Chapter 3: First Encounter

60.7K 1.9K 99
                                    


Sunny's POV


"Kitty, sorry. Hindi kita napigilan kanina eh di sana hindi ka nagiguilty ngayon. Alam mo namang natatakot ako sayo kapag nambabara ka na." Sabi ni Milky at yumuko.

"Wag ka ng ganyan milky. Hayaan mo na 'yon atsaka hindi mo naman kasalanan kung hindi mo man ako napigilan. Dapat lang 'yon sa kanya noh. Ang bad niya kasi kay Kitty eh. 'Yan tuloy, nabara siya sa akin." Sambit ko na ikinatawa niya kaya napangiti ako.

"'Yan, ganyan ka dapat milky. Palaging nakangiti at tumatawa. Wag ka nang matakot sa akin pwiiis..." Nakanguso kong sambit sa kaniya subalit tinawanan niya ulit ako bago siya nagsalita.

"Ang cute mo talaga!" Sabi niya sabay kurot sa magkabilang cheeks ko.

"Ouchie! Machakit 'yon ah." Nakanguso kong reklamo habang kinukurot niya pa rin ang pisngi ko.

"Hehe... Sorry." Mahinang wika niya bago niya inalis ang kaniyang mga kamay na nakakurot sa pisngi ko.

"Ich owkey!" Nakangiti kong sambit habang naka-thumbs up ang isa kong kamay samantalang ang isa naman ay hinahaplos ang pisngi kong kinurot niya.

Ang sakit kaya!

"Bili lang ako ng drinks natin okay? Diyan ka lang, wag kang aalis at baka maubusan tayo ng upuan." Paalam niya sa akin na ikinatango ko.

"Okie dokie!"

Umalis na si Milky pero maya-maya lang ay hindi pa rin siya bumabalik. Medyo kinabahan na rin ako dahil baka may nangyari sa kanya.

"Ouch. Kawawa naman si girl."

"Bagay lang 'yan sa kanya. Binangga niya ang isa sa THE BIG THREE at si Steven my labs pa."

"Nakakaawa si girl, grabe! Basang-basa na yung uniform niya dahil binuhusan siya ng malamig na tubig ni papa Steven. Nakakahiya, mukha siyang basing sisiw pero malagkit version."

Nakita ko na lang na maraming tao sa kabila. Nandito kasi ako sa pinakadulo kaya hindi ko masyadong napansin. Ang laki kaya ng canteen nila dito. Parang mini restaurant. Amazing!

Pinuntahan ko ang mga taong nagkukumpulan.

"Excuse me po."

"Ate, excuse lang po."

"Kuya, paraan lang ha."

After 12345 years, wooh! Sa wakas nakarating rin sa harap.

Tumingin ako sa pinagkakaguluhan nila kanina at may nakita akong apat na lalaki pero ang isa sa harap ay parang nabuhusan ng konting iced tea sa uniform niya. May nakita rin akong babae na nakaluhod at humahagulgol. Basang-basa ang damit niya na halos magmukha nga siyang basang sisiw. Pinagpipicturan na rin siya.

Tinignan ko ng mabuti ang babae at nagulat na lang ako na...


Steven's POV


I'm on my way to the canteen with my stupid annoying friends.

"Mga friends! Ang saya ko kaninang umaga! Ang daming mga bebe girls! Bawing-bawi na talaga ako." Green said.

Si Green ang babaero sa aming apat. Manyak siya kung mag-isip kaya bagay lang sa kanya ang pangalan na Green dahil ang berde ng utak niya.

Si Blue naman ang kakambal ni Green. Kung si Green ay may pagkagreen minded, ito namang si Blue ay pacool-cool lang. Hindi siya tulad ng kakambal niya na babaero dahil rinerespeto niya ang mga babae pero pagdating sa kalokohan, magkasangga ang dalawang gago. What would you expect? They're twins.

Si Demon naman ang childhood best friend ko. May pagkaserious type rin 'to tulad ko. Sabi nga daw nila ay para daw kaming magkapatid dahil magkaugali daw kami. Tch. Magkaugali lang, magkapatid na agad? Maling akala nga naman.

Why am I even introducing them? Tsk.

I'm Steven Willford, the son of the owner of this academy. I'm currently acting as the President of this school since he's not here at sa akin niya muna ipinaubaya ang school na 'to. I know I'm too young to handle this kind of responsibility but to be honest, I was only raised to handle our business in the future. Kaya medyo gamay ko na kung paano patakbuhin ito.

There are 3 special sections that are called THE BIG THREE.

These are Hades, Poseidon, and of course, Zeus.

If the students in the ordinary sections are wearing red ribbons, red neckties, and black blazers, the students in the special sections are wearing blue ribbons, blue neckties, and white blazers.

I know that you are thinking on why are we called "The Big Three" if we are actually four?

Easy, the president of the Hades section is Demon and the president of the Poseidon section are actually the idiot twins. They said that they have to be on the same position since they are twins uch that, it will be fair for them. Tch. Reasons.

Of course, the leader of THE BIG THREE who is Zeus is the section that I'm actually handling.

Now you know why we are called THE BIG THREE though we are really four.

"Captain! Kamusta pala yung pakikipag-usap mo kay tito?" Nakangiting tanong ni Berde sa akin na ikinakuyom ko ng kamao.

Oh yeah, how could I forget that old man na wala nang ibang ginawa kundi ang masunod dapat ang gusto niya? Fucking life.


Blue's POV


Patay. Mukhang nabad trip ng magaling kong kakambal si Pres. Tangina mo Berde! Ida-duct tape ko na talaga 'yang bibig mo. Pinapahamak niyan ang mga taong hindi dapat ipinapahamak.

Nandito na kami sa loob ng canteen. Papunta na sana kami sa table namin nang may nakabangga kay President.

"Shit!" Inis na mura ni President nang mapaurong siya dahil sa pagkatapon ng iced tea sa damit niya.

"So-sorry." Nanginginig na paghinging paumanhin ng babae habang nakayuko ito.

"What the heck did you do to my uniform?!"

Patay! Galit na si Pres.

"So-sorry po."

"Do you think that your sorry will clean the stain in my uniform?!"

"N-no." Mahinang sambit ng babae at parang naiiyak na rin ito.

"Tch. Yeah right." Sarcastic na sinabi ni Pres at kumuha ng isang bote ng malamig na tubig at walang awa na ibinuhos ang lahat ng laman nito sa babae.

Dahil sa sobrang gulat ng babae ay napaluhod na lamang siya at napahagulgol.

Tsk.Tsk.Tsk. Naaawa ako sa kanya. Ganyan talaga si Pres kaya walang gustong bumangga sa kanya dahil dadalhin ka talaga niya sa impyerno mapa-babae, bakla o kahit alien ka man. Pero kahit na ganon, babae pa rin siya kahit rinespeto niya na lamang ito bilang isang babae.

"Tch. Such a waste of time." Sambit niya at akmang aalis na ito nang biglang may nagsalita.

"Tsk. Ang bakla mo naman para pumatol sa isang babae."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now