Chapter 2: Ms. Pambara

72.6K 2.3K 354
                                    

Sunny's POV


"Milky tawag na ako ni mother nature! Kailangan na nating bilisan bago pa magwala si mother nature!" Hindi mapakaling saad ko habang nakahawak ako sapwet ko na para bang anytime ay lalabas na ang pupu ko. 

"Ha!? Naku! Sige! Sige!" Natatarantang sagot naman ni Milky at dali-dali akong hinila para hanapin ang C.R.

Ganyan kami ni Milky. Basta't kapag ang usapan ay tungkol na kay mother nature ay dali-dali kaming kikilos papuntang BANYO! 

Medyo hindi naman kami nahirapan sa paghahanap ng C.R may mga signs naman na nakalagay eh parang sa mall lang.

Nakarating na kami sa restroom at ginawa ko na ang ritwal ko. Kumpleto ang mga gamit nila dito at hindi lang 'yon. Ang linis at ang bango pa ng C.R kahit ilang beses ka pang tawagin ni mother nature ay hindi ito magngangamoy. Meron ata silang exhaust ba 'yon? Yung parang electric fan tapos linalabas nito ang amoy.

Ginawa ko na rin ang ritwal ko pagkatapos akong tawagin ni mother nature.

Nakita ko si milky na naghihintay sa labas.

"Success?" Tanong niya sa akin.

"Success na success." Nakangiting sagot ko naman sa kanya.

Umalis na kami at pumunta na sa classroom subalit pagkapasok namin ay nagsimula nang tumawa ang mga kaklase namin.

"Eh? Anong nakakatawa?" Tanong ko kay Milky.

"Hayaan mo na lang sila Kitty. Nababaliw na sila. Nakasingot siguro."

"Nakasingot ng ano?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Rugby?" Hindi niya siguradong sagot sa akin na ikinaisip ko.

"Linoloko mo ba ako Milky?" Seryosong sambit ko sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya.

"Ano?!" Gulat niyang tanong sa akin.

"Paano nila sisingutin ang rugby eh laro 'yon." Nakangusong sagot ko sa kaniya na ikinataka niya hanggang sa bigla siyang tumawa.

"Hahahaha! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin Kitty. Rugby na pangdikit sa sapatos."

"Pffft.. Ahmm... Excuse me, wala po ba kayong balak umupo Miss Beautiful and Miss... pffft..  Hello Kitty?" Tanong ni tarsier este ni boy.

Umupo na kami sa upuan namin sa may dulo. Ako ang malapit sa bintana at si Milky naman ay katabi ko.

"Waaah... Narinig mo 'yon? Narinig mo 'yon? Tinawag niya akong Miss Hello Kitty!" Masayang sinabi ko kay milky.

"Oo pero Kitty, wag kang masyadong maflatter sa sinasabi nila. Kung para sayo compliment ang sinabi niya pero para sa kanya ay isang malaking joke 'yon."

"Joke? Anong ibig mong sabihin? Na hindi ko kamukha si Hello Kitty?"

"Kitty, hindi mo naman talaga kamukha si Hello Kitty eh dahil tao ka hindi ka isang animation na pusa. Pero kung ako ang tatanungin kung sino ang mas cute? Hindi na ako magdadalawang isip na ikaw ang piliin ko."

"Mafaflatter na ba ako sa compliment mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Ha? Bakit mo naman natanong?"

"Eh diba kakasabi mo lang na wag dapat ako basta-basta na mafaflatter sa mga compliment nila sa akin." Inosenteng sagot ko sa kaniya na ikinangiti niya.

"Oo naman, pwede kang maflatter. Ang ibig ko lang sabihin ay ang mga compliment ng IBANG tao. Alam mo na, madaming plastik diyan sa tabi-tabi. Pakalat-kalat lang." Sagot niya na ikinalito ko lalo. Itong si Milky walang tamang daan sa pagsagot. Paliko-liko yung mga sagot niya sa akin.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora