Chapter 67: Date

22.1K 792 151
                                    

Sunny's POV

After ng klase namin sa Biology ay nagsimula na ang lunch time namin kaya kaagad naming linigpit ni Louise ang mga gamit namin atsaka lumabas na sa room. Naabutan namin sila Kiana at Keanne na naghihintay sa labas ng room habang nakangiti sa amin. Sinuklian naman ni Louise ang ngiti nila samantalang ako naman ay naglakad na papunta sa canteen ngunit bago ako naglakad paalis ay hindi nakaiwas sa aking paningin ang malungkot nilang ekspresyon habang nakatingin sa akin.

Nang makarating na kami sa canteen ay kaagad na naghanap ng upuan ang magkapatid samantalang kami naman ni Louise ay nagpila na para makapag-order ng pagkain. Nung ako na ang mag-oorder ay napansin ni Ate beng na ang mood ko ay hindi na katulad ng dati na masiyahin subalit hindi na lamang siya nagsalita. Nang ibigay niya ang mga inorder ko ay nagulat na lamang ako nang makita kong may linagay siyang isang cookies and cream na ice cream na may Hello Kitty chocolate sa taas. At may nakita rin akong note na nakaipit sa may baba ng bowl ng ice cream.

Lumambot ang aking puso dahil sa aking nabasa, "Don't allow your wounds to transform you into someone you are not. Good day! :)"

Muli ko siyang tinignan at nakita ko siyang nakangiti sa akin kaya nginitian ko rin siya at nagpasalamat bago ako pumunta sa may cashier para magbayad.

Pagkatapos kong magbayad ay sabay kami ni Louise na pumunta sa may table namin kung nasaan sila Kiana at Keanne.

Ibinaba namin ang tray na hawak namin sa may mesa at inilapag ang mga pagkain na inorder namin. Nang malapag na namin ang lahat ng pagkain namin sa mesa ay si Louise na ang nagvolunteer na ibalik ang dalawang tray. Nagsimula na kaming kumain nang makabalik na si Louise sa upuan niya.

Tahimik lamang akong kumakain habang sila naman ay nag-uusap. Hindi na bago sa akin ang kaganapan na 'to dahil nakagawian ko na rin ang kumain lang ng tahimik pero sa tingin ko hindi pa rin sila sanay sa akin kasi palaging hindi natatapos yung pinag-uusapan nila dahil palagi silang lumilingon sa akin at tatahimik nanaman sila. I once tried to tell them to continue their conversation but they didn't even budge so I just shrugged my shoulders and continued to eat.

Nang matapos na akong kumain ay naubos na rin ang inumin ko kaya tumayo muna ako dala-dala ang aking baso at naglakad papunta sa may water dispenser upang magrefill ng tubig.

Nang mapuno ko na yung baso ko ay bigla umingay sa paligid pero hindi ko na lamang ito pinansin at ininom ang tubig na nasa baso bago ko inilagay sa mga lalagyan ng mga nagamit na baso at bumalik sa mesa namin.

Ngunit pagkabalik ko sa mesa namin ay nakita kong nakaupo sa upuan ko si Green samantalang nakaupo naman sa may bakanteng upuan si Blue. Kinakausap nila ang tatlo pero mukhang wala silang balak pansinin ang magkambal. Kaya pala bigla umingay dito dahil lang sa kanila. Siguro ay naramdaman nila ang presensya ko kaya sabay nila akong liningon. Gulat ang kanilang mga ekspresyon nang makita ako at akmang tatayo na sila nang pigilan ko ang mga ito.

"No. Stay. Aalis na rin ako dahil tapos na akong kumain. The two of you can talk to them. It's not like I forbid you to be with them. Yes, I may be angry with the two of you, but I'm not a selfish and cruel bitch." Malamig kong wika sa kanila bago naglakad paalis. Akmang sasabayin pa ako ng tatlo nang lumingon ako sa kanila at umiling. Nakuha naman nila ang gusto kong ipahiwatig kaya muli silang umupo sa kanilang upuan. Maglalakad na sana ako ulit nang bigla kong narinig na nagsalita si Blue.

"Sunny, Steven wants to talk to you at his office." Sambit nito ngunit hindi ko siya liningon at tinuloy na ang aking paglalakad paalis sa canteen.

Now what does he want?

~>~>>~>

Kumatok ako ng dalawang beses sa pintuan ng opisina niya bago siya sumagot.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon