11 • Sulyap

2.4K 209 20
                                        


Limang araw na din ang lumipas mula nung insidenteng nangyari sa boarding house namin, Hindi ko na nakita si Chard. Natakot kami ni Joyce na baka mawalan kami ng trabaho pero mukhang di naman humantong sa ganun. Akala ko nga din pahihirapan na naman niya ulit ako, susungitan at sisigawan pero di rin nangyari yun. Sayang pinaghandaan ko pa naman. Hahaha pero yun na nga. . . Hindi nangyari yun, kasi nga wala siya. Ni anino niya di ko na nahagilap. 'Pero teka nga, bakit ko ba iniisip tong taong to? Ugh! Diba mas mainam nga na wala siya? Tignan mo, mas di nakaka pressure mag trabaho kasi akala mo kahit anong galaw mo tinitignan ka niya nuon o di kaya Ikaw napag buntunan ng sama ng loob. Tsk!

Hindi ko na napansin na nasa harap na pala ako ng opisina niya at nakatitig sa may pinto.an. Napa buntong hininga naman ako. . . Hanggang may tumapik sa akin.

"Huy! Anong ginagawa mo dito?" Medyo pasigaw na sabi sakin mula sa likuran. Si Joyce lang pala. Nagbibitbit ng tray. Mukhang kagagaling lang niyang mag hatid ng order.

"E, h-ha? Uh. . . A-ano kasi. . . " ano ba dapat kasi ang sasabihin ko? na 'gusto ko lang i.check kong andito siya? May itatanong lang sana ako kay Chard? Di eh. . . Magmumukhang obvious na gusto ko lang siyang makita dahil miss ko na siy. . .- Wait, What???? Sang bandang planeta naman galing tong mga iniisip ko?

"Aminin mo na kasi couz. . . "Maypagkapilya akong nakikitang ngiti mula sa kanyang mga bibig.

Napakunot naman ang noo ko. "h-ha? Na ano? Hahaha anong aaminin ko? Loka loka to oh. Kung saan saan ka lang sumusulpot." Kako.

"Seees, alam na kita dai! Wag na wag mo akong charcharin! Na miss mo noh kaya andito ka ngayon?" Panunukso niyang sabi sakin.

"H-ha? Anong miss yang pinagsasabi mo?  Tsaka sino naman ang na mimiss ko? Hello! Napadaan lang ako dito noh! Bakit ba? Hahaha ikaw talaga Joyce, imbinto ka ha. . . " ngiti ka, yes ganyan. Wag kang pahalata.

"Maang maangan school of Acting! Wag ka nga. . . Tsaka wag ako Maine Mendoza! Kilaang kilaa kita noh? Mula ulo hanggang diyan sa libag mo sa paa. Alam kong may gusto ka sa kanya." Hindi pa talaga siya tapos sa panunukso niya. Ugh!

"Hahaha, huy! Kung makapagsalita ka naman, magdahan dahan ka dai! Hindi ko gusto ang kumag na yun noh. Like, duuh! Why would I like him? Hindi naman siya karapat dapat gustuhin. Ang pangit ng ugali kasing pangit ng mukha niya." Utal ko. Totoo naman talaga. Medyo guilty lang siguro ako sa ginawa namin ni Joyce kaya ganito ako ngayon. Tama!! Yes guilty nga. Thats the word.

"Weh? Pangit? Mamatey?" Tinitigan na naman niya ako ng maluko.

Napa hugot ako ng hininga. 'Haaay! Di pa rin pala ito nagbabago ang pinsan niya. Kahit kailan ang kulit kulit talaga nitong loka lokang to.
"Tigil tigilan mo nga ako Joyce! Bumalik na nga tayo doon, grabi ka ha! Magtrabaho na nga to. Kumain kaba? Mukhang wala pa kasi. . . Iba iba na naiisp mo, e." Inalaska ko na din siya para naman mabaling na ang atensyon niya.

"Gaga! Hahaha tara na nga. . .  Nakakaloka ka! Ba't di mo na lang kasi sabihin sakin. Di yung namumula kana diyan. Hahahaha halata na tuloy masyado. Hehe" inakbayan niya ako palabas ng area na papuntang opisina niya.

Mukhang gaya ng mga ilang gabi. . . Maganda pa din ang takbo ng pagtatrabaho ko dito. May mga marami na akong naging kaibigan din, di naman kasi lahat ng mayayaman na gaya ni Chard na nandito ay masusungit at mata pobre gaya niya kaya madali akong nag blend in sa kanila.

Nagpunta ako sa isang table na may limang katao. Dalawang babae at tatlong lalaki. Sila ay naging masugid na costumers na  amin dito. Kahit mukhang magka edad lang kami. . . Ang swerte pa din nila dahil nakakapamuhay sila ng ganito. Yung walang aatupaging problema, gimik dito, gimik doon lang. Yun bang masaya ka lang? Haaay! Pero di ko sinasabi na nagsisis ako sa naging buhay ko ha? Mas ma swerte kaya ako kasi  kahit ganito ako ngayon may mapagmahal naman akong pamilya. Malay natin, sa kabila ng mga ngiti, tawanan, sigawan at indakan ng mga to hindi pala sila gaanong ka close ng kanilang mga magulang. Kaya hinahayaan sila na mag ganito.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now