Chapter 29: Mr. Willford

30.1K 993 45
                                    

Sunny's POV


Nang makabalik na kami sa academy ay bumungad sa paningin namin ang nakaupong mga estudyante sa bleachers ng gym.

"Sunny!/Ms. Cutie!" Sabay na tawag sakin ng magkambal.

Nakita ko silang nakatayo at winawagayway ang kanilang mga kamay habang nakangiti.

Gaganti rin sana ako ng ngiti nang bigla akong hilain ni yelo papunta sa pwesto nila.

Sandali... Kailan pa naging Sunny o Ms. Cutie si yelo?

Nang makarating na kami sa pwesto nila ay bigla na lamang nawala ang mga ngiti ng magkambal at sabay silang umupo.

Umupo na rin kaming dalawa ni yelo ngunit muli akong napatingin sa magkambal na seryosong nakatingin sa harap.

Hindi ko alam kung nagmamalik-mata lang ba ako o sadyang may bahid na lungkot ang ekspresyon ng kanilang mga mata.

Muli akong napatingin kay yelo ngunit hindi katulad ng dalawa ay wala talagang mababakas na emosyon ang mukha nito kahit i-magnifying glass mo pa o lakihan ang grado ng salamin mo.

Maya-maya lang ay nakita kong naglalakad papalapit dito si Milky ngunit kaagad ring nagseryoso ang ekspresyon ko nang makita ko kung sino ang kasama niya.

Umupo ito sa tabi ko habang umupo naman si Demon sa tabi ni yelo.

"Bakit mo siya kasama?" Seryoso kong tanong kay milky na ngayon ay parang nanigas sa kinauupuan niya.

Napakunot-noo ako sa inaakto niya.

Magsasalita pa sana ako ulit nang biglang magsalita ang principal namin.

"I know you're all wondering why we gathered you here at the gym. Well, we'll just be announcing a short announcement so please do listen. We all know that the acting president of this academy is the son of Mr. Willford who is Mr. Steven Willford. However, yesterday we just received a call from the secretary of Mr. Willford. We were shocked to know about the unexpected news but we're also happy about it. Dear fellow students, it's my honor to announce that the President of the Willford Academy is finally back. Let us all welcome, Mr. Jayden Willford." Masayang sinabi ng principal namin.

Nagsimula na kaming pumalakpak nang may isang matangkad at maputing lalake na naglalakad papunta sa stage.

Eh? Ito na ba talaga si Mr. Willford? Ang tatay ni yelo?

Bakit parang magkapatid lang sila ni yelo?

Ang karisma,  matipunong katawan at hitsura niya ay hindi pangforty.

Mukhang pangtwenty-five kung pagmamasdan mo siya ng buo.

Medyo nakakaintimidate rin ang hitsura niya. Hindi mapagkakaila na magkamukhang-magkamukha sila ni yelo. Ang pagkakaiba lang ay medyo maangas ang dating ni yelo hindi katulad ng sa tatay niya na medyo may pagkastrikto ang dating.

Tumigil ito sa paglalakad nang makaharap na siya sa amin at nagsalita.

"Since I'm now here, obviously my son will now stop acting as the president of this academy. However, he still has the right to discipline the students who are hard-headed. Again, I'm Jayden Willford, the president of the Willford Academy. Thank you and you may now all go back to your respective classrooms and follow your regular schedules." Paga-announce nito bago tuluyang tumalikod.

Hindi kami kaagad tumayo hanggang sa kami na lang ang natitira sa gym. Umalis na sila milky, Demon at ang kambal dahil may aasikasuhin pa daw sila.

Tumayo na kaming dalawa at akmang maglalakad na kami paalis nang may biglang nagsalita sa malamig at medyo mapang-asar na tono.

"You know son, it's a bit rude to leave this place with your girlfriend without even introducing her to me."

Sabay kaming napalingon at bumungad sa harap namin ang mapang-asar na ngisi ni Mr. Willford.

Lumingon ako kay yelo at nakita ko siyang nakatingin ng masama sa tatay niya at medyo iritado rin ito.

May problema ba ang mag-amang 'to?

"Care to introduce her to me, my son?" Nakangising tanong ni Mr. Willford sa anak niya na mas lalong ikinairita ni yelo.

Ba't ba palaging naiirita  si yelo sa ama niya?

May problema ba 'to sa utak o sa buhay?

Baka naman nakasumpong ang PMS niya? 

Bigyan ko kaya ng napkin 'to? Baka biglang matagusan eh. Saktong-sakto, all night with wings ang dala ko. Tama! Ibibigay ko 'yon sa kanya mamaya!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JamieeeBlue<3

Ms. Pambara meets Mr. Pilosopoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن