ka sa kaniya. You're my only princess, and I will do everything that will make you happy. We'll set your engagement after your graduation. I'll talk to the Willford-"

"No papa! I want it to be a secret as of now. I want to surprise him on the day of our engagement. I'm sure na hindi tatanggi sila tita at tito sa mangyayaring engagement namin ni Ice dahil boto naman sila sa akin para sa anak nila. I want it to be perfect that day. A memorable day for me, papa." Nakangiting sambit ko na ikinabuntong-hininga niya at ngumiti na lamang sa akin na para bang wala na siyang magagawa pa sa mga desisyon ko.

"If that's what my daughter wants, then I'll gladly do it." Wika niya na ikinasaya ko lalo kaya tumayo na ako sa aking upuan at pinuntahan siya upang yakapin siya ng mahigpit.

"Thank you, papa! Hindi mo po alam kung gaano ako kasaya ngayon." Ginantihan niya rin ako ng yakap at hinaplos ang aking buhok.

"Anything for you, princess. Anything for you." Malambing nitong sinabi sa akin.

I know it's a selfish wish but what can I do? I just love him too much that it hurts whenever I see him with her. Oo at mas pinili ko ang career ko dati kaysa sa kaniya dahil panatag ang loob ko na akin pa rin siya kahit na nasa malayo ako. Na walang makakaagaw sa kaniya. Na kahit nakipagbreak ako sa kaniya ay ako pa rin ang babaeng kinababaliwan niya pero dapat pala hindi ako masyadong naging panatag noon sa nararamdaman niya sa akin dahil simula nang mabalitaan kong may bagong girlfriend na pala siya dito ay nagsimula na akong makaramdam ng takot at kaba. Na baka makakalimutan niya na ako ng tuluyan dahil sa babaeng 'yon kaya iniwan ko ang career ko at umuwi dito para sa kaniya. Para bawiin siya sa malanding babae na umagaw sa kaniya sa akin. Pero siyempre, hindi rin naging madali para sa akin ang iwan na lang ng basta-basta ang career ko.

Hindi rin nagtagal ay nakatanggap ako ng magandang balita at laking tuwa ko na lang nang malaman ko na fake girlfriend niya lang pala ito kaya ginawa ko ang lahat para tuluyan na silang maghiwalay dahil kahit ano mang gawin nila at ipagpatuloy pa rin nila ang kanilang pekeng relasyon ay wala pa ring sila dahil hindi naman totoo ang relasyon nila. In fact, that stupid girl should thank me for what I have done dahil kung 'di dahil sa akin ay hindi pa rin siya nakakalaya hanggang ngayon sa pekeng relasyon nila ni Ice.

Pero nakakainis lang dahil mukhang nag-iwan pa ng marka ang malanding babaeng 'yon kay Ice dahil minsan kapag magkasama kaming dalawa ay nararamdaman kong ibang tao ang iniisip niya at hindi ako. Kaya kung ito lang ang paraan para maging akin na talaga siya ay gagawin ko. Cliché? Well, I don't care. As long as he's mine, then I'm okay with it.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now