Chapter 53: Bonding

27.9K 1K 139
                                    

Sunny's POV


"Kayo ah. Ano 'yan? Gumagawa kayo ng milagro dahil lang wala kami? Aba naman! Buti na lang pala naisipan naming pumunta dito kung 'diㅡ"

"Shut the fuck up, Berde or do you already want to dig your own grave?" Malamig na tanong ni yelo na ikinalunok ng malalim ni Berde bago humarap sa kakambal niya

"Asul! Samahan mo nga ako sa bar at magpakalasing tayo. Heartbroken ako ngayon dahil mas pinili ni captain si Ms. Cutie kaysa sa akin. It hurts you know." Madramang sinabi ni Green habang nakahawak sa kanyang dibdib. Ngunit kaagad rin siyang napahiyaw sa sakit nang bigla siyang binatukan ni Blue sabay sabi ng "Gago!

"Ang bad niyo sa akin! Pinagtutulungan niyo ako. Mas maganda pang," hindi nito natuloy ang kanyang sasabihin dahil mabilis nitong hinubad ang kanyang sando bago muling nagsalita. "Magpakalunod na lang ako dahil sigurado naman akong walang sasagipㅡ" Hindi nanaman nito natapos ang kanyang pagdadrama nang may biglang tumulak sa kanya papunta sa pool.

Mabilis na umahon si Berde sa tubig at pinunasan ang kanyang basang mukha gamit ang kanyang kanan na kamay bago masamang tinignan ang taong nagtulak sa kaniya.

"You bitch, why did you push me?!" Inis nitong tanong na ikinangisi lamang ni Kiana.

"Kung gusto mo kasing magpakamatay kaagad, wag ka nang dumada! Wala rin naman makikinig sa madrama mong buhay." Balewalang saad ni Kiana na ikinainis lalo ni Berde kaya mabilis itong umahon sa pool na ikinatakbo kaagad ni Kiana palayo kaya nagsimula na silang maghabulan.

Sunod ko namang sinulyapan ang pwesto ni Milky at napakunot-noo ako nang makita ko ang pamumula ng mukha nito habang tinutulungan siya ni Demon na alisin ang suot niyang malaking t-shirt.

Akmang pupunta na ako sa gawi nila nang may biglang bumulong sa aking tenga.

"Let them be. Don't worry 'bout your best friend. She's in good hands. Do you want me to help you get out of this pool?" Mahinang tanong ni yelo na ikinatango ko bago niya ako hinawakan sa aking kamay at nagsimula nang maglakad paalis ng pool.

Pagkaalis namin sa pool ay kinuha niya ang kanyang phone sa bulsa ng jacket niya at mukhang may tinawagan ito. Hindi rin nagtagal ay pinatay na nito ang tawag at inilapag ang phone niya sa upuan kung saan rin nakalagay ang jacket niya.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay may dumating na dalawang babae na may kanya-kanyang dala. Ang isang babae ay may hawak na mga puting twalya samantalang ang isa naman ay may hawak na mga puting robes.

Inilapag nila ang mga ito sa mesa bago humarap kay yelo at bahagyang yumuko atsaka umalis.

Eh? Bakit kailangan pa nilang yumuko kay yelo?

Tatanungin ko na sana si yelo nang may biglang sumigaw.

"Ahhh! Pucha ka! Ayoko na! Wag mo na akong habulin! Malapit na akong madulas!" Sigaw ni Kiana ngunit dahan-dahan na lamang itong tumatakbo dahil basa ang sahig.

Mala-demonying napangisi si Berde dahil malapit na nitong mahabol si Kiana.

"Run, babe. Run! Don't let me catch you." Pilyong sinabi ni Berde.

Magsasalita pa sana si Kiana nang bigla siyang madulas ngunit imbes na dumiretso ito sa sahig ay mabilis itong yinakap ni Berde.

"Gotcha! Now, what shall I do next?" Nakangising tanong ni Berde habang nagpupumiglas si Kiana sa kaniyang yakap.

"Ahh! I know!" Masaya nitong sambit bago siya tumalon sa pool kasama si Kiana dahil yakap-yakap niya ito ngunit bago pa sila mahulog ay nakatanggap muna ng malutong na mura si Berde kay Kiana.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon