61 • Guilty

1.6K 162 25
                                        

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at inayusan ko na ang sarili ko. Ito na Maine. Magkikita na kayo. Matapos ang apat na taon... magkikita na ulit kayo ng lalaking minsa'y naging rason ng yung kasiyahan at nagpatibok ng iyong puso.

Tumunog ang phone ko. Si miss Sheena. Hudyat na ito para bumaba ako sa ground floor dahil naghihintay na siya sakin.

"Hi!" Bati niya sakin. May ngiti sa kanyang mga labi.

"Hello po. Good morning." Bati ko din sa kanya sabay bukas ng pinto ng sasakyan.

Tahimik lang kami habang bumabyahe patungo sa kinaruruunan ni Chard. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nangyari sa kapatid niya pero nahihiya ako. Iisipin ko nalang kung ano ang mga dapat kong sabihin pagkakita naming dalawa.

"Kumain kana ba Maine?" Basag niya sa katahimikan.

"Opo, tapos na po." Sagot ko.

"Mukhang di yata nagbago ang postura mo ano? Sexy ka pa din kahit apat na taon na ang lumipas." Kumento niya. Naalala niya pa pala din ako kahit isang beses lang kami ng kita. Ilang minuto na din namin binabaybay ang daan.

Napangiti ako ng bahagya. "Nako, hindi naman po. Stress lang talaga siguro kaya hindi ko magawang tumaba. Hehehe"

"Ah." Aniya. Huminto ang sasakyan sa gate na maraming mga pulis. Napasinghap ako. Halos mahuhuromento na ang emosyon ko pati ang kaluluwa ko dahil sa halo-halong nararamdaman ko. So nandito na ata kami. "Si Chard kaya ano? Ano na kaya ang pagmumukha nun. Mahigit dalawang buwan na kasi namin siyang hindi nakikita. Ayaw niyang magpakita samin pag dinadalaw namin siya dito ng kakambal ko at ni daddy." Bungad niya sakin. Halatang may halong lungkot sa pagkasabi niya. Bakit naman? "Siguro ayaw niya kaming makitang malungkot dahil sa sitwasyon niya." Napabuntong hininga siya. Ang lalim nun.

"Okay na po madam." Sabi nung pulis sa labas na nagcheck samin at sa sasakyan. "Pasok na kayo." Tumango naman si miss Sheena at nagtungo na kami sa parking lot. Lumabas kaming dalawa at sabay na pumasok sa loob. First time kong makapasok sa ganitong lugar. Nanindig ang mga balahibo ko ng silipin ko ang mga silda... nakaramdam ako ng awa sa mga nakikita kong mga detainee na siksikan sa loob. Ganito kaya si Richard? Parang tinutusok Ng puso ko. Dios ko, nakakaawa naman.

"Maine, hintay daw muna tayo saglit sa waiting area. Pupuntahan lang nila si bunso."

Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Umupo kami sa isang table na may 6 ka tao ang pwedeng umupo sa silya. Medyo may-amoy pero binalewala lang namin ito.

Halos naluluha na ako dahil sa di ko na malaman na kadahilanan... malamang dahil kay Chard, sa sitwasyon niya at sa kinaruru-unan niya. Sino ba ang mag iisip na mapupunta siya dito sa lugar na to diba?

Halos 10 mins. na maming naghihintay pero ni anino ni Chard ay di pa din namin mahagip. Sana naman magpapakita na siya samin.... sa akin.

Busy naman si miss Sheena sa kausap niya sa telepono. Mukhang tungkol sa trabaho ata. Speaking of trabaho, kamusta na kaya ang Panchito Bar? Sino na ang nag mamanage doon gayo'y nandito si Char...—

May pulis na bumukas ng pintu-an at parang may ginigiya siya mula dito. Napatayo si miss Sheena nang makita ang lalaking nakayuko habang naka posas padin ang kamay.

"Chard..." banggit niya dito. Hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Para akong naistatwa sa nakita ko. Lalaking nakasuot ng orange na Tshirt, maputi, matangkad at... naka-ahit na ang buhok niya.

"Goodness! Bunso! Bakit ganyan na ang ayos mo? Nangayayat ka ng husto!" Bungad ng ate niya sa kanya nang makita ang hitsura nito. Niyakap niya ito ng mahigpit... pero halos malagutan na ako ng hininga dahil sa kaba nang magtama ang mata namin. Mga tingin niyang puno ng pangungulila at sakit. Nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang mga luha habang nakatitig pa din sa akin.

"M-Maine..." aniya. Di ko alam pero nang tinawag niya ang pangalan ko ay parang huminto ang pintig ng puso ko.

Kumalas si miss Sheena sa kanya at palipatlipat ang tingin niya sa amin. "Uh, uhhhm... mukhang marami pa kayong dapat pag-usapan. May kakausapin lang ako sa labas. Kukunin ko din ang mga pinamili ko para sayo Chard." Niyakap niya ulit ang kapatid at umalis.

Alam kung maraming nakatingin sa amin kaya dahan-dahan akong umupo para di makahatak ng atensyon.

Matapos kinalas ang posas niya... unti-unti siyang lumapit habang naka tuon pa din ang tingin niya sa akin. Parang di siya makapaniwala na andito ako ngayon sa harap niya.

"K-kamusta kana?" Panimula ko. Ayaw kong magsayang ng oras baka maubusan kami.

"Ito, nandito." Aniya. Nakakatunaw na ang mga titig niya. "Ikaw? Kamusta?" Balik na tanong niya sa akin.

"H-ha? O-okay lang ako." Tipid kong sagot. Ano ba! Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya.

"Akala ko hindi kana magpapakita sakin. Lalo na ngayon..."

"Sorry." Na blanko ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Uugh! Prinaktisan ko to eh. Bakit wala na akong masabi ngayon?!

"Hinanap kita." Tinubu-an ako ng hiya. Kung sana nasa tamang oras at panahon lang ako para sabihin sayo ang lahat.

"S-sorry." Yun lang ulit ang nasabi ko. Wala na din siyang ibang sinukli na salita kundi ang mga nakakatunaw niyang tingin.

"H-hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba to sa Dios na bumalik ka ngayon o susumbatan ko ba siya dahil bumalik ka na ganito ako..." Huminga siya. "Pero andito naman na pasensya kung sa ganitong sitwasyon mo pa ako nadatnan." May kunting sigla akong narinig sa boses niya.

Nakapagtataka lang. Wala man lang bang galit na namuo sa apat na taon? Hindi ba niya ako susumbatan?

"H-hindi, wag mong isipin yan. An...andito naman na ako ngayon." Maikling sagot ko.

"Sabagay..." at ngumiti na talaga siya ng tuluyan. "Andito kana, ulit. Hindi mo na ako iiwan. Diba?" At dahan-dahan niyang inabot ang kanang kamay ko na nakayukom sa mesa."Diba?"

"O-o." Tumango din ako ng marahan sa kanya. Mas lumapad ang kanyang ngiti.

Ghad! Para ako nabuhusan ng isang drum ng konsensya... bakit umu-o ako? Paano ko na to sasabihin na aalis din ako pagkatapos ko siyang matulungan? Na tatapusin na namin ang lahat ng ugnayan sa isa't isa?

•••
Share me your thoughts. Comment here or tweet me. Ü
Twitter: @sheeshaii021

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now