"Congratulations, you're 3 weeks pregnant!" Galak na pahayag ni Doktora sa amin.
Teka lang, totoo ba to? Walang halong ka echusan? B-buntis talaga ako? Teka, paano? Hindi ako makapaniwala.
Kagabi palang ako nakitaan ni Chard ng sinyales eh. Agad-agad talaga? Wala man lang pa voice over signal na 'Huy, wag kang mabibigla ha! Juntis ka po at ang magaling mong asawa ang ama.' Nakakaloka to! Unprepared ako sa sinabi ni dra.
"Thank you po, Dra." Seryoso pero halatang excited na tugon ni Chard sa kanya. Masaya siya?
"Buntis ako." Yon ang mga naging unang kataga ko pagkapasok ko sa sasakyan.
"Tayo." Pagtatama ni Chard habang hindi pa din nawawala ang mga ngiti sa mga labi niya.
Masaya nga siya. Masaya... Masaya... MASAYA DIN AKO!! O my good! Bakit ngayon ko lang to na realize? Bakit kanina sa loob parang naging plastik ang pakikitungo ko kay doktora matapos niyang ihayag sa amin? O my good! Buntis nga ako!
"May laman na ang tiyan ko! Hindi kanin! Tao na!!" Hindi ko mapigilan ang mapasigaw at mapaluha.
Tumawa naman ng malakas si Chard sa sinabi ko. "Yes and we are going to be a family soon."
Oo nga, magiging nanay at tatay na kami ni Chard. Well, naging nanay at tatay din naman kami ni Athens pero iba pa din yong galing talaga sa inyo, diba? Yung pinaghirapan, pinagpawisa—Ay sorry, SPG. Basta yon na yon.
Agad kami nagtungo sa mall ni Chard para mamili ng mga vitamins at iba pang kailangan ko para sa pagbubuntis.
"I can't believe this! Noon, napkin ang binibili ko... ngayon, gatas na para sa buntis! Iba rin pala talaga pag galing sa katas mo ano? Nakakagalak!" Hagikhik ko na bulong kay Chard.
Napatingin tuloy si Chard sa akin na nakakunot ang noo. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Tumingin ako sa paligid, may iilan palang mga namili dito sa section na pinuntahan namin at mukhang narinig nila ang sinabi ko dahil tumatawa sila ng palihim... nahalata ko naman.
Bahala kayo diyan! Basta kami, masaya! Bleee.
Hapon na nang makauwi kami. Kung ibang pagkakataon pa ito siguradong pagod kaming dalawa ni Chard pero sa balita na natanggap namin kanina, walang mapaglagyan ang pagod dahil mas nangingibabaw at napuno kami ng kasiyahan.
Pero napahinto kami sa hallway malapit dahil may nakita kaming nakaabang na babae sa harap ng pinto namin.
Nagbago ang ekspresyon ni Chard. "Why are you here?! Bawal ka dito. Sino ba ang nagpapasok sa iyo?"
"Ch-Chard, I am not here para manggulo. G-gusto ko lang sana kayong makausap." Pagsusumamo ni Lianna, anak ni madam Z.
Hinawakan ko agad ang braso niya para pakalmahin. "Okay, maybe its not good to talk with her here. Yayain na natin siya sa loob." Pabulong at pakalma kong pahayag sa kanya pero binigyan niya lang ako ng makahulogang tingin. Parang pinapahiwatig niyang hindi maganda ang suhestyon ko.
"No, we will talk here. Bakit ko naman papapasukin ang mga taong sumira ng pamilya ko sa loob ng pamamahay ko? Madudumihan lang yon. Ayoko." Madiin niyang sabi. Haaay, here we go again. Umaariba na naman ang pagka maldito nitong asawa ko.
Napakagat naman ng labi si Lianna at ibinaling ang tingin sa ibang deriksyon para di maiyak sa sinabi ni Chard.
"Ano bang gusto mong sabihin? Bilisan mo na!"
