I love you Achi sunnypajamas 😍😍 Salamat sa call. I feel better, i hope you're okay na din.
•••
"WHAT? As in? Teka lang ha? Nag ha.hyperventilate ako! Dios ko ha! Hoo! Wait lang. Teka lang talaga. Ano ulit yun? Ulitin mo couz!? Dali!" Tarantang sabi ni Joyce. Kakauwi lang kasi niya galing sa condo ni Top at agad na kwenento ko ang mga nangyari sa umagang yun.
"Alam mo, maganda ka sana. Bingi lang!" Inirapan ko siya. Gusto niya kasing ipaulit ang sinabi ko sa kanya tungkol sa intensyon ni Chard.
"Totoo ba to? Hahaha teka lang ha! Sinasabi ko na nga ba, e. Dadating din talaga tong araw na to. Hindi ko lang talaga inexpect na mapaaga. Hahaha pero couz grabi! Mabibilhan talaga kita ng telescope sa di oras. Alam mo yun? Hahaha haba ng hair mo, e. Icheck mo kaya! Abot hanggang buwan! Hahahaha" panunuksong sabi ni Joyce sa sakin.
"Gaga! Parang timang to! Hahaha pero ako din naman couz. Sobrang nagulat ako. Para bang kailan lang, galit at naiinis siya sakin pero ngayon, o. Tingnan mo. Parang di kapani paniwala. Tsk." Napalingo lingo ako. Totoo naman, a. Parang ang bilis ata.
"Pero couz, ganun naman talaga ata pagtinamaan ka ng pana ni kupido diba? kapag tumibok ang puso 🎶wala kanang magagawa kundi sundin ito. 🎶" may pasayaw sayaw pa itong nalalaman habang kumakanta.
"Sira! Hahahaha pero diba? Ang bilis lang? Hindi ko pa nga siya masyadong kilala. Ni hindi ko nga alam kung anong totoong pangalan niya, taga saan siya, anong hanap buhay niya, ano ang araw araw niyang mga gawain? Gabi ko lang siya halos nakakasama. tsk! Diba? Diba? Ang weird."
"Couz naman. . . hmmm okay, ganito na lang. Ngayon mo na lang siya mas kilalanin habang nanliligaw." suhestyon niya.
"Tapos. . . di kaya ang unfair? binasted ko nga si Leo, e. Tapos ito? Tatanggapin ko?"
"Maine Mendoza, minsan talaga ang sarap mong batukan. "
"Basta. . . ewan ko. Tsaka di pa ako handa. Alam mo naman yun. Si tatay muna ang priority ko ngayon. Wala akong panahon sa mga pag-ibig pag-ibig na yan." Kako, tama. Siguro naman narinig niya yung pinag usapan namin noon kasama ang mga ibang katrabaho namin na kaya di pa ako pumapasok sa isag relasyon dahil inuuna ko pa ang tatay ko.
"Hmmm, j-just give it a try Mai. Wala naman atang mawawala sayo kung hahayaan mo siyang manligaw diba? Just let him and i.enjoy mo din ang mga gagawin niya sayo." pahayag ni Joyce sa akin. hmmm? Am I going to take it?
"Pero Cou. . . -"
"Hinayaan mo nga si Leo diba? Give Chard a chance too." nginiti.an niya ako. "Tsaka, he asked for Papa Toto's approval diba? ibig sabihin nito seryoso talaga siya sayo. Siguro nga napaisip tayo sa medyo sobrang napaaga naman. . . pero yun nga, di naman natin natuturu.an an ang puso kung kailan i.push through o di kaya kailangan ihinto nalang diba? siguro ayaw lang ni Chard magsayang ng panahon. Kaya ito siya. . . umaawra at rumarampa na para makabig ang iyong puso. Wooooah! Dios ko! Kinilig ako." palundag lundag niyang sabi habang nakahiga sa kama. Haaay! ewan ko talaga sa pinsan kong to.
"Ewan ko. . . basta! Ahe! Basta." Tinuloy ko na lang ang pagtutupi ng aking mga damit at hindi na nagsalita ulit. Natahimik na din si Joyce. Hay! Buti naman.
Daming sumagi sa isip ko sa buong maghapon. Syempre, gulong gulo ako. I need to talk to him. I really need to. Ang dami kong katanungan sa isipan ko at alam kong siya lang ang makakasagot nitong lahat.
Hinintay ko talagang mag 3:30pm. Hindi naman sa excited akong makita at makausap siya ha? Hmmm. Maaga akong naligo, inayos ko ang sarili ko. Nag foundation ng kunti, kunti lang naman, nag concealer na din. Tinuru.an ako ni Joyce, e. Nag blush on ng kunti para nama mamulamula ng kunti tong pisngi ko at di ako magmukhang bangkay sa harap niya tsaka nag lipstick na din. Wait! kung iniisip niyong nagpapaganda ako sa kanya, pwes! Nagkakamali kayo. Di, a. Pake niyo kong feel ko lang talaga magpaganda ngayon gabi. Malay niyo dagdag sa suki naming mga costumers at baka may dagdag tip pa. O, diba?!
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
