37 • Condition

1.7K 162 24
                                        

Dalawang araw mula nung huli kong nakita si Chard. At talagang tinutoo niya ang sinabi niyang hindi niya ako gagambala.in para makapag isip ako ng maayos sa rebelasyon na nalaman ko nung isang madaling araw.

Umupo ako sa kama mula sa pagkakahiga. 'Mai, tama na tong pagmumokmok mo. Kausapin mo na siya ng maayos at masinsinan. Hindi mo na matatakasan ang sitwasyong to. Mahal mo siya diba? Kung mahal mo nga siya dapat kaya mong tanggapin siya, ang buong pagkatao niya.' Kako sa sarili.

Kinuha ko ang telepono ko para i.dial ang number niya. Miss ko na siya. Parang di na ako sanay na di ko siya nakikita o di kaya nakakasama. Napahinto ako nang biglang may kumatok.

Hindi naman uuwi si Joyce ngayon,  a. Sabi niya may pupuntahan daw sila ni Top ngayon kaya di siya makakauwi. Napalitan ng ngiti ang mga labi ko at agad akong tumakbo papuntang pinto at binuksan ito.

"Char... -"

"Mai. H-hi."

Napaatras ako. Bakit siya nandito?

"L-Leo?  Napadalaw ka. May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman,  nangangamusta lang." Napangiting sabi niya. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

"H-ha?  Uhm,  kasi ano... D-di pa ako nakapaglinis. Pasensya na. Pwede bang sa sala nalang tayo mag usap?" Tugon ko. Hindi naman talaga siya dapat pang pumasok.

"O,  I see. Di nakakapaglinis o may tinatago ka diyang lalaki? Ilan naba sila Mai?  Apat,  Lima?  Sampu?" Nangisi siya. Ano bang pinagsasabi nito.

"Leo,  di ko alam kung anong ibig mong sabihin. Wala akong panahon para makipaglokoha... -"

"Lokohan? Di ba gawain mo yun? Magkano kaba? Bibilhin kita." Bigla niya akong hinawakan sa braso.

Hinawi ko ang kamay niya. "Hindi ko binibinta ang sarili ko. Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Umalis ka na nga." Akmang isasarado ko na ang pinto nang nagsalita siya ulit.

"I saw you... Nakita kitang nagtatrabaho sa bar. Wag mong ikala dahil kitang kita ko sa dalawang mata ko na ikaw talaga yun. Binalewala ko lang dahil alam kong magugulat ka pag nakita mo ako doon. Kaya mo ba ako binusted at sinabing may mahal kanang iba Mai dahil marami na pa lang gumagamit sayo? Dahil di kana malinis? Hahaha,  tsk!  Okay lang naman sakin,  e. Matatanggap naman kita. Basta ba pagamitin mo din ako say...-" hindi ko na siya pinatapos dahil ayaw ko ng marinig ang mga masasagwang salita na lumalabas sa bibig niya. "What the hell!  Bakit mo ako sinampal? Totoo naman diba?  Isa kang babae'ng bayaran!  Lumuwas ka dito para maging bayaran!  Hahahaha I'm wondering kung alam ba to ng Tatay mo? Balita ko ang alam niyangtrabaho mo ay disente. Tsk!  Kawawang ama."

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng maruruming salita Leo at mas lalong wala kang karapatang husgahan ako. Ang kapal naman ng pagmumukha mo para pagsabihan ako ng ganyan!  Matapos kitang trinatong isang kaibigan? Kilala mo ako Leo hindi ko kayang gawin ang mga pinagsasasabi mo."

Napangiwi siya. "Alam mo Mai nagbabago ang tao kung gimigipit na. Kumakapit na yan ng patalim kaya wag kanang mag maang maangan pa. Alam ko na ang sekreto mo. May pa ibang mahal ibang mahal kapa. Yang boyfriend mo na daw ba ngayon ay binabayaran ka din ba niya para ikama? Siguro tinable ka niya noh?"

"H-hindi totoo yan. Walang katotohana ang mga pinagsasabi mo. Hindi ko binibinta ang sarili ko. Oo nag tatrabaho ako sa bar pero waitress at janitress ako. Hindi ako nagpapabayad at nagpapa table." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Talaga ba? Sino ang niloloko mo?  Ang tatay mong malapit ng mamatay?" Napangisi niya ulit na sabi.

