20 • Waiting

2.1K 219 25
                                        

Tatlong linggo na ang lumipas mula nung humingi siya ng permiso sa tatay ko. Wala namang gaanong espesyal na nangyari sa mga nakalipas na linggo. Hindi na rin nasundan ang gabing nakitulog siya. Medyo na busy din siya. . . hindi ko siya masyadong nakikita sa bar at di din siya madalas nag titext. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung talagang seryoso ba tong  nanliligaw? ano kasi diba sa pagkakaalam ko pag nanliligaw ka ng isang babae pinagtutuonan dapat talaga ito ng pansin. Ang pinagtataka ko bakit ang daldal ko dito at bakit siya ang iniisip ko ngayon? Samantalang marami akong dapat pag isipan gaya nung sponsorship ng pag aaral ko, yung tulong kay tatay. . . pero ang ending din pala ng usapan siya pa din ang main topic noh? Nakakaloka! E, siya nag offer ng sponsorship, siya din ang nag offer ng tulong kay tatay. Haaay grabi na etey! Nakaka emotional ng kilikili.

"Huy! Inday! Bakit ka nakabusangot diyan?" Sarap na sana ng pag i.ima ko nang biglang hinampas ako ni Camille sa balikat.

"H-ha? Wala naman. . . nga pala, ano pala yung announcement ni Kuya Larry ngayon at kailangan pa nating hintayin lahat ng impleyado  na tapusin ang mga gawain para mapag tu.unan ng pansin mamaya yung sadabihin niya?"

"Gaga! Di mo alam? Shocks Mai!" Mataray na sabi niya. 'Mas gaga ka! Kung alam ko sana edi di na kita tinanong no! Bombelya ka!'

"Shunga! Malamang di pa talaga alam ni Mai kasi nga bago.han pa lang siya. kakaloka Ka!" Sambat naman ni Joyce na kakarating lang galing staff room.

"Oo nga pala noh? Tsk. Bago kapa pala." Sagot naman ni Camille sa sinabi ni Joyce.

Well, medyo matagal na din naman ako. Next month maglilimang buwan na din ako dito.

"Mamaya Mai. . . malalaman mo na. Camille ha! isusubsob ko talaga yang mukha mo pag mag spospoil ka kay Mai." Banta naman ni Belle sa kanya na umupo na din kasama namin.

"Oo na, Oo na." sabay irap na sabi ni Camille.

Nagkwentuhan pa kami ng halos sampung minuto bago pa nagsiupo.an ang mga impleyado. Gaano ba talaga ka importante ang sasabihin ni kuya Larry at para bang ang attentive ng lahat sa sasabihin ni kuya.

"Hi guys! Magandang Umaga." bati ni Kuya Larry sa amin.

Binati naman ng lahat si kuya.

"Andito na naman tayo sa ating pinakahihintay na Annual Event. Alam ko na tayong lahat ay pinaghahandaan to. Sana naman ay nag inat inat na kayong lahat ng buto. . . literaL hahahaha, mas pinatalim pa ang mga diskarte at mas lalong nilakasan pa ang kakapal ng pagmumukha. Hahahaha"

Ano raw? Annual chuchu?

"May mga bagong  kasamahan tayo dito. Sino ang gustong mag explain sa kanila kung ano itong pinakahihintay nating Annual Event?"

"Ako! Ako na! Magaling ako diyan. . . " buluntaryong sabi ni Camille. As always, rinig ko naman ang pag alma ng mga kasamahan ko.

"Okay. . . Camille. I.explain mo nga sa kanila."

Tumayo si Camille at naglakad sa gitna. "Eerm" wow, confident! "Hi guys. . . so. . . erm . . yeah! Ganito kasi yun, this Annual Activity Event usually nangyayari ito sa araw mismo ng Anniversary Celebration ng Panchito Bar  tapos yung Activity na ito ay mga employees ang participants. Hinahati ang lahat ng impleyado sa tatlong grupo. 12-15 members each group. In 2 weeks kailangan mapaghandaan ng bawat grupo ang kanilang performances. Yun lang, Thank you."

At maarte itong bumalik sa upo.an. 'Naks naman! Iba talaga pag pabida.'

"Okay, so I guess narinig naman ng lahat ang sinabi niya diba? Okay, now may MAS importante akong sasabihin sa inyo. This year, ika 20th year na ng Panchito Bar at mas malaki ang idada.os na celebrasyon sa darating na Anniversary. We will be featured sa isa sa mga internation TV network, ang CNN. Inaasahan tayong mag perform ng live sa gabing iyon. Ibabahagi natin sa kanila ang ating tradisyon na celebrasyon dito sa Bar. Just so you know. . . isa pala tayo sa mga sikat na dinadagsa na Bar sa buong Pilipinas kaya nga nagka chance na ma fe.feature tayo. Now, kung gagawin natin ang Best natin at mas ma impress natin sila. . . pwede tayong ma compete sa ibang sikat na Bar sa buong Asia. Kung magagawa natin yan, malamang maging 'pride' tayo ng ating Bansa." Magarbong sabi ni Kuya Larry.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now