17 • Talk'n Txt

2.2K 211 25
                                        

"Uy. . . ano ba? Sagutin mo naman ako? Anong ako?" Kinulit ko talaga siya. Bahala siya sa buhay niya. Kukulitin at kukulitin ko talaga siya hanggang sa sagutin niya ako. Malay ko ba? Sa sobrang secluded ng lugar nato baka isa pala ito sa mga pundok at gagawin akong sakripisyo para sa kanilang dios na si satanas. Alam niyo naman, itong kasama ko hindi lang kamag-anak, anak talaga ni. . . -

"Pwede ba? Nakakairita yang pagkakulit mo! Wala nga yun sabi, e. Isa nalang ha? Pagkukulitin mo pa ako ipapakain ko talaga tong plastic na bulaklak decoration sayo." Inirapan niya ako, o diba? Sabi ko naman sa inyo. Di lang siya masungit, brutal po talaga siya kaya di na ako matataka kong isasakripisyo niya ako mayamaya lang.

"Fine." Okay, mananahimik nalang ako. Baka ano pa ang sunod naibabanta niya sakin.

Makalipas ang ilang minuto, naghintay pa din kami sa order namin. 'Ang tagal naman kasi!'

"Nga pala Mai. . . may pag uusapan tayong importante kaya din kita niyayang mag almusal." Hala! Ano kaya? Dios ko! Sana di masama.

"A-ano yun?" tanong ko. Syempre dapat kong tanungin.

"About your tatay. . . " aniya. Hala! Oo nga. Speaking of my tatay dear. Di ko pa pala siya natanong ng maayos kung bakit kinuha niya number ng tatay ko.

"Y-yeah. About that. . . " wow! Nahawa sa english Maitot? Hahaha "Uhm, bakit mo nga ba kinuha number ng tatay ko?" Manliligaw kana ba? Mamamanhikan sa makalawa? Cheret! Hahaha pero syempre di ko tinanong yun. Ang kapal naman talaga ng warts ko sa paa pag tinanong ko pa yun.

"May plano kasi ako. . . " sabay tingin sakin. Ang seryoso pa ng mukha. What the hell!

"P-plano? A-anong plano mo?" Medyo kinakabahan na ako ha. Para ba sa akin? Para sa future natin? 'Huy Mai!'

"RFS foundation is offering  your tatay a helping hand to provide his weekly expenses para sa pagpapagamot niya. I would like to talk to him personally." Aniya. Wait, ang hirap naman i.digest ang mga sinabi niya. Tutulungan niya kami? Medyo napakunot ang noo ko ha. . . totoo ba?

"C'mon! I need your reaction. Is it okay with you or what?" Hala. Sandali naman kasi. . . uh, oo naman syempre. Sino ba ang aayaw ng tulong? Tsaka para kay tatay na yun. Ginagawa ko nga lahat to para sa kanya diba? So why not grab this na.

"Uh. . . oo naman! T-tatanggapin ko syempre. Sino ba ang aayaw? tulong na yun." Kako, sabay ngiti. Syempre, ngingiti.an natin to. Baka bawiin pa. Alam niyo naman kung gaano ka gago tong tukmol nato. Baka magbago pa ang isip.

"Good,buti at malinaw na tayo diyan." ngumisi siya. "But. . . " hala! May 'but' Dios mio. "I have three  conditions . . wag kang mag alala. Papaisa isahin ko muna ang kondisyon na yun. Isa today at sa susunod na ang iba."

Tinaasan ko siya ng kilay. . . sinasabi ko na nga ba! May pagka sakim talaga tong budhi ng hinayupak nato. Ugh! May patulong tulong pa pero may halong kondisyon naman.  Pero yun na nga. . . may tulong. Ahay. Hindi na ako masyadong mamromroblema.

"What's the first condition?" Agad na tanong ko. Shocks! Baka sabihin niya na gawin akong alipin na aalipustahin . nah! Tsk! Mas mabuti ng wala nalang. woooaaah.

Sasagot na sana siya pero dumating na yung pagkain namin. Well, makakapaghintay naman ata yang kondisyon niya diba? Pero tong sikmura ko na kumakalam dahil sa gutom, hindi na kaya ipinagliban muna namin ang usapan at kumain.

Wala ni isa sa amin ang nagsalita habang kumakain pero madalas ko siyang ninanakawan ng tingin. Ano ba? kung makahigop kasi ng sabaw parang hihigupin ang lahat pati kaluluwa ko. Ang lakas at ang ingay niya. Pinipigilan kong matawa kaya kinagat ko ang ibabang labi ko.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now