Napalunok si Lianna bago niya kami tinignan ulit. Nangingilid na ang mga luha biya pero pinipigilan niya pa din ito. "Bilis! I still have a lot of things to do. You are just wasti—" hinila ko na ang braso niya para tumigil na siya at buti nalang tumahimik siya.
Pero nagulat ako nang biglang lumuhod si Lianna sa harap namin at humagulhol na sa iyak. Nako naman!
"I'm so sorry! Sorry sa lahat ng nagawa ni mommy sa inyo. Sorry dahil nasira namin ang pamilya niyo. Sorry." Halos pasigaw na sabi nito sa amin.
Hindi sumagot si Chard. Hindi nagbago ang ekspresyon niya at nakayukom pa din ang mga palad habang tinitignan ang nagmamakaawang babae sa harap namin.
"Alam kong hindi niyo pa kami mapapatawad sa ngayon pero hindi ako titigil at hindi ako magsasawang maghingi ng tawad sa inyong lahat lalong lalo na sa daddy." Pahayag niya. "At first it was really not our intention to hurt you and your sisters pero... pero nangyari talaga and pinagsisihan ko na hindi ko napigilan si mommy sa mga plano niya. I am really sorry for causing your heartaches." Hagulhol pa din ni Liana.
Parang nadurog ang puso ko habang pinagmamasdan ko siyang nakaluhod sa harap namin. Anak din kasi a ako at may magulang din. It takes a courage to do this in behalf sa nagawang kasalanan ng ina niya. Hindi siya makatingin sa amin habang panay pa din ang iyak niya.
I know she is sincerely asking for forgiveness at kung ako ang ipapa desisyon? papatawarin ko na silang dalawa dahil sino ba naman ako diba para hindi magpatawad? Pero alam ko din naman na malaki din ang naging epekto ng mga ginawa ni madam Z sa pamilya nila sa Chard at sa amin... kaya maiintindihan ko kung ipapahupa muna ni Chard ang lahat ng puot at galit na nararamdaman niya sa kanilang dalawa.
"If you are done talking, pwede ka ng umalis." Malamig na tugon ni Chard sa kanya at walang pag-alinlanga'y pumasok na siya sa loob ng unit namin.
Haay.
Tumayo na din si Lianna ilang saglit at inayos niya ang sarili niya bago ako hinarap. Her eyes were red at magang-maga na talaga ito sa kakaiyak pero she managed to smile at me. "S-sige Maine. Alis na ako. S-orry talaga." Her voice is still shaking.
Bago pa man siya makalayo ay tinawag ko siya at ako na mismo ang lumapit sa kanya. "Lian, Hindi muna siguro ngayon... maybe soon. Hintayin natin ang araw na he can finally talk to you. Yung wala ng galit. Okay? Ipapahupa muna natin ang lahat. Hindi naman ganon kasama si Chard para hindi magpatawad ng tao. Just give him time to heal from everything."
Sumilay ang konting sigla mula sa mukha niya. "Th-Thank you Maine. Thank you." Wala din naman akong nagawa kundi ang ngiti-an siya.
"What took you so long?" Bungad ni Chard sa akin pagkapasok ko pa sa unit namin.
"Hinatid ko lang si Liana sa baba tsaka pinainom ko na din ng tubig sa restaurant." Rason ko.
"Ah." Yon lang ang naging sagot niya at ibinaling ulit ang atensyon sa magazine na binabasa niya.
Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang seryoso niyang mukha. Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya and I lean on his chest. I really don't need to talk to him about what happened earlier dahil sa pamumukha palang niya at sa reaksyon ay alam ko na ang nararamdaman niya.
"Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo... Maybe soon. But not now." Pakalma niyang sabi sa akin.
Ang mga katagang yon ang nagpabigay ulit ng sigla at ngiti sa mga labi ko. Sabi ko na nga ba! Tama ako! Haay, kahit papano, mabait pa din pala talaga tong naging asawa ko. Hihihi
There is a time to get hurt & a time to heal.
•••
Promise Epilogue na talaga ang sunod. 😅
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
