15 • Priorities

2.4K 217 58
                                        

Kung kailan fix talaga yung desisyon ko na pagtuonan muna ng pansin ang kondisyon at pagpapagaling ni tatay tsaka naman may umaaligid at nagpapapansin. Okay lang naman sana kung si Leo lang kasi alam kong ma kokontrol ko lang ang emosyon ko. . . pero sa isang to? bakit ano! uh, Basta! parang may iba.

Pag nasa trabaho na ako. . . medyo dumedistansya muna ako sa kanya kahit alam ko na paminsan minsan lumalabas siya sa office niya para lang magmasidmasid sa paligid ligid at madalas kung naabutan na nakatingin lang siya sakin. Umiiba ang ekspresyon ng mata pag may mga kausap akong lalaki habang nag si.serve ng orders nila sa table at kumakalma siya pag kilala niya ang mga ito.

Sana nga lang wala pa talagang nakakahalata sa mga kilos naming dalawa. . . ayokong may makakaalam baka kung anong sabihin nila. Wala naman talagang meron samin. . . Oo, nakikitulog, tabi kami, magkayap pero wala talaga. Langya! wala nga ba? haaaay.

"Ikaw Mai. . . Bakit wala kapang boyfriend hanggang ngayon?" Tanong ni Japoy sakin. Medyo nagulat ako sa tanong niya kaya di ako agad nakasagot.

"Ay? tulala na naman?" Pansin ni Belle.

Doon na ako na taohan. . . Napatingin ako sa kanilang lahat. Kakatapos lang kasi ng duty namin. . . aalis na din kami maya maya. . . nagpapahinga lang kunti. Ito na naman kami sa kachakahang Q & A habang naka upo sa round table.

Kasama ko si Belle, Japoy, Joyce, Camille, Kuya Larry pero may dalawang dumating na nakisali na rin. Ang nag iisang Top ni Joyce na mukhang sekreto pa talaga tong relasyon nila sa lahat at ang asungot. Talaga bang nakikipaghalubilo tong gagong to? o nakikisabay lang kasi andito din si Top? Pero last time din nakiupo siya diba? kaso nagkasagutan lang kami. hmmm ewan, bahala siya. Bakit ko ba siya iniisip? nakakaloka!

"Huy! Ba't napunta na naman kay Mai ang usapan? Sakin? ayaw niyong magtanong?"Sambat ni Camille. Paminsan minsan talaga gusto kong pasalamat tong babae'ng to. Nakakatulong siya sa kanyang ka epalan minsan, e. Gaya nitong mga sitwasyon na ganito na naiipit ako. . .

"Hay! bibida kana naman? malamang si Mai ang tatanungin natin dahil siya lang bagohan dito sa ating lahat! tumahimik ka muna Camille kundi sasapakin kita." Pabirong sabi ni Belle sa kanya pero alam ko 80% nun totoo lalo na yung sasapakin part.

"Okay, okay. . .sige na! tahimik muna kayo. curious din ako. Sagutin mo nga Mai. . . bakit ngaba?" Dagdag naman ni Kuya Larry. May pagka echusero din tong tao'ng to, e. Minsan na nga lang to nakikisabay sa amin dahil pamilyado na siya pero ganito pa. ahay.

Nang makita ko sa kanilang mukha ang pagka interesado sa sagot ko wala na akong magawa. Ayaw ko din namang mang spoil ng kasiyahan kaya sasagutin ko na lang. . . Humugot ako ng hangi . . .- Shot! naalala ko andito pala si Chard. Ano kaya iniisip niya ngayon. Pinasadahan ko siya ng kunting tingin pero biglang uminit ang pakiramdam ko nang makita ko siya na nakatingin din pala siya sa akin na parang curious din sa sagot ko.

"Kasi . . ano, Ummm. . . inuuna ko pa talaga kasi yung pagpapagaling ng tatay Toto ko kaya medyo di pa talaga naka focus yung atensyon sa mga ganyang bagay."Nginiti.an ko sila. Medyo awkward na ngiti nga lang kasi nakakahiya nga.

"Ah? mabait na bata. . . " Komento ni Kuya Larry.
"Pero di mo ba naisip na baka pag nagka inspirasyon ka mas magiging ganado kang gumawa ng mga bagay bagay? mas makakatulog ka din dun sa tatay mo." dagdag niya.

Hindi ba nila ako tatantanan? nakakaloka!

"Oo nga Maine, may point si Kuya Larry."

"Ayaw daw pero nagpapaakyat ng ligaw." Nagsalita siya. . . Dios ko! may bibig pala siya. Akala ko tatahimik lang siya buong magdamag, magpapanis laway ganun. . . pero hindi, nagsasalita talaga siya. First time tonight kaso nakakairita lang yung komento niya. Ugh!

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now