Kumakain kami ni Chard ngayon dito sa loob ng bus. Alam kong pagod na siya pero iniinda lang niya kasi ayaw na niyang makipagtalo sakin. 'Don't worry baby boy! Malapit na tayo.'
Nagulat ako nang bigla siya tumawa.
"O, bakit?" Kako.
"Baby boy pala ha." Gosh! Napalakas ko pa yun ng sabi?
"H-ha? A-anong b-baby boy? Si-sino? W-wala naman akong sinasabi, a." Dios ko. Nakakahiya.
"Wala ba?" Napangisi siya. "Okay. Sabi mo, e." Sabay tingin sakin. "Baby girl."
Muntikan ko na tuloy mabuga ang chichirya na kinakain ko dahil sa huling sinabi niya. 'Baby girl?' Grabi siya.
Tinitigan ko siya ulit. Napangiti ako, hindi pala ito sanay sa mga ganitong pagkain. Namangha nga siya kanina nung nakita niya akong bumili ng chichirya na may suka. May pagkain pala daw'ng ganito. Pina try ko siya at nagustuhan naman niya... Kaya ito ngayon halos maubos na niya ang chichir-
"Huy! Tirhan mo naman ako." Sabi ko sa kanya. Grabi ang kunti ng natira ha? Di halatang gustong gusto niya.
"Ay? nako! Naubos ko na pala. Sorry." Napanguso niyang sabi.
Bakit parang gusto ko ang byaheng to? Ang cute niya tignan. Ibang iba siya sa araw araw na Richard na nakakasama ko. Haaaay.
"Alam mo ba?" Biglang sabi niya sakin.
"Hmmm?" Sagot ko habang binabalatan ko ang binili kong itlog.
Ngumisi siya. O, ano na naman kaya ang naisip nito.
"Yung byahe natin ngayon parang yung panliligaw ko sayo." What the! Kung malulunok ko lang talaga tong buong itlog na hawak ko ginawa ko na. Nakakagulat ha!
"H-ha? Bakit naman aber?"
"Ang tagal!" Sagot niya. Gusto kong tumawa. First time kaya niyang mag pickup line tapos ang kalabasan di nakakatawa kasi naging hugot. Hahahaha
"Sooo... Naiinip kana."
"Huy ha! Sabi ko lang ang tagal. Di ko kaya sinabing naiinip na ako." Depensa niya.
"Weh? Yung totoo naiinip kana noh?"
"Di nga sabi, e. Joke kasi yun. Joke. As in J-O-K-E. JOKE." Maarte niyang sagot. 'Haaay nako sarap kurutin yang pisngi mo baby boy.'
"Kurot lang. Libre naman, e." Umismid siya. "Baby girl."
WHAT THE HELL!
"Ano ba Chard!" Ramdam ko na naumiinit na aking pisngi dahil sa hiya.
"E, ikaw kaya diyan. Naririnig ko, e. Bakit ba?!" Aniya, sabay ngiti niya sakin.
"Ewan ko sayo." Kako, itinawa naman niya.
"Ito naman, joke lang. Pingi nalang niyang itlog mo." Haaay, buti at nag change topic.
Inabot ko sa kanya ang nabalatang itlog at pinanuod ko siyang kumakain nito. Ang ganda niya talaga tignan. Parang ang aliwalas ng pagmumukha niya at kailan pa naging maganda sa paningin ang kumakain ng itlog? Nakakaloka. Iba talaga kamandag nitong mokong nato, o.
"Feeling ko di mo na kakainin yang isang itlog. Akin na lang. Pwede?" H-ha? Ano raw?
"H-ha? I-itlog? Sa-sayo? Uhmm. Oo, masarap. Ay! H-hindi. Uhm. H-ha? Ano ulit yun??!" Yan, yan napapala mo sa kakatitig.
"Sabi ko, akin nalang tong isang nabalatan mong itlog. Ito talaga, uh-oh. Lumilipad na naman ang isip."
"O, sayo na." Sabay abot ko sa isang itlog. Ako din, sayo'ng sayo na. Ay nako! Ano ano na naman tong naiisip mo Maitot, e.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
