Chapter 37: Beauty of the gods and goddesses (Part 1)

36.4K 979 193
                                    

Sunny's POV


Pagkatapos ng mga matitinding trainings at practices ay sa wakas, dumating na rin ang araw kung saan magsisimula na ang gera, patigasan ng mga ulo este buto, pagalingan sa paglalakad at pagandahan ng mga kasuotan. Payabangan ng talento at higit sa lahat ang pinakaaabanganㅡ ang laban ng mga hari at reyna.

Pero bago 'yon...

"Waaaah! Lumaki si Hello Kitty! Lumaki si Hello Kitty!" Sigaw ko at tumalon-talon pa sabay turo sa malaking Hello Kitty na stuff toy.

"Waaaah! Lumaki si Hello Kitty! Lumaki si Hello Kitty!" Sigaw ko at tumalon-talon pa sabay turo sa malaking Hello Kitty na stuff toy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pero kitty, hindi mo naman basta-basta makukuha si Big Hello Kitty eh. Kailangan mo munang maglaro at manalo bago mo siya makuha." Pagpapaliwanag ni Milky na ikinanguso ko.

"Ihhh! Gusto ko 'yon! Gusto ko si Hello Kitty! Milky! Milky! Gusto kong makuha si Big Hello Kitty! Akin siya eh!" Pangungulit ko at hinila-hila pa ang laylayan ng damit ni milky habang tinuturo ang malaking Hello Kitty stuff toy.

Hinihila naman pabalik ni milky ang laylayan ng damit niya na kanina ko pa hinihila ngunit hindi ko 'to binitawan at patuloy pa rin itong hinihila.

Napatigil lang kami sa maikling tug of war namin nang biglang magsalita si Babob.

"Kitty, hindi lahat ng gusto mo ay dapat nasayo na kaagad. May mga bagay lang talaga na kailangan mong pagsikapan, ipaglaban at gawin ang lahat upang mapasayo ang gusto mo. Doon mo lang maaaring maangkin ang bagay na matagal mo nang hinahangad." Seryosong saad nito na ikinapalakpak namin.

"W-what theㅡ Ba't kayo pumapalakpak?" Nagtataka nitong tanong.

"Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya pero hindi ko alam kung bakit pumapalakpak pa rin ako." Nakangiti kong saad.

"Ako rin." Pagsang-ayon naman ni Milky sa sinabi ko.

Bigla namang inakbayan ni Kiana ang kapatid niya.

"Okay lang 'yan Keanne, hindi lang ikaw ang humuhugot sa mundong ito. Kung may pinagdadaanan ka, nandito lamang si ate. Makikinig ako sa mga hugot mo." Seryosong sinabi naman ni Kiana.

Mas lalong naguluhan si Babob ngunit hinayaan niya na lamang na akbayin siya ng ate niya.

"Tara na! Bumalik na lang tayo dito mamaya. Kailangan muna natin puntahan ang mga representatives natin para sa first competition. Ang beauty of the gods and goddesses. Maya-maya lang ay magsisimula na ang Seniors Battle." Sambit ni Kiana.

Muli kong tinignan ang malaking Hello Kitty stuff toy at nagpaalam.

"Wait for me. Makukuha rin kita pagbalik ko." I whispered and did a flying kiss towards the Big Hello Kitty stuff toy. I'll see you again later my big Hello Kitty.

Nang makarating kami sa classroom namin ay nakita naming konti lang ang mga tao rito.

Si Cassandra naman ang aming representative ay nakaayos na ngunit hindi pa nito suot ang damit ni Athena. Simple lamang ang ayos nito at may suot rin itong maliit na parang korona na kulay gold sa kanyang ulo. I won't deny the fact that she looks like a real goddess.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now