Chapter 54: Day 2

23.7K 804 64
                                    

Kiana's POV


Habang sarap na sarap ako sa pagtulog ay may biglang mabigat na pumatong sa aking kaliwang dibdib. Inalis ko ito ngunit maya-maya lamang ay pumatong nanaman ito sa aking dibdib.

Napakunot-noo ako habang nakapikit. Handa na sana akong itulak si Keanne para maalis niya na ang kamay niya na nakapatong sa aking kaliwang dibdib nang bigla niya itong pisilin na para bang gigil na gigil ito kaya kaagad kong iminulat ang aking mga mata at mabilis na umupo atsaka sinulyapan ang katabi ko.

Nanlaki ang aking dalawang mata nang makita ko ang hinayupak na nagmolestya sa aking dibdib.

"MANYAK! AHHH!" Malakas kong tili na ikinabangon niya kaagad at para bang natataranta ito.

"Sunog?! Nasaan ang sunog?! Oh my ghad!" Natataranta nitong sigaw ngunit wala akong pake kaya kaagad ko itong sinipa na ikinahulog niya naman mula sa kama.

"Fuck!" He suddenly cursed and glared at me.

"What's wrong with youㅡ" Mabilis kong pinutol ang sasabihin ng manyak na 'to at dinuro-duro siya gamit ang aking hintuturo.

"Shut up you perverted freak! How dare you molest me like that?!"

"What? Anong molestㅡ"

"Pinagsamantalahan mo ako! Walang 'ya kang baboy ka! Ang dapat sayo ay mamatay na!" Nanggigil kong sigaw at kinuha ang unan sabay hampas nito sa kaniya.

"A-aww! Aray! Ouch! DamㅡA-aray! Damn it!" Pikon nitong sambit pagkakuha niya sa unan na pinanghahampas ko sa kaniya.

"You sadistic witch! What do you think you're doing?!" Inis nitong sambit habang nakatingin ito ng masama sa akin.

Aba! At ako pa talaga ang masama ngayon?

"Don't call me a witch, you freaking pig! How dare you?! I'm going to sue you for this." Galit kong saad na ikinakunot-noo niya na para bang wala siyang naiintindihan sa mga pinagsasabi ko.

"What the hell? I don't understand. Ang naaalala ko lang ay masarap ang tulog ko, then the next thing I knew is that you pushed me, you're shouting at me like a crazy woman at pinaghahampas mo pa ako ng unan! Ano ba talagang ginawa ko sayo?" Naguguluhan nitong tanong.

"Wag ka nang umakting na para bang inosente ka! Pagkatapos mong hawakan ang dibdib ko, ganyan pa ang sasabihin mo sa akin?! And what's even worse is that you also squeezed it! Wala ka na talagang hiya diyan sa katawan mo manyak na berde! Ang sarap mong iparape sa mga bakla!" Gigil kong sinabi kahit na pulang-pula na aking magkabilang pisngi dahil sa sobrang galit.


Green's POV


What the hell just happened?

Ang alam ko lang ay nauna nang bumalik sa beach house ang mga babae samantalang kaming magbabarkada ay nag-iinuman muna sa bar na nasa dulo ng swimming pool.

Nang matamaan na kami ng kalasingan ay nagpasya na rin kaming  bumalik sa beach house kung saan nagsestay sila Ms. Cutie dahil doon naman talaga kami nagsestay kapag nandito kami sa resort kahit isang beses pa lang kami nakapunta dito noong bata pa kami ng kakambal ko.

Nagsipasukan na sila sa kanya-kanya nilang mga kwarto habang ako ay pumasok na muna ako sa banyo dahil kanina pa ako naiihi.

Nang matapos na ako ay naghugas muna ako ng kamay at lumabas na sa banyo. Medyo lumalabo na ang paningin ko dahil sa sobrang antok at sa kalasingan ko na rin.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon