Isang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
Alas kwatro ng umaga gising na kami lahat pati na din si Athens. Mukhang sobrang excited talaga siya sa araw na to. Ngayon na kasi ang start ng 3 days family outing ng school.
Gabi pa lang ay inihanda ko na ang kailangan naming dalhin para kinabukasan di na kami magkakaproblema ng husto sa pag aayos at pag impake.
"Tita? Ready na po ako!" Galak na sabi ni Athens nang makalabas na siya sa silid. Naka pants siya, T-shirt at naka baseball cap na din siya. Halatang pinaghandaan niya talaga ito.
"Wow! Ang ganda naman ng baby girl ko." Kako. "O, siye sige. Help me wrap this sandwiches para naman may snacks tayo later." Sa walang pag alinlangan ay nilapitan niya agad ako at tinulungan. Isa din kasi ito sa nga bonding namin noong mga nakaraang araw. Gumagawa kami ng iba't ibang klaseng desserts na madali lang gawin o di kaya mga sandwiches na natutunan din naming dalawa sa internet.
Pagkatapos naming ihanda ang lahat... nagtungo naman ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko.
"Maine? Can I come in?"
"Sure. Pasok ka, patapos na din naman ako dito." Kako.
Umupo si Chard sa kama habang ako naman ay panay lagay ng mga kakailanganin kong gamit sa bag. "Tapos kana din bang mag ayos? Aalis na tayo in One hour." Pahayag ko sa kanya. Tinignan ko siya. Bakit parang nahihiya siya? Hmmm? "Bakit? May problema ka ba?"
"Kasi ano..." napasabunot siya sa ulo niya.
"Ano?"
"Hindi ko kasi alam kung anong dadalhin kong damit tapos di ko alam kong paano ko ipagkakasya lahat ng dadalhin ko." Mahiyahiya niyang sabi sakin. Napahinto ako sa ginagawa ko at tinignan siya. "S-sorry. Walang kwenta yung sinabi ko. S-sige, pagkakasyahin ko nalang ang mga dadalhin ko." Tumayo siya at nagtungo sa pinto. Isasara na sana niya ito nang mapansin niyang humahagikhik ako sa tawa. "B-bakit ka tumatawa?"
"Ang cute mo lang talaga kasi pag nahihiya. Hehehe o, sya sige. Pagkatapos ko dito pupuntahan kita sa kwarto mo." Tumango lang siya at tuluyan ng umalis.
Huminga ako ng malalim bago ko pinihit yung siradora ng pinto ng kwarto niya. First time kong pumasok dito sa loob. Bumungad naman sakin ang mabangong amoy na nanuot agad sa ilong ko. Iginala ko ang tingin ko sa kabuohan ng silid... grabi, ang linis. Walang kalat at ang liwalas ng silid. Hmmm, ang sabi sakin ni Yuna noong balak ko sana pasukan ang silid ni Chard para linisan... di na raw kailangan kasi malinis daw si Chard sa kwarto at siya pa raw mismo ang naglilinis nito. Wow naman. Totoo nga. Nakaka inlo...-
"Maine, tutulungan mo na ba akong mamili? Nasa banda roon ang closet ko." Ay, oo nga pala.
Napanganga naman ako pagkapasok ko sa isang pinto. Goodness!
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(Ccto: bing.com)
Seryoso? Siya lang yung naglilinis nito? Grabi siya ha. Hindi nalang ako nag isip ng iba pa at inayos ko na lang ang lahat na pwede naming dalhin sa tatlong araw na tour. Kumuha ako ng mga Tshirts niya, pants, pantalon, di ko na siya dadalhan ng polo. Di naman siguro kailangan doon. Jacket, kasi siguro malamig doon pag gabi na at... at... asan dito yung ano? Uhmmm. Brief?
Tinignan ko si Chard.
"Hmm? May kulang?" Tanong niya. Uminit naman ang pisngi ko. Nakakahiya kaya.
"Yung ano... uhm, br-brief mo? A-asan nakalagay?" Utal kong sabi.
"Ah, hehe. Dito, o." Binuksan niya ang drawer na nasa ibaba at bumalik ulit siya sa kama at inayos ang mga toiletries na kailangan niyang dalhin.
