Kinabukasan, maaga akong nag handa. Nako! Syempre, kailangan maaga kaming makarating doon. Tinawagan ako nung secretary ng anak ni Sir Senior na kailangan nandoon na ako before 5pm. Di daw dapat ma late. Edi sige! Masunurin naman ako. Ika nga nila diba 'first impression lasts' paaaak! Kaya Go Maitot! Kaya mo to. Kayang kaya mo to.
"Couz? Ready kana?" Tanong sakin ni Joyce. Kakatapos lang niyang maligo at ako naman ay panay check sa mukha ko sa salamin.
"Oo, hihihi pero medyo kinakabahan ako couz." Kako, totoo naman talaga. Baka kasi strikto ang anak ni Sir Senior.
"Kumalma ka lang. Lagyan mo yang labi mo ng kunting lipstick para naman di ka mag mukhang bondpaper sa putla doon mamaya." Pabirong sabi niya sa akin. Teka lang. . .maputla ba talaga ako? Di kasi ako sanay na mag lipstick eh. Feeling ko kasi dagdag bigat to sa lips ko. Hahaha shunga lang diba? Pero yun nga. Seryoso nga ako. Pero wala akong choice kailangang mag mukhang ka aya aya ako doon mamaya para naman di ako mapahiya. Ni recommend pa naman ako nung tatay ng namamahala doon. Nako!! Nako! Lang talaga.
Bago kami umalis, nakipag usap muna ako saglit kay tatay at sinabihan siya na okay lang ako dito. Na start na ng training ko as call center representative. Haaay! Ang hirap naman nito. Pero kailangan ko talagang magsinungaling eh. Wala na akong choice kesa naman uuwi ako doon sa probinsya at tutunganga lang.
4:35pm. Yes ang aga namin. Oh diba? Ang gandang panimula to. Hindi ako na late. Hindi ako na leeeet!
"Huy! Couz. . . Okay ka lang? Ready kana?"
Bumuntong hininga ako. Ready naba kaya ako? Hmp! Dapat Ready. Dapat talaga ready.
Bago ako makasagot may gwapong lalaki naman ang lumapit sa amin ni Joyce.
"Hi Joyce. . . Ang aga niyo naman."
"Uh, h-hi Sir Kristoffer. Magandang hapon po. Sinamahan ko lang tong pinsan ko. Siya po yung sinasabi kong mag a.apply po dito." Hinila ako ni Joyce sa gilid niya at ipinaharap sa kausap niya. "Si Maine po pala. . . Mai, ano . . Ka collab ni Sir Junior dito. Si Sir Kristoffer." Pinakilala niya ako. Grabi naman tong lalaking to. Hitsura pa lang maka laglag large and small intestines na. Ang gwapo. Perpekto!
"Oh? I see. Balita ko Tito Rich recommended you personally to Chard. I'm sure makakapasok ka dito." Yung ngiti . . Yung ngiti. Grabi, angelic. Heavenelic, Lechenelic! Ang gwapo! Wait, inilahad niya ang kamay niya para i.shake hand ako. Ang bait naman.
"Maine po. . . Uh, Mai nalang po para mas maiksi." Kinamayan ko na din siya.
"Okay, okay. Uh. Sige Mai, Joyce. . . See you around. In any moment tatawagin kana ni Chard. Nasa loob na din kasi siya. May inaayos lang."
"S-salamat Sir. . . Sige po. See you around din po." Mamula mulang sabi ni Joyce bago tumalikod si Sir Kritoffer at umalis.
"Wow ano yun? Hahaha huy! Joyce! Ang pula mo. . . Hahahaha nakakahiya ka!" Panunukso ko sa kanya.
"Mai naman eh. . . Sssshh. Baka marinig ka! Ang lakas ng boses. Crush ko talaga kasi yun. Tatlong taon na. Imagine? Ang tagal na. Walang nagbago. Ang gwapo talaga kasi tapos ang bait bait pa."
"Halalalala! Mukha nito oh. . . Wag ka nga! Ang lantud mo oi. Hahahaha"
"Grabi ka sa akin. . . Pag ikaw talaga magka crush! Humanda ka! Di kita tatantanan bruha ka! Hahaha!"
"Tsk! Asa kapa. . . Dumayo ako dito para magtrabaho para kay tatay. Hindi para mag landi landi kaya wag mong asahan na magkakaron ako."
"Mag dahan dahan ka babaita! Baka dadating ang panahon na kakainin mo lang ang mga sinasabi mo ngayon."
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
