Ngayon na ang araw na makakauwi si Chard. Lahat kami ay excited na. Nandito sa condo ang daddy niya at ang dalawang kapatid niya pati din ang kani-kanilang pamilya para ipag handa ang pag-uwi ni Chard. Nagluto kami ng masasarap na pagkain para sa kanya.
Pero hindi muna ako sasama sa kanila para sunduin si Chard. Hahayaan ko muna na ang pamilya niya ang makakasama niya sa ngayon.
"O, iha? Hindi kaba sasama sa amin?"
"P-po? Hindi na muna s-sir. May pupuntahan po ako ngayon, eh. Magkikita nalang kami dito mamaya." Kako. Agad namang napatingin ang dalawang kapatid ni Chard sa akin. Alam nilang dalawa kung sino ang kikitain ko ngayon. Sinabi ko sa kanila nung isang araw.
Lumapit sa akin si miss Sheena. "Mag ingat ka. Sana okay ang resulta nang pag-uusap niyo mamaya."
"Sana nga din po."
At tuluyan na akong nagpaalam sa kanila.
Nakakausap ko madalas ang pamilya ni Chard dahil nakipagtulungan din ako sa kanila para mapabilis ang pagkakaayos ng sitwasyon niya. Ilang ulit naming pinag-isipan ito... at ito na... gagawin ko na nga...
Humugot ako ng hininga bago pumasok sa resto kung saan ako makikipag-kita sa isa sa mga importanteng tao na involve sa sitwasyon ni Chard. Umupo ako sa isang table at naghintay.
"Eheeem." Isang tikhim ang narinig ko. Napaangat naman ako ng tingin. "Ikaw ba si Mendoza?" Tanong ng lalaking medyo mahaba at kulot ang buhok, may balbas at katamtaman ang taas.
"Mr. Galvez." Napatayo na ako para batiin siya. "Magandang araw po."
Ngumisi siya sa akin at una nang umupo sa harap ko. Mas kinabahan tuloy ako sa ipinakita niyang reaksyon. Sana naman maki ayon siya sa pag-uusapan namin ngayon.
"Anong atin?" Aniya habang tinitignan ang menu na nasa mesa. "Libre mo ba to?"
"Oo p-po. Pili lang po kayo diyan." Sabi ko sa kanya.
"Tamang-tama. Kumakalam na ang sikmura ko."
Napalunok naman ako. Paano ko ba to sisimulan? Tinignan ko ang kanyang postura medyo nakakatakot talaga siya. Parang isang mali ko lang at hindi niya pag ayon sa proposisyon ko... ay sasapakin niya ako. Wew, sana naman hindi.
Kinuha ng waiter ang order at umalis na sa harap namin.
"So Miss Mendoza, ano nga ulit ang atin? Tungkol ito kay Athens diba?"
"Opo." Haaay salamat. Mabuti naman at siya na mismo ang nagsimula nito. "Uhm, sir, wala po ba kayong balak na kunin ang bata sa DSWD?" Tuloy-tuloy ko.
Umayos siya sa pagkakaupo at sumandal sa kinauupo-an. Madiin ang tingin niya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin. Parang binabasa niya kung saan tutungo ang pag-uusap naming ito.
"Isa po kasi ako sa mga nakabisita doon at ang anak niyong si Athens ang una kung namataan. Balita ko'y nakidnap ang bata mula sa mayamang pamilya kaya siya hawak ng DSWD. Hinanap ko po ang totoong magulang para malaman kung ano ang plano sa bata?" Sana naman hindi nagkabuhol-buhol ang mga pananalita ko.
Ngumisi siya kaya napaupo ako ng tuwid. Mukhang mahihirapan ako sa isang ito.
"Plano? Ibig mo bang sabihin kung plano ko bang kunin ang bata doon?"
Marahan naman akong tumango.
"Ha!" Tawa niya. "Bakit ko pa siya kukunin kung nasa mabuting kamay na siya ngayon? Isa pa may sarili na akong pamilya at ayaw nila na may sumawsaw pa na iba. Bakit? Plano mo bang amponin yun? Kunin mo na." Walang emosyon na pagkasabi niya.