Kumuha ako ng mga limang bri...- shocks! Tight boxers? Di siya nag bi-brief? My God! Naramdaman ko naman ang pag init ng pisngi ko. Huy Maitot! Ang dumi ng isip mo! Woooah, pero di nga? Boxers lang? Walang brief? Di ba parang ano... hahahaha hay, erase erase erase... pero ano kaya size nito?
"Okay ka lang ba diyan Maine?"
"H-ha? O-oo. Okay lang. Matatapos na din ako dito." Kako.
Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya. "Ano yan?"
Ghad! Agad kong binitawan ang hawak ko. "H-ha? Wa-wala... ano ka ba! Nakakagulat ka." My goodness!
Pinulot naman niya ang nahulog. "Ito ba ang dadalhin ko? Ilalagay ko nalang sa pouch ha?" Aniya. Akala ko okay na. Akala ko di niya nahalata ang ginawa kong pag sukat sukat sa ano niya pero mali ako. "Alam mo na ba ang size nito? Na sukat mo na ba ng tama? Actually, may size naman ito sa likuran..."
"Huy! Ano ka ba... d-di ko naman sinukat yan! Tsaka bakit ko naman susukatin yan?!" Inirapan ko siya. "Akala naman kalakihan..." pabulong kong sabi.
"Narinig kita." Tumawa pa ang loko. Shit.
"Diyan ka na nga! Tapos ko ng ilagay lahat. Yan nalang ang kulang. Ipagkasya mo yan sa bag mo." Dagli akong lumabas sa silid. Di ko na talaga kinakaya ang init na nararamdaman ko. Bakit ganun? Aircon naman dito. Hahaist.
Hanggang sa sasakyan ay di kami nag kibu.an. Hindi ko siya kayang kausapin. Nahihiya ako. Kayo kaya madatnan na sinusukat ang panloob ng boyfriend niyo! Ang gaga ko din kasi. Bakit ko ba naman ginawa yun. Gosh! Yoko na. Pwedeng ibulsa ko muna tong mukha ko?
Nararamdaman ko siyang ngumingiti sa akin ng palihim pero di talaga ako makatingin sa kanya.
"Tita? Dad? Are you fighting?" Napansin din siguro ni Athens na hindi kami nag kibu.an ng ama niya kaya napatanong siya.
"Ha? Di. Inaantok lang si Tita, baby. Pero di kami nag away ni daddy." Pahayag ko sa kanya. Sumang ayon naman si Chard.
"Good. Akala ko nag away kayo. Haaay, ayokong sad ang trip nato kasi once a year lang to nangyayari and gusto ko happy tayong lahat." Pangusong tugon ni Athens.
"No baby. Okay kami ni Tita Maine. Diba tita Maine?" Kinindatan pa ako ng tukmol. Kainis!
"Y-yes baby!"
Medyo nag uusap na kami ni Chard hanggang sa makarating kami sa campus kung saan doon naghihintay ang ibang mga studyante kasama ang mga pamilya din nila.
Habang busy naman si Chard sa kakahakot ng gamit namin lumapit si Athens sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tita? May iwhi.whisper ako sayo." Sabi niya sakin kaya naki level ako sa kanya para ilapit ang teynga ko sa kanya.
"Ano yun baby?" Tanong ko naman.
"Naaah, na shy man ako tita..."
Ang cute naman. "Ito naman, bakit ka ma sha.shy sakin? Diba sabi ko sayo pwede mo akong sabihan ng kahit ano? I can keep secrets too. Diba? Remember mo yun?" Napangiti at tumango naman siya. "Now tell me... ano yun?"
"Uhmmm. Can... can I call you mommy nalang? Kasi they believe talaga na mommy ko ikaw and I believe too na soon magiging mommy na din kita. If... If its okay with you?"
How can you say no to this lovely girl. Kung magiging instant mommy man lang ako sa ganito ka gandang bulinggit... mag kekeme pa ba ako? Syemre, Oo na. Tinangu.an ko siya at nginiti.an.
"Yehey!!!! Thank you po. Thank you mommy!" Ghad! Parang lumundag ang puso ko. Ang saya.
"Mommy?" Napalingon naman kaming dalawa kay Chard na bitbit ang mga gamit namin.
"Yes daddy! Si mommy Maine!" Binigyan niya si Chard ng malapad na ngiti.
Ang nakakunot na noo si Chard ay napawi at napalitan ang mukha niya ng ngiti. "Mommy, nice. Nice." Ikinamula ko naman ang pagkasabi niya. "Okay, ready na ba ang mag ina ko? Lets go!"