52 • Forever

1.8K 186 11
                                        

"Good morning everyone! Sorry na late kami. Medyo natagalan kami ni misis sa pag aayos ng mga gamit namin." Misis. Para akong kiniliti. Dios ko naman. Ang aga aga pa Carding! Nagpapakilig kana.

Nagsitangu.an naman ang lahat at ngumiti sa amin. Matapos icheck ang lahat, umupo na kami sa mga upo.an namin. We're ready to go! Si Athens ay sobrang excited na. Pinili niya talagang maupo malapit sa bintana ng bus para matanaw niya daw ang lahat na dadaanan namin. Napagitnaan nila akong dalawa ni Chard.

Naging maganda at sobrang nag enjoy kami sa buong byahe patungo sa destinasyon namin. Kwentuhan, kainan at tawanan lang ginawa naming tatlo sa buong byahe. Itong si Chard walang pakialam kahit ang ingay ingay naming tatlo sa loob ng bus. Kahit ang kokorney na ng mga jokes namin tawa pa din kami ng tawa hanggang sa nakatulog na si Athens sa mga bisig ko... pero di padin humihinto si Chard sa kakulitan. Ano bang nakain ng taong to?

"Maine, Maine!" Bulong niya sakin.

"Ano na naman?!"

"Knock, Knock!"

Haaay. Ito na naman siya. "Who's there?"

"The hill and the cow!" Saan ba niya nakukuha ang mga to?!

"The hill and the cow who?"

" 🎶 the hill and the cow (dahil ikaw) ang sigaw ng puso ko! The hill and the cow ang nasa isip ko!🎶 "

"Chard, last mo na yan!" Inirapan ko siya.

"Meron pa ako... wait wait. Knock, knock?"

"Babe naman!" Hindi ko alam pero bigla lang itong lumabas mula sa bibig ko.

"Pho... h-ha? Anong sabi mo?"

"Wala."

"Hindi, e. May sinasabi ka!" He grinned. Kainis! Bakit ba ang gwapo gwapo nitong boyprend ko Lord.

"May tinawag ka sakin, e."

"H-ha? Anong tawag? Ako? May tinawag sayo? W-wala, a."

"Fine, sabi mo, e. Knock, knock!"

"Chard, di kapa ba napapagod? Mag concert kana lang kaya. Kanina kapa knock, knock ng knock, knock, e." Reklamo ko. Inaantok na din kasi ako tapos na iihi pa. Dadagdagan pa nitong kakulitan niya.

"Sige na. Di kasi ako inaantok, e."

Lumingon ako sa gilid. Si nanay senior citizen. Siya kasi ang sumama sa apo niya sa trip na to. "Kausapin mo nalang si nanay, o. Sa kanya ka mag knock, knock. Patulugin mo muna kami ng anak mo."

Ngumuso siya at umupo ng maayos. "Fine. Matulog na kayo. Di ko na kayo iisturbuhin." Wala ako sa mood na maawa. Ang kulit kulit niya kasi. Minsan lang siya ganito pero grabi! Di mo talaga mapagsasabihan kaya niyakap ko nalang si Athens at pinikit ang mata ko.

Nagising ako dahil sa ingay ng tawanan sa loob ng bus. Nagkakabiru.an na ang mga magulang pati na din si Chard na nakikipagkwentuhan sa babaeng tumagilid pa talaga para makipag chikahan sa kanya. Teka lang! Nangyari nato, e. Sa bus din. Napa ismid ako. Nakatulog lang ako saglit may iba ng umaariba sa kanya. Ito namang si mukong mukhang tuwang tuwa habang nakikipagkwentuhan sa single mom nato. Si Miss Grace Luciano.

Tinignan ko siya ng maagi. Ang puti naman niya. Nakakasilaw yung balat niya dahil sa kaputi.an at kakinisa...- ay nako! Maputi din naman ako, a! Ibinuka ko ang mga mata ko at tinignan ang balat kong maipagmamalaki ko naman.

"Uy, gising na pala siya." Si girl ang unang nakapansin kaya napatingin naman si Chard sa akin.

"H-hello! Mukhang napasarap ata tulog ko. Malapit na ba tayo?"

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now