"Tangina ka!  Bawiin mo yang sinasabi mo!  Hindi pa mamatay tatay ko." Hinampas ko siya sa dibdib.

"Hindi pa ba?  Hmm, okay sige. Hindi pa. Pero pag sasabihin ko kaya sa kanya ngayon na ganito pala ang trabaho mo dito sa tingin mo di aatakihin ang tatay mo?  Hahaha." Demonyo tong taong to. Bakit di ko pa to alam noon pa?

"Mas masahol kapa kay satanas bwesit ka!"

"Hmmm? Hindi naman masyado. Sige ganito, para naman masabi mong may kabaitan pang natititra sakin, may pabor ako sayo. Kalimutan mo ang lahat na nandito sa Manila kasama na yung balita kong boyfriend mo na raw dito at hindi ko sasabihin sa tatay mo ang naging buhay mo dito. Sasama ka sakin,  uuwi tayo ng probinsya at doon kana manirahan at magtatrabaho ka sakin. You know,  may sexy... -o,  sorry. Secretary pala."

"Walang hiya ka! Hinding hindi ko tatanggapin ang inaalok mo sakin gago ka! Hindi mo ako matatakot dahil wala namang katutuhanan yang mga pinagsasabi mo."

"Ako? Ako pa talaga ang walang hiya? Ako na nga tong nagmamalasakit sayo? Tsk." Sarkastikong sabi nito.

"Demonyo ka! Lumayas ka dito sa harapan ko ngayon baka mapa...-"

"Ano? Sige! Sabihin mo?!" Hinawakan niya ulit ako sa braso gamit ang dalawa niyang kamay. Pilit akong pumipiglas pero mas malakas pa siya sakin. "Kung ano man yang binabalik mo... Di mo na magagawa yan. Isang tawag ko lang sa tatay mo, o. Malalaman na niya lahat." Demonyo siya. Sa dalawang taon na pagkilala ko sa kanya wala ni bakas akong nakita na ganito pala siyang klaseng tao. Mas masahol pa siya sa asong ulol. Baliw tong taong to.

"Bitawan mo ako. Hindi ako natatakot sayo. Gago ka!"

"Talaga? Di ka natatakot? Okay. Paano ba yan?  Close pa naman kami ng tatay mo. Malamang maniniwala siya agad sakin." Naramdaman kong hindi na mahigpit ang pagkakahawak niya sakin at kinuha niya ang telepono niya.

"Hello? Tito To!  Kamusta?  Dugay nako wala ka bisita diha sa imoa. Pasensya kaayo medyo busy man gud." (Hello?  Tito To,  kamusta?  Matagal na din po akong di nakakabisita sayo diyan. Pasensya po medyo naging busy lang.)

Napaistatwa ako. Walang hiya tong lalaking to. Ano na ang gagawin ko ngayon? Tinignan niya ako at ngumiti siya. "Actually nasa Manila po ako ngayon at kasama ko po si Mai. Binisita ko po siya dito sa boarding house niya. Alam niyo po tito may nalaman ako and I think you have the right to know this din po. Alam niyo naman po diba na parang ama na din po ang turing ko sa inyo at dahil yun kay Mai pero po sa pagkakataong to di ko na po talaga kayang itago tong nalaman ko po tungkol kay Mai. Parang gumuho po kasi ang buong kaluluwa at pagkatao ko po nang napag alaman ko na si Mai... Uh,  uhmmm. Si Mai po." Tinignan niya ulit ako na para bang humihingi na ng desisyon ko.

Dios ko anong gagawin ko? Di pwedeng malaman to ni tatay. Tiyak na ikasasama ng kondisyon niya ito. Wala pa naman siyang kasama doon ngayon. Haaaay.

Wala na akong choice. Hinablot ko ang telepono niya.

"Tay?"

"Anak? Mai? Umiiyak kaba?"

"Tay,  uuwi na po ako tay. Magkakasama na tayo ulit."

Hindi ko na matandaan ang sunod na sinabi o di kaya tinanong ni tatay sakin. Bumuhos na ang luha ko at humagulhol na ako sa iyak ng palihim. Ang sakit gumawa ng desisyon na labag sa kalooban mo pero dapat mong gawin para sa ikabubuti ng ibang tao.

Chard,  I'm sorry.

•••

Trust me. Thank you.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now