Chapter 57: They're Back

22.9K 708 66
                                    

Sunny's POV


Hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang kumuha ng kamay ko at hinatak ako.

Tignan mo 'to. Akala ko ba makikichismiss pa sila sa likod?

"Hoy saan mo ako balak dalhin? Papasok na ako sa classroom." Sambit ko kay Kiana.

"You still got a story to tell." Sagot nito ngunit hindi niya man ako liningon at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

"Milky ilang oras pa ang natitira bago magsimula ang klase?" Tanong ni Kiana kay Milky.

Nanlaki ang aking dalawang mata nang biglang sumulpot si Milky sa tabi ko at nakatingin ito sa kaniyang relo.

"We only have thirty minutes left." Sagot nito.

Gulat rin akong napalingon sa kabila ko nang biglang magsalita si Babob.

"Orayt! May oras pa para magkwento si Kitty, diba?" Nakangiting tanong nito sa akin.

"Hindi ba pwedeng mamaya na lang?" Tanong ko ngunit isa lamang ang isinagot nila sa akin.

"No."

Napalunok na lamang ako habang pinagtutulungan ako ng tatlong bakekang.

Secret ba dapat yung tungkol sa fake girlfriend o hindi?

~>~>>~>

Pagkarating namin sa classroom ng Athena ay kaagad kaming umupo sa upuan bago ko ikinwento sa kanila ang tungkol sa deal namin ni yelo kahit na hindi ako sigurado kung pwede bang ikwento 'yon sa kanila o hindi. Oh well, pwede na siguro since tapos na rin yung pagiging fake girlfriend slash slave ko sa kaniya, diba?

Nung una ay nagalit sila na kulang na lang ay isugod na nila si yelo. Sumunod naman ay nagulat sila hanggang sa nalungkot at nang natapos ko na ang kwento ko ay muli nanaman silang nagalit na kailangan ko pa silang pigilan para lang hindi na nila tuluyang sugurin si yelo.

"Walang 'ya ang lalaking 'yon! Akala mo kung sinong masungit at malamig pero parehas lang pala sila ng manyak niyang kaibigan. Hindi na ako magtataka kung bakit naging magkaibigan ang dalawang demonyo." Inis na sambit ni Kiana.

"Hindi lang 'yon. Kasalanan rin ni Brattina. Kung hindi sana siya umepal sa love story nila Kitty, eh di sana may happily ever after na sila." Nakabusangot na saad naman ni Babob.

"Ssshh... Ano ba kayo? Hinaan niyo naman yung boses niyo. Buti na lang may kanya-kanya silang mundo. Kahit na naiinis rin ako kay Steven ay ayoko naman marinig ng iba yung tungkol doon dahil baka gawin nanaman tayong center of attention." Pagtukoy ni Milky sa mga kaklase naming busy nakikipagdaldalan.

Sabay na bumulong ng "Sorry" ang magkapatid bago nagpeace sign.

"Eh ikaw? Paano mo nalaman ang totoong ugali ni Brattina? May ginawa ba siya sayo?" Kunot-noong tanong ko kay Kiana ngunit umiling muna siya bago nagsalita.

"It's not me. She didn't do anything to me."

"Eh 'yon naㅡ"

"But she did something to Keanne." Seryoso nitong sagot na ikina-gulat namin kaya lumipat ang aming tingin kay Babob.

"What happened?" Tanong ni Milky.

Napabuntong-hininga muna si Babob bago siya nagsalita.

"It all started when we were Grade Eight. Malapit na kasing matapos ang break time namin at hindi ako pwedeng malate sa next subject namin kasi mukhang halimaw ang teacher naman n'on dahil sa pagka-terror niya. Hindi ko kasama si Ate Kiana kasi magkaiba kami ng section n'on. I was busy running going to our classroom while holding my iced coffee na kalahati na lang ang laman."

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now