Chapter 70: A Mother's Affection

25K 955 303
                                    

Irene in Red Velvet as Brattina De Vera

Jungkook in BTS as Phoenix Walker

V in BTS as Zander Del Fuerte

Jin in BTS as Dylan Vox Lim

Jimin in BTS as Landon Vex Lim

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sunny's POV

Pagkatapos naming manghingi ng aguinaldo kahapon sa mga ninong at ninang namin, napagdesisyunan naming pumunta ng mall ngayon para gastusin ang mga perang binigay sa amin. 'Yun nga lang si Milky lang ang kasama ko ngayon kasi kaming dalawa lang yung binigyan ng mga aguinaldo kahapon. Sila kuya... Hindi ko alam kung nasaan sila dahil sa pagkakaalam ko ay tinatakasan nila ang mga inaanak nila. May inaanak rin ako pero dahil hindi ko kaugali ang tatlo kong kuripot na kuya ay binigyan ko ng aguinaldo ang mga inaanak ko. 'Yun nga lang yung mga perang binigay ko sa kanila ay galing rin sa mga aguinaldo ko kaya hindi na buo yung pera ko ngayon. Hehe... At least hindi ko sila tinakasan diba?

Milky na ulit ang tawag ko kay Louise sa ngayon dahil hanggat maaari ay ayaw ko na munang isipin ang mga bagay na magpapasakit lang sa ulo at puso ko. Hey, we all need a break from our problems sometimes.

Parehas kaming nakasuot ng jumper shorts at sa pang-itaas naman namin ay polo shirts. Sa akin ay kulay pink samantalang kay Milky naman ay color purple. Parehas rin kaming nakasuot na converse na low cut na color white. We also have the same crossbody bag yun nga lang baliktad naman ang kulay n'on. Sa akin ang purple at kay Milky naman ang pink. See? We look like twin sisters.

Pinagtitinginan kami ng mga tao sa mall pero wala naman kaming pakialam. Malay ba namin kung masyado silang nakyukyutan sa get up naming dalawa? We're here to shop till we drop, not to gain some attention.

Una kaming pumasok sa isang boutique at namili ng mga ilang damit. Pagkatapos namin doon ay sunod naman kaming pumunta sa NBS para bumili nanaman ng bagong libro. Tulad ko ay mahilig ring magbasa si Milky hindi lang talaga halata. Nang makahanap na kami ay binili na namin ito at lumabas na ng bookstore.

Masaya kaming nagkukwentuhan habang naglalakad nang may biglang tumawag sa akin.

"Sunny? Sunny Villegas?" Liningon ko ito at may nakita akong isang babae na nakatayo na hindi naman kalayuan sa pwesto namin.

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Milky na magsalita habang naglalakad papalapit sa amin ang babaeng mukhang diyosa. Seryoso. Ang ganda niya. Parang mas nagmumukhang matanda pa ako kaysa sa kaniya. Nakakahiya tuloy...

"Mrs. Willford?" Hindi siguradong wika ni Milky pero nang makalapit na sa kinaroroonan namin ang babae ay biglang napatakip sa bibig si Milky na para bang bigla lang siyang linapitan ng isang celebrity.

"Hi! You're Louise Fuentes, right? While you are Sunny Villegas, am I right?" Nakangiting tanong niya sa amin na ikinatango lang namin.

"Omg! Kayo nga po talaga ang mabait at sobrang ganda na asawa ng may-ari ng school na si Mr. Jayden Willford. Matagal ko na po kayong gustong makita ulit sa personal." Masayang sagot niya na para bang nabana siya. Natawa naman sa kaniya si Mrs. Willford bago ito muling nagsalita.

"Ikaw yung babaeng tumulong sa akin noon na magbuhat ng mga gamit ko diba? Nakakatuwa namang marinig sayo 'yan. Madalang lang kasi ako bumibisita sa Academy dahil medyo busy rin ako sa bahay at sa pagtulong sa asawa ko sa mga business namin." Nakangiting sambit nito sa amin.

"Saan kayo pupunta niyan?" Tanong nito sa amin na ikinasagot ko naman. Siyempre kahit hindi ko naman talaga siya kilala, hindi pwedeng magmamala-pipe ako dito. At infernes, ang ganda niya talaga. Hindi nakakasawang tignan. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit may maipagmamalaki naman si yelo pagdating sa physical appearance niya dahil galing siya sa pamilyang may magandang lahi. Ang nakakapagtaka lang ay saan niya galing ang ugali niya? Mukha namang mabait ang nanay niya. Ang tatay niya naman ay mukhang... mabait rin dahil unang beses ko pa lang siya nakausap nung nasa office niya kaming dalawa ni yelo.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now