Pagkatapos naming kumain akala ko i.uuwi na niya ako pero di pa pala. . . gusto niyang maglibot libot pa kami sa mall malapit sa kinainan naming magarang restaurant. Nakakaloka! Ililibot ko pa tong t-shirt nato? Panay gusot gusot ko sa dapit ko dahil sobrang nahihiya na talaga ako. Kung alam ko naman kasi na may plano pala siya ngayong araw, edi nakapag ayos man lang sana ako. Haaay.
Pansin ko na ang bilis niyang maglakad. Halos naiiwan na niya ako sa likuran. Grabi siya ha! Parang ang isang hakbang niya ay pang dalawahan ko na.
Habang patuloy kaming naglalakad patungo sa kung saan. Na realize ko na hindi ko din naman pinagsisihan ang mahuli dahil may panalangin naman. . . Pinapanuod ko siyang naglalakad Ghad! Ang puwet! Ang sexy kung maglakad naman kasi. Hoo! #MaiTheManiac strikes. Tsk! Pero di, a. Naaapreciate ko lang talaga ang likuran niya. Sarap pisilin. . . pero syempre joke lang!
Huminto ako ng huminto din siya sa paglalakad at itinaas ko ang tingin ko sa kanyang mukha. "Okay lang ba na pumasok muna tayo dito saglit?" Tanong niya sakin. Tinignan ko naman ang papasukan naming shop. 'STRINGS' yun ang nakalagay. Tindahan ng strings? Ano to?
Tumango ako at sinundan siya papasok. Namangha ako sa mga nakasabit at naka display sa loob ng shop. Ahhh! String instruments pala akala ko kung ano na. Hahaha anyway, yun nga. Namangha ako. First time kung makakita ng mga iba't ibang instruments. Yung sa mga pictures, youtube at sa tv ko lang nakikita ay personal ko ng nakita ngayon. How I wish makahawak ako. Weeeew! Pagpasensyahan niyo na po. . . First time, e.
Wow na wow talaga! My goodness. . . Viola! Tapos may Cello pa. . . Tapos violin! Shooocks! Ukelele at guitar lang ata nahawakan kong instrumento, e. OMG!
"Hey! Okay ka lang? Mukhang manghang mangha ka sa mga nakikita mo, a." Nagulat ako, andito na pala si Chard sa tabi ko.
"Uh. . . Oo, okay lang ako. Hehehe medyo manghang mangha lang talaga ako. First time ko makakita nito, e. Sorry."
Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko. "Tara. I want to try something." Yaya niya. Nakita ko ang kagalakan mula sa kanyang mukha. Halatang gusto niya to.
Pumunta kami sa isang silid. Ano to dito? Sinilip ko. Medyo madilim. Anong gusto niyang itry? O my ged! Napahawak ako sa bandang dibdib ko.
"Hey! Come in." Aniya.
Come in daw. Bakit? Dios ko.
Dahan dahan akong pumasok sa loob. Nakita ko ang iba't ibang klaseng string instruments sa loob. Wow! Na wow! Grabi! Akala ko wala ng mas igaganda pa na mga display doon sa labas pero meron pa pala. Grabi!! Pwede ba silang hawakan? Ghad! Pwede bang tumira dito?
Nabalik ako sa sarili ko nang tinapik ni Chard ang balikat ko para umupo at ginawa ko naman.
May kinuha siyang isang instrumento sa gilid. Napa nganga ako. O my GOODNESS!! Seryoso? Mag pi.play siya? Ito ang gusto niyang i.try?
Kinuha niya ito mula sa lalagyan at naglakad papuntang harapan ko. He smiled at me. Binigyan ko din siya ng kunting ngiti. Hindi ko kasi alam kong paano mag react, e.
"Joe, music please." Aniya. Lumingon ako sa kanan at sa kaliwa. Wala namang tao, e. Sino ba kinakausap niya?
"Okay boss!" Sabi naman ng boses mula sa. . .speakers? Sa gilid? Hala.
"Maine. . . If you know the song. Please sing it for me." Sabi ni Chard. Medyo nagulat ako sa pagkasabi niya. Bakit ang relax at ang lamig lamig ng boses niya pakinggan? He position himself in front of me.
Pumikit siya at hinawakan ng maayos ang hawak niyang instrumento. O God! Ang perfect. He look so perfect with the Cello.
Humigpit pa ang paghinga ko nang marinig ko ang pamilyar na intro. All of Me by John Legend.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
