Chapter 23: Playboy

37.4K 1.1K 265
                                    

Green's POV


Para akong naparalyze sa kinatatayuan ko.

Para akong tanga na hindi pa rin nakakaget over o move on sa nangyari kanina.

Yung tipong nagmala-tarsier ang dalawa kong mata tapos ngangang-nga-nga yung bibig ko.

Alam kong para akong timang na gwapo pero sino naman kasing makakalimot kaagad sa trahedyang 'yon?

Kung ako nga hindi pa nakakamove on sa nangyari, kamusta naman ang mga sawi sa pag-ibig? Ang mga broken-hearted na hirap na hirap magmove on, diba?

Pucha. Pakialam ko ba sa kanila? Hindi ko naman alam ang pinagdadaanan nila eh. Basta ako, maghahanap ng panibago kong sisiw mamaya. Hihi...

Kidding aside, kung ako nga hindi pa nakakamove on sa nangyari, kamusta naman ang BJ ni captain?

Mas lalong hindi makakamove on 'yon sa nangyari sa kanya kanina.

Ang hirap kayang makarecover pag si BJ ang sinaktan.

'Lang 'ya! Ang lakas talagang makahawa ng BJ ni Ms. Cutie.

Akalain mo ba namang tawaging Berde ang napakatalino kong utak?

Ano ba naman kasing magagawa ko, eh sa 'yon ang unang salita na pumasok sa utak ko?

Hindi ba alam ni Ms. Cutie na ang favorite letters ko sa alphabet, eh yung BJ?

Kasi ayon sa napakatalino kong utak, BJ stands for Blo—

"Steven." Tawag ni demonyo kay captain.

"What?" Iritadong tanong ni captain dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ang BJ niya pero dinadampian niya naman ito ng ice bag.

Uy! Nakapantalon si captain, ha. Mga inosenteng-kuno dyan, alam ko na ang tinatakbo ng isip niyo na may malawak na imahinasyon. Tsk. Tsk. Tsk.

"Ms. Mendez and her bitch friends are plotting something on Ms. Villegas." Report ni demonyo.

Kung hindi ko lang kilala ang dalawang panget na 'to baka pinagkamalan ko pa silang magkambal kasi palaging magkasundo ang dalawang 'to, dinaig pa kami ni Asul.

Akala ko ay mas lalong maiirita si Captain sa sinabi ni demonyo pero mukhang mas nasiyahan pa 'to sa nalaman niya dahil kitang-kita ko ang ngisi niya.

Shit!

Itong ngising 'to! Alam na alam ko 'to!

Ito ang ngising kikilabutan ka dahil alam na alam mong may binabalak nanaman itong masamang kalokohan.

Naku po! Nakalimutan kong wala palang sinasanto 'tong si captain!

Lalo na ngayon, siguro hindi bad trip ang nababagay na salita sa aura ni captain ngayon dahil mukhang mas malala pa sa bad trip. Parang sinasaniban na ewan.

Masamang espiritu! Umalis ka dyan sa katawan ni captain! Masamang espiritu! Umalis ka dyan sa katawan ni captain!

"Let them." Maikli ngunit maotoridad na sagot ni captain.

Nanlaki ang dalawa kong mata sa sagot niya.

Jusko! Hindi tumalab ang pagtataboy ko sa masamang espiritu sa katawan ni captain. Siguro dahil wala akong dalang bawang, holy water, krus at bibliya kaya hindi tumalab.

Pero pochi! I won't deny the fact that I'm a playboy and I love playing with girls but fvck! Hindi kaya ng konsensya ko na may babaeng masasaktan physically!

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon