76 • Result

2.1K 163 28
                                        

Kakauwi lang namin kaninang umaga dito sa Manila. Kahit hindi pa namin gustong lumuwas ay kinakailangan na. Maliban kasi sa trabaho ni Chard bukas ko na kasi iuuwi si Athens and only heaven knows how excited we are to have her back. Lalong lalo na si Chard.

Kinabukasan, maaga kaming nagising at pareho naming chineck agad ang kwarto ni Athens. Kung noon ay puro laru-an lang ang nandoon... ngayon may mga libro na din at may nadagdag na na portable laptop at tv sa kwarto niya. Binili namin to nung araw na nalaman namin na approve na ang pag sti-stay ni Athens dito sa bahay for adoption process.

"Makakasama na natin siya mamaya." Pangiti-ngiti kong sabi habang inaayos ang mga teddy bear na naka display sa cabinet.

"Oo nga, magiging isang pamilya na ulit tayo." Halata sa boses ni Chard na sobrang excited na siya. Haaay, ang sarap lang pakinggan. Sana tuloy tuloy nato.

Pinaghandaan talaga namin ang pagbabalik ni Athens dito sa bahay dahil kahapon pagkarating namin... agad kaming nagtungo sa grocery store at namili nang mga paboritong pagkain ni Athens. Bibili pa nga sana si Chard nang mamahaling cellphone para sa kanya pero pinigilan ko muna. Gusto ko na si Athens mismo ang mamili sa gusto niyang phone na bibilhin. Sasamahan namin siya ni Chard para bilhin ang mga bagay na gustong gusto niya. We will give her everything!

I parked my car outside the building. Ito na! Makakasama na namin siya. Mabilis akong nagtungo sa opisina.

Pero ang kanina'y abot langit na kaligayahan ko ay biglang nawala nang parang bola pagkapasok ko sa loob ng opisina. I was about to greet the DSWD chairman pero hindi ko natapos dahil sa gulat.

Bigla akong nanlamig, halos mawalan ako ng tamang balanse nang makita ko ang taong kaharap ko. Si madam Z.

"Good morning Miss Maine Mendoza or should I say Mrs. Maine Mendoza Faulkerson." She showed me her sweetest smile pero ang mga ngiting yon ang pinakamapait na ngiti na nakita ko sa tanang buhay ko.

Anong ginagawa niya dito? Parang nabato ako sa kinatatayu-an ko.

"O, you are already here. Upo po kayo ma'am." Sabat naman noong DSWD chairman.

"I guess my business here is already done, chairman. Salamat po sa pagpapaunlak sa akin." Ngumiti siya at kinamayan ito bago bumaling sa akin. "It's good to see you again, Maine." At mabilis siyang lumabas sa pinto.

Tyaka pa ako napakurap nang lumabas siya. Anong pakay niya dito? Binisita niya ba si Athens? Bakit? Teka...

"You may take your seat ma'am." Yaya sa akin ni chairman. Nakita ko ang pag iba ng ekspresyon niya. Madalas kasi ay magiliw siya o di kaya ay bakas ang galakan pag nakita at nakakausap ako. Pero ngayon, iba. Seryoso siya at hindi ngumingiti. Bakit kaya? Tinubu-an ako bigla nang kaba.

"Hindi na po tayo magpa ligoy-ligoy pa ma'am. As I reviewed your personal information requirements... nakita ko namang wala kang sabit. Particularly in your civil status." Napatingin siya sakin. Napalunok naman ako. Grabi, kinakabahan ako. Saan ba tutungo ang usapang to. Sana naman ay positive pa din. "But as what madam Z said earlier, ikinasal kana pala kay Mr. Richard Faulkerson Jr. Ang taong kinasohan at binigyan ng batas na hindi pwedeng lapitan ang bata.  Alam niyo naman na ayaw namin ng kasinungalingan dito. We want to make Athen's adoption to be properly processed at mapunta siya sa magagandang kamay pero ang batas ay batas. We cannot let you adopt her because you are now the wife of Mr. Richard Faulkerson Jr. I am so sorry ma'am."

