#NES
Share me your thoughts.
•••
Sobrang busog na busog na ako ngayon. Uugh! Sarap isuka lahat ng mga sinabi ko nung isang gabi. . . kinain ko kasi. May pa sumpa sumpa pa ako na hinding hindi na ako aapak sa lugar na to. Pero heto ako ngayon. . . nag iisa, naglalakbay sa gitna ng katangahan. Di, heto ako ngayon, bitbit ang bagpack ko na jansport na 'fake'. . . paki niyo? eh sa 300pesos lang to sa tyanggi doon sa amin bakit ba? So yun na nga. . . andito na ako ngayon nagbabalik trabaho.
'Go Maitot kaya mo to! Siya naman nangsuyo na bumalik ka diba? Kaya di ka dapat mahiya o kabahan.' Sabi ko sa sarili ko. Sino ba naman kasi ang magpapa encourage sa akin dito kundi sarili ko lang at si Joyce. . . speaking of Joyce? Sa'n ba yung babaeng yun? Iniwan ba naman ako dito sa daan pagka baba namin sa tricycle? Haaay.
Pumasok na ako at nag tungo agad sa staff room.
"Mai!" Sabi nilang lahat na nasa loob. Kitang kita sa kanilang mga mukha ang sabik at pagkagulat.
"Diba? Sabi ko naman kasi sa inyo na babalik na siya. Ayaw niyong maniwala. Tsk." Sabi ni Joyce. Andito na pala siya sa loob akala ko kung saan saan na naman siya nag sususuot.
"Na miss ko kayo!" Nginiti.an ko sila at isa isa ko silang niyakap, syempre ang mga babae lang. Ang OA diba? isang araw lang naman akong nawala yung reaksyon naming lahat parang isang dekadang magbabarkdang di nagkikitakita.
"Oh siya! Maya na yang ka etchusan niyo. Double time na. Malapit na call time natin." Sambat naman ni Kuya Larry. "Mai, masaya kami at bumalik ka dito." Nginiti.an niya ako. Medyo seryosohong tao kasi itong si Kuya Larry sa lahat ng kasamahan namin dito kaya siya din ang pinagkakatiwalaan ni Sir Jun. . . - uminit bigla ang pakiramdam ko. Hindi ko na pala siya tatawaging 'Sir' dapat yung pangalan nalang niya daw. Tsk. Kinakabahan ako. . . baka iba na isipin nila. Tsk. Paano to?
Nasaklut ko naman ang atensyon ko si Belle na kakalabas lang mula sa CR. Namamaga ang mata at pulang pula ang ilong. Nang makita niya ako agad siyang nagpakita ng kunting ngiti.
"Mai! Its good to see you here again!" Aniya sabay yakap sa akin. Mukhang may pinagdadaanan tong to ah. Parang nararamdaman ko ang bigat ng mga balikat niya eh. Tsaka halata sa pagmumukha na galing siya sa iyak.
"Belle, na naman? Tsk. Kahapon kapa niyan ah. Kung ako sayo? Hiwalayan mo na. Wala ka naman ng mapapala sa lalaking yun." Sambat ni Joyce habang abala siya sa kakapahid ng foundation cream sa mukha niya.
"Oo nga kong ako din nasa katayu.an mo? Iiwanan ko na din yan. Marami pang lalaking nag bi.brip diyaan. Makakahanap ka din! Hindi lang siya ang lalaking pinagpala ng six inches." Sabay tawa. Pati na din kami natawa sa sinabi ni Camille. Buti at nagka sense din tong to babaeng to. Nawala lang akong isang araw mukhang marami akong na miss na ganap dito ah. Hay.
"Tawang tawa si Maine akala naman naiintindihn pinag uusapan namin. Hahahaha" sabi ni Japoy.
Natigilan ako. Tama nga naman si Japoy. Nakikitawa ako dito di ko naman alam pinag uusapan nila.
"Wag kang mag alala Mai, kwento ko sayo mamaya ang nangyari sa kanya. Magtrabaho muna tayo mga Team Panch! Hahahaha" wika ni Joyce.
Sumang ayon naman kaming lahat at nag ayos na.
Lumalalim na ang gabi. . . at medyo okay pa naman ang mga kaganapan. Siguro dahil di ko pa nakikita o di kaya naramdaman ang presenya ng unica ijo ni S. Hahaha joke lang, si Chard.
Hanggang sa natapos na nga ang oras namin.
'Sisiw! Naging maganda ang pagbabalik ko ngayon. Sana ganito na lang palagi para naman okay ang buhay.'
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
