"Gusto mo i.real mommy mo na siya?"
"Gusto mo i.real mommy mo na siya?"
"Gusto mo i.real mommy mo na siya?"
Isang linggong mahigit na rin ang lumipas mula nung narinig ko yun kay Chard pero para pa rin akong tanga na pangiti ngiti hanggang ngayon. Nakakainis! May alam palang pampakilig ang mukong na yun. Hindi ako nakareact nun. Si Athens naman padyak ng padyak sa paa habang excited na tumango sa ama niya.
"Huy! Hala si madam. Ngiti ng ngiti, o. Na pano ka po? Di ka naman ata nalilipasan ng gutom dito." Sabi ni Yuna sakin habang inaabot niya ang mga naka pack na na pagkain. Mamaya na kasi yung PTA officers meeting nila Chard at nag buluntaryo akong tumulong sa pag aasikaso ng snacks since siya din naman ang host.
"Wag ka nga... gawin mo nalang yung pinapagawa ko sayo." tugon ko sa kanya. Ito talagang si Yuna medyo may pagka pakialamera.
"Tita? You need help?" Lumapit naman samin si Athens. Medyo mas gumanda na ang pakikitungo niya sakin. Nung isang linggo medyo nahihiya pa siya pero ngayon kinakausap na niya ako ng husto. Sana talaga tuloy tuloy nato.
"No baby. Okay lang kami dito. Malapit na din naman kaming matapos. Prepare yourself nalang at pagkatapos namin dito aalis na tayo at susundan na natin si daddy sa venue." Kako.
"Okay tita." Mabilis siyang nagtungo sa silid niya at tinapos naman namin ang pag pack ng snacks.
Nagsimula na sila sa meeting nang makarating kami. Binati ko naman ang lahat at inayos ang mga dala naming pagkain. Nakinig na rin ako sa mga pinag uusapan nila habang nakakandong si Athens sa akin.
Next week na pala ang Family days nila at mukhang excited ang lahat para sa family outing na to. Napaisip ako, maganda nga ito para mag bonding ang pamilya... pero grabi naman yung gagastos ka talaga ng malaki para sa mga araw nato. Hmmm, pero bakit ba ako nangingialam? Hahaha pera naman nila yun. Nakinig nalang ako ulit at tumatango tango din minsan. Feel na feel ko ata maging parent. Nakakaloka!
May isa pa akong na obserbarahan, since si Chard ang president... siya ang Chairman ng meeting. Nakaka proud lang, di ko alam na may side pala siyang ganito. Yun bang maresponsable sa mga sinasabi niya. Hahaha sabagay, hindi naman niya mapapatakbo ang Panchito bar kung wala siyang side na ganito pero speaking of Bar... kamusta na kaya sila doon? Na miss ko din ang magtrabaho. Hahay, ito kasing si Chard ayaw pa akong ipapasok ulit... mahirap din naman sumuway kasi nga para sa kapakanan ko naman daw.
Sila Camille, Japoy, Belle, si Kuya Larry kamusta na kaya sila? Haaay. Pati pinsan ko di ko na natawagan. Tsk! Kikitain ko nalang sila minsan pag nagkatao...-
"Tita? Tawag ka po nung mommy ni Charlotte." Pukaw ni Athens sa akin sa realidad.
"H-ha? Bakit daw?"
"Misis, ikaw? Do you have any suggestions of what would be our opening program para sa mga bata at parents sa darating na event?"
Ako talaga? Marami namang iba diyan, a? Wala akong masyadong ideya lalo na sa family program chuchu nato... pero napatigil ako nang may marinig akong nagbubulungan sa gilid.
"Tignan mo, tama nga ata hinala ko... naglayas talaga ata tong asawa ni Mr. Faulkerson at ngayon lang bumalik. Halata sa mukha na di sanay sa mga ganito, e."
"Ay hala? Naisip mo din ba yun? Dios ko akala ko ako lang... feeling ko din nilayasan niya ang mag ama tapos baka naubos na ang datong kaya bumalik siya kay Mr. Faulkerson. Kawawa naman."
Tong mga tsimosang to. Wala talagang magawa sa buhay kundi gumawa ng gumawa ng mga kwento.