Sobrang nagulat naman ako sa sinabi niya. Totoo ba to? Hindi ba ako nananaginip? Wala man lang ba siyang itatanong na iba?
"Si...—"
"Galing ka sa kampon ng mga Palkerson, ano?"
"P-po?"
"Wag ka ng magkaila, miss. Alam ko naman na isa ka sa kanila. Hmmm, alam mo sa totoo lang wala naman talaga akong pakialam kung ano ang mangyari sa batang yan eh. Hindi naman kasi ako kumbinsido na ako talaga ang ama ng batang yan... marami kasing lalaki ang ina niya noon at isa lang ako sa mga yun... tahimik na sana ang buhay ko sa bagong pamilya ko ngayon, eh kaso nung may naghanap sa akin at inalok ako ng pera para humarap sa lalaking Palkerson at magpaka ama kuno para makuha ang bata mula sa kanya... pumayag ako. Dagdag pera din kasi yun." Usal niya. Parang wala talaga siyang pake sa pinagsasabi niya. "Pero nung bayaran na... kulang-kulang ang binayad niya sa akin at siya pa talaga ang galit."
May nginuya siya... mukhang chewing gum ata.
Ang kaninay kaba na naramdaman ko ay napawi at napalitan ng galit. Anong klaseng lalaki ba tong kaharap ko ngayon?
"Walang klaro ang babaeng yun... so bahala na siya at bahala na din kayo sa batang yan."
Nakakapang gigil ang lalaking ito. Hindi niya alam kung paano niya sinira ang buhay ni Chard at pati na din ang kay Athens. Isa din siyang iresponsableng klase na tao, makasarili at mukhang pera. Sarap nilang pag untugin nung Zenna na yun!
"H-hindi niyo po alam kung gaano niyo nasira ang buhay ng mga Faulkerson."
"Alam ko naman yun... kaso trabaho lang, eh. Gipit ako, walang makain ang pamilya ko at walang pang sustento sa mga pangangailangan ko." Tinitigan ko siya. Halata sa mga mata niya ang mga pinagsasabi niya. Adik tong taong to. Kawawa naman ang pamilya niya.
"Sinira mo ang pagkatao nila..."
"Alam ko din yun." Hopeless, paano ba nakausap ni Zenna ang lalaking to? Eh, wala namang kwentang kausap. Hmmm, pero sabagay, pareho naman sila ng ugali... malamang talaga nagkasundo sila... yun lang, mas mautak itong si Zenna at na scamman niya ang lalaking to.
Pinaperma ko nalang siya sa kasulatang nagpahayag na hindi na siya mangingialam sa kung ano mang plano ko kay Athens... at iniwan ko na siya kung saan kami nag-usap. Hindi pa nga nadala... nanghingi pa ng pera. Dios ko talaga!
Halos naubos ang buong lakas ko sa pakikipag-usap sa taong yun. Nag praktis pa naman ako sa mga possible na magiging mga katanungan niya sa akin pero balewala lang pala ang lahat. Hahay.
Nasa harap na ako ng condo unit ni Chard. Isa pa ito. Nakauwi na kaya siya? Ano ba ang ibubungad ko sa kanya na pagbati at ngiti?
"Uhhem, hi Chard. Welcome home." Prinaktis ko ang pagngiti.
"Mali, mali. Parang plastik ang ngiti mo eh. Ayusin mo Mai." Kinuha ko ulit at compact powder ko at tinignan ang mukha ko sa salamin. "Hi Chard, Naka uwi kana pala... kamusta ang pre... haaay, ano ba Maine?! Hindi siya nagbakasyon, okay? Galing siya sa kulungan kaya wag mo na siyang kumustahin tsaka bakit pa? Eh madalas mo naman siyang binibisita doon. Gaga." Kinakausap ko ang sarili ko.
Napatigil ako nang biglang may humagikhik sa gilid... agad akong napalingon at nanlaki ang mata ko nang makitang si Chard pala ang nandoon.
"Practicing, huh?" Nakangiting sabi niya.
What the heck!
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