Para akong nabagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya sa akin. Naglakad ako palabas sa office na para bang lutang na lutang. Dios ko, ano na ang gagawin ko? Paano na si Chard? Si Athens? Paano ko sasabihin to lahat sa kanya?

I tried to explain my side pero balewala pa rin. Pag ipupumilit ko pa ay kakasohan nila ako.

Lumabas ako sa building na pinipigilan ang maiyak. Paano nato ngayon?

"Ang tagal mo namang lumabas." Z suddenly appeared. Andito pa siya? Agad na kumulo ang dugo ko nang makita ko siyang biglang ngumisi.

"Bakit ka nandito? Ikaw ang maypakana nito kaya hindi ko makuha si Athens noh?" gigil kong sabi sa kanya. Gusto ko siyang sugurin at sapakin sa mukha kaso maraming tao sa paligid. Naging kaibigan ko pa naman ang mga nandito dahil sa halos araw-araw ko na dalaw kay Athens.

"Eh ano naman kung ako?" Mas nasilayan ko pa ng husto ang kanyang ngisi. "Buti nga at isinumbong ko sa chairman... kondi na loko niyo sila. Alam mo ba sa ginawa mo ay pwede kang makasuhan dahil nagsinungaling ka sa chairman at kung sweswertehen, makukulong ka! Hahahaha"

"Ikaw ang makukulong dahil sa walang kahiyaan mo sa pamilya ni Chard!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw sa kanya.

"Talaga?! Hahaha nako naman, natatakot ako." Pagdrama niya. "Subukan niyo lang... ipapakulong din kita! Sinungaling!"

"Kapal ng mukha mo!" Singhal ko ulit. Ang sarap niya talagang sugurin! Uuuurgh!

"Ikaw ang makapal ang mukha! Mukhang pera, probinsyana! Kahit anong bihis mo pa rin... nangingibabaw ang ka cheapan mo!" Gigil niya ding sabi niya sa akin.

Nilapitan ko siya. "At ikaw! Kahit anong bihis mo pa din, kahit gaano pa kalapad ang ngiti mo sa harap ng maraming tao... lumalabas pa rin ang sungay mo! Demonyo." Mahinahon na may halong gigil ko na pagkasabi sa kanya. "Nang gugulo kana lang ngayon dahil ni isa mula sa mga Faulkerson ay walang sumisempatya sayo! Pinaghahanap kana nila at ipapakulong!"

"Walang hiya ka!" Hinila niya ang buhok ko. Potek! Kanina ko pa to sana ginawa! Uugh. Hinila ko din ang kanya. Nawalan siya ng balanse at natumba siya patalikod. Agad ko siyang dinaganan at idiniin ang mukha niya sa lupa. Hinila ko din ng husto ang buhok niya pataas para wala siyang magawa. Gaga siya! Akala niya hindi ko siya papatulan? Pwes! Punong puno na ako. Wala na akong pakialam kung marami man ang tumitingin sa amin.

"Ikaw ang walang hiya! Ibabalik kita sa kailaliman ng lupa at ihahatid kita kay satanas! Matanda ka!" Gigil na sabi ko sa kanya.

Buti nalang at inawat kami ng security guard at iba pang mga tao kaya natigil ang gulo namin. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Bwesit siya, nadumihan pa tuloy tong puting blouse ko.

Inalalayan naman siya ng security guard at ng iba pang nga tao doon.

"Hawakan niyo yan!" Mando ko. "Nagdradramang kawawa lang yan. Wag niyong hayaang makawala yan." Kako at kinuha ko ang phone ko sa bulsa.

"Hello dad! Nakita ko na si Zenna. Yes po, dito sa DSWD building."

•••

Hello guys! 👋🏻 Few more chapters left. Hihihi.

We sell Yema Spread and Pineapple Jam nationwide. Pm me on twitter if you guys are interested.
Twitter account: @sheeshaii021

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now