"Ayan, walang ma isuggest kasi di naman talaga sanay na sumama sa mga ganito. Nag fifeeling dalaga nung mga panahong iniwan niya ang mag ama." Bulong pa ng isa. Last nalang kayo ha! Ang dudumi ng mga bibig! Kainis.
"Oh, it would be an honor to be asked about the program flow. I would suggest na aside sa may formal program tayo... may intermission numbers din by family, well selected lang yun... dapat may pa fireworks tayo tapos pwede tayong gumawa ng parents and children dedication. Pwede tayong gumawa ng candle lighting kasi nga diba? Gabi yan?" Parang nahilaw ako habang nagsasalita. Marami kayang nakatitig sayo tapos may isa pang pangitit ngiti sa harap. Lumalalim yun dimple. Mamaya ka talaga sakin.
"O my goodness! Brilliant ideas Mrs. Faulkerson. Mukhang di ka talaga nagkamali sa pinili mo, sir." Tugon naman nung ina na nasa harap. Nakakahiya. Brilliant ideas ba yun? Parang di naman.
Napatingin naman ako sa mga chismosa... natahimik. O ha! Akala niyo... akala niyo lang yun! Tiklop kayo. Bleee!
The program went smoothly hanggang matapos ito. We served the food that we prepared. Nag luto ako ng brownies para sa mga bata while sa mga parents naman vegetarian sandwhich salad. Natutunan ko to nung nagtatrabaho pa ako sa Bar. Hahaha may menu kasing ganito doon.
Napangiti naman ako nang mabigay na namin lahat. Nakaka proud lang kasi na may pinaghirapan ka para sa dalawang espesyal na tao sa buhay mo. Naalala ko tuloy yung tanong niya kay Athens noong isang linggo. Handa naba ako? Wala bang tututol? Pero mag aaral pa ako diba? Paano si tatay?
"Gusto mo i.real mommy mo na siya?"
Pero di muna ako mag aassume baka di naman parinig yun. Baka biro lang niya yu...-Ay kabayo! Nagulat ako nang may kamay na pumulupot sa bewang ko. Bakit ba ang hilig hilig niya mag ganito?
"Thank you Maine sa mga snacks. Mukhang nagustuhan nila." Tapos hinalikan niya ako sa balikat. Parang tumayo lahat ng balahibo ko.
Hinarap ko siya. "Chard naman, nakakahiya pinagtitinginan tayo ng mga parents, o."
"Hayaan muna sila. Inggit lang ang mga yan." Grabi, hindi ko talaga ma iimagine na may ganitong side pala talaga si Chard gaya ng mga ibang lalaki na nakikita ko. Akala ko kasi puro strikto, galit o di kaya kalmado lang siya pero ito... iba, e. Yung sweetest side lf him. Haaaay nakakapanghina ng tuhod.
"Sama mo. Hindi naman kasi yan sila naiingit dahil may asawa din naman sila." Kako sa kanya. Huy! Wag ka ngang magpa cute diyan. Nakakahiya ka Maitot.
"So sinasabi mo bang tayo ang dapat mainggit kasi tayo nalang ang hindi mag-asawa dito, aw. Sige! Inggit ako." Pinakitaan pa ako ng mapalad na ngiti. Hindi na naman ako nakapagsalita. Ayan na naman siya. Umaamdar na naman yung mga parinig rinig nato.
"Ay, pinaglololoko mo na naman ako Chard. Wag ka nga..."
Pero nagulat ako nang biglang mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko. "No Maine...." Nagulat ako, biglang nawala ang mga ngiti niya at sumeryoso siya. "Seryoso ako, I want you to be my real wife. Bakit ba naman natin patatagalin? Doon din naman tayo papunta."
Seryoso pala talaga siya?! OMG
•••
Halaaaa! Tong si Chard talaga uh-oh! Ang bilis! Pang true to laaayp 😂
Happy Wednesday everyone ❤️ dahil anniversary ng first pagkikita namin ni Alden Richards... mag uupdate ako sa tatlong on going stories ko po hihihi ❤️
DU LIEST GERADE